Press Release
August 1, 2018

Sen. Bam on early campaigning, TRAIN 2 and China issue
(Transcript of media interview)

Q: Aside from the TRAIN, may bill si Sen. De Lima prohibiting early campaign up to at least one year before the elections. TV guestings, except from news, and endorsements of products. Is it about time?

Sen. Bam: Magandang pag-usapan yan sa susunod na committee hearing. May undue advantage yung mga may kakayahan na magtayo ng tarpaulin at lumabas sa commercials. Ang kabaligtaran naman niyan, yung incumbents naman yung may undue advantage. Maganda pag-usapan yan kasi right now, all the rules start kapag nagsimula ang campaign period which is February. Yung panahon po ng pagkatapos magfile pero bago ang campaign period, wala pang rules gaano yan so that's been utilized in the past. Maganda rin pag-usapan dahil maraming ibang ideas dito. Magfocus tayo dun sa mga debate, hindi lang sa mga commercial. Yung mga tatakbo, mabigyan ng oras sa mga TV stations na hindi naman sobrang mahal. These are all very important na kailangang mapag-usapan. Pero yung isang tinutulak natin ay yung mga tao, mas level ang playing field sa pagtakbo sa susunod na eleksyon.

Q: This afternoon, expected na si Senate President Sotto will file the bill for the TRAIN 2. Ang repeated appeal niyo is tingnan muna ang TRAIN 1 bago ang TRAIN 2?

Sen. Bam: Yes. Mahirap magmove-on sa TRAIN 2 kung marami pa rin sa atin ay nahihirapan sa TRAIN 1. Kahapon lang, yung concerns ng transport groups na lumiit yung kanilang kita. Yung Pantawid Pasada Progam na dapat tutulong sa kanila, hindi naman naibibigay sa kanila. Marami pang problema ang TRAIN 1 at ang hirap pumunta sa TRAIN 2. Kung ang implementation ng Train 2 ay kaparehas ng TRAIN 1, sigurado tayong hindi yan gagana. They should first make sure na yung social mitigating measures ng TRAIN 1 ay mangyari muna. May balanse pa ng a few million Filipino families na hindi pa rin nakakakuha ng tulong sa Cash Transfer. Yung transport groups kahapon, punong-puno ang conference room, lahat dun wala kahit isa ang nakatanggap ng tulong mula sa gobyerno dun sa Pantawid Pasada Program. Ang hirap makamove-on sa TRAIN 2 habang itong TRAIN 1, marami pa ring natatamaan at marami pang programa na dapat nag-emanate mula sa TRAIN 1 na hindi naman napapatupad sa ating bayan.

Currently, ang pangunahing problema ng kababayan natin ay yung presyo ng bilihin. Siguro ito, wala na sigurong magkukwestyon. The answer should be: "What should we do to address this?" Ano ang dapat gawin para ma-address ang problemang yan.

Ang pangunahing issue ng TRAIN 2 ay trabaho. Marami sa mga industriya at sa mga chambers of commerce ay lumalapit sa mga senador, nagsasabi na kung mabago ang kanilang incentives, baka magkaproblema sila, mag-alisan at pumunta sa ibang bansa. Kaya maraming trabahong maaantala.

Ang bawat trabaho sa ating bayan ay mahalaga. Hindi yan pwedeng basta-bastang gagawan ng bagong patakaran at mawawala na lang bigla. Kailangang makita natin ang epekto nito. Hindi pwedeng madaliin, hindi pwedeng brasuhin gaya ng nangyari noong unang Train. Kaya kailangan talagang mapag-aralan yan. To be very frank, the timetable given ay masyadong maikli. May budget pa po tayo na gagawin. So I really doubt na matatapos yan by the end of the year. Andami pang (ibang kailangan) bigyan ng pansin na mas mahalaga.

Para sa akin, bago natin puntahan ang TRAIN 2, sagutin muna ang mga issue ng TRAIN 1. E ngayon nagtaasan na ang presyo ng bilihin, ano ang gagawin ng gobyerno para maibsan yan? Di naman pwedeng pagkatapos mo gumawa ng damage, sige na lang, next na.

Q: Anong hihilingin niyo sa DOF, in particular, thorough explanation din?

Sen. Bam: Noong TRAIN 1, andaming pangakong hindi naman natupad. Yung pangako ng tulong sa mahihirap, di naman natupad. Pangakong tulong sa transport sector, hindi rin natupad. Pangako na hindi tataas ang inflation natin, hindi rin natupad. Pangako na hindi tataas ang presyo ng bilihin, hindi rin natupad. Kung napakarami namang napangako na hindi naman natupad, bakit tayo maniniwala sa mga pangako ngayon? Let's have an honest look kung ano ba talaga ang epekto ng TRAIN.

Yung isang kasinungalingan na binebenta ngayon na yung TRAIN ay budget ng imprastruktura, hindi totoo yan. Yung TRAIN, maliit lang ang contribution niyan sa infrastructure budget natin. Kaya maganda tong panahon ng budget, next week pag-uusapan na yung 2019 budget, may pera tayo para sa imprastruktura. May kontribusyon dun ang TRAIN pero hindi yan magkaparehas na budget. We really want to see kung ano ba talaga yung contribution na to, ano ba talaga ang nadulot niya sa taong bayan, at paano natin ito maiibsan? Ako, simple lang, bakit natin tataasan yung presyo ng gasolina at diesel habang pataas ang presyo ng bilihin sa ating bansa? Huwag na nating dagdagan pa ang pahirap sa ating kababayan. Kung patuloy itong nagtataas, ang ibibigay natin sa taong bayan, mga paraan kung paano ito bababa. Huwag na nating dagdagan pa. Yung argument na "konti lang naman ang dinagdag nito", hindi yan katanggap-tanggap sa mga tao. Kahapon nga, sabi ng mga jeepney at tricycle drivers, yung dalawang piso kada litro, masasabi mo na dalawang piso lang yan pero sa hanapbuhay nila, ang ibig sabihin nun ay isang kainan. From 3 meals a day to 2 meals a day po sila. Hindi yan basta-basta. Di pwedeng sabihin na: "Ay, dalawang piso lang yan". Sa mga kababayan natin, yung dalawang pisong yun, kapag araw-araw yan, may epekto yan sa buhay nila.

Honestly, I dont know if the Senate President will push through with TRAIN 2 pero hindi yan gaya ng TRAIN 1 na mabilis naipasa. Pagdedebatihan natin yan at sisingilin namin kung ano ba talaga ang naidulot ng Train 1 na nagbibigay ng confidence na mag TRAIN 2 na tayo. All of this is based on their feedback, computation, and forecast. Kung yan ay ginagamit nila ang kaparehas na ginamit sa TRAIN 1, ay marami talagang problema. Kasi marami sa mga napangako sa TRAIN 1 ay hindi naman natupad at nakita natin yan this 2018.

Q: Ito rin po ba ang posisyon ng minority?

Sen. Bam: I think so. But this is my personal position at isa din ako sa mga nag-no sa Train 1. Patuloy ang mga konsultasyon na ginagawa namin at lumalabas talaga na marami sa aming mga kababayan ay naghahanap ng solusyon kung paano pababain ang presyo ng bilihin. I've always said na ang Train ay nakaagdagdag sa presyo ng bilihin, hindi nakapagpabawas. Kailangan natin ng paraan upang bawasan ang presyo ng bilihin at di para itaas ito. Many sectors have said, nanganganib ang kanilang mga industriya dito sa Train 2. We want to make sure na kapag napag-usapan ito. Masisigurado ba talaga na wala pong ni isang trabaho ang maantala sa Train 2?

Q:

Sen. Bam: Sa mga joint exploration, kailangan ng treaty. Ang pinakamahalaga ay matuloy na ang committee on foreign affairs hearing sa Monday. Dapat this week yan, napostpone po sya. Kailangang matuloy yan para malaman natin sa iba't ibang mga larangan kung ano ba talaga yung mga deals natin sa China? Ano ba ang mga deals natin pagdating sa teritoryo? Ano ang deals natin sa ekonomiya? Ano ba ang deals natin sa exploration? Hindi malinaw at hindi transparent. Kailangan maging malinaw yan sa Senado at kaming mga senador at taongbayan ang maghuhusga kung itong deals natin sa kanila ay lamang tayo o dehado tayo dito.

Q:

Sen. Bam: Yung subject matter po ng hearings ay yung military planes landing in Davao. Dahil marami na rin akong resolution na na-file dito, gusto nating malaman yung kabuuan ng ating pakikitungo sa China: yung ekonomiya, sa teritoryo, sa mga utang, sa mga exploration. Kailangan masigurado natin na lamang tayo at pinoprotektahan natin ang ating teritoryo. Hindi dapat na ipinapamigay ang ating mga teritoryo para sa mga deals na ito. We want to make sure and we want to be sure that at the end of the day, sa pakikitungo natin sa China, lamang pa rin ang mga Pilipino.

News Latest News Feed