Press Release
July 24, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Q: On change of leadership?

Sen. Grace Poe: Alam mo ang nakakalungkot kasi ang pinalitan niya hindi naman din tayo sang-ayon do'n 'di ba, pero wala na bang ibang pagpipilian? 'Yon na lang nang 'yon. Sa ating mga kababayan, maghanda lang kayo kasi kapag ang mga namuno sa Kongreso ay i-railroad itong Cha-cha at gawing parliamentary form, maaaring magising na lang kayo, either patas ang kapangyarihan sa Pangulong ibinoto ninyo o siya na ang magte-takeover bilang Prime Minister. Kasi 'di ba, ang Prime Minister naman talaga ang nagpapatakbo ng gobyerno sapagkat lahat ng kapangyarihan ay nandoon sa Kongreso do'n sa parliamentary form, kaya parang pailalim na naman na hindi ko na sana kailangang ipaalala pa dahil sa puso naman natin alam naman natin ang mga nangyari noon, hindi lang ito do'n sa nangyaring 'Hello Garci,' hindi lang 'yon. Tandaan na lang natin na noong mga panahong 'yon, ilang mga anomalya ang mga nangyari, anong klaseng korupsiyon ang mayroon tayo? Ang halaga ng pera natin, P56 to a dollar noon, ang gasolina halos umaabot ng P50 plus per litro rin ang pinakamababa. Bumabalik ba tayo do'n? Hinalal ang ating Pangulo dahil gusto ng tao ng pagbabago, ako rin naman gusto ko ng pagbabago pero pagbabago na makakabuti sa atin, hindi naman 'yung pagbabagong hihilahin pa tayo sa mas desperadong situwasyon.

Q: So may nakikita kayong agenda bakit siya ginawang Speaker of the House?

Poe: Kung mayroon kang gusto sigurong ma-accomplish, wala namang nagsasabing hindi siya competent o hindi siya matalino, ubod nga ng talino, 'di ba masyado ngang matalino na minsan hindi natin--'yun bang mga ginagawa nila ay para sa kabutihan natin o para lang sa sarili nilang interes? 'yun 'yung sa akin. Alam mo noong eleksyon, tinanong ako, ako ba ay sang-ayon na siya ay magpagamot? Bilang isang tao na may simpatiya, bilang isang Kristiyano, oo naman 'di ba dahil mukha naman talagang may sakit. Tapos bigla na lang ngayon makikita mo ay parang mas--e talagang niloko lang tayong lahat 'no. So parang tuloy nawawala ang simpatiya mo kasi ako naman gusto ko namang maging patas, kung talagang nangangailangan bakit hindi, pero ngayon, gano'ng klase, sabi nga naka-isa ka na, naka-dalawa ka, ngayon pangatlo na, baka dapat nang kalusin.

Q: Ma'am on your part ire-remind niyo na lang lagi yung public kung anong klaseng leadership ang mayroon siya before?

Poe: Alam mo ang huli't huli niyan, ang ating mga kababayan pa rin ang magdedesisyon. Kung okay sa kanila 'yan at pumasa ang isang ganitong klaseng sistema, wala akong magagawa, voice of the people.

Q: Nakausap ninyo yung mom ninyo, ano ang initial reaction niya?

Poe: Huwag na lang tayong pumunta diyan, ibang bagay iyon, napakapersonal. Basta, hindi ko nga maintindihan, basta nagparamdam ang tatay ko sa akin. Thank you.

News Latest News Feed