Press Release
August 8, 2018

TRANSCRIPT OF GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW

Q: Ma'am nabanggit ninyo na concerned kayo doon sa possible red-tagging of journalists, for the record ano po ang nakikita ninyong possible danger that could arise from this?

Sen. Grace Poe: Siyempre kasi ayaw naman natin na magkakaroon ng polisiya na kapag ikaw ay journalist, all of a sudden ikaw ay nakamarka na. Parang sinasabi, mayroon daw isang pinapaikot na presentasyon na sinasabi na ang mga miyembro ng media ay enemies of the state--supposedly this is already an obsolete presentation--it should never be a relevant presentation to begin with 'di ba, so hihingan natin ng reaksiyon ang AFP kung bakit may mga ganitong presentasyon. 'Di ba sinasabi nga ng lahat na ang media nga ang tagabantay so dapat proteksiyunan din naman sila at maresolba na rin itong mga kaso laban sa mga pagpatay.

Q: You think ma'am it's part of suppression of the press?

Poe: We certainly don't want it to be that way, and if they have it that way, 'pag sinasabi na ire-red tag dahil media is the enemy of the state, nakakabahala 'yon. Siguro hindi nila naisip ang repercussion ng gano'ng klaseng branding.

Q: The PCOO again is in the heat, sinundan na naman ng blunders from PTV then Pederalismo ni Mocha Uson, what do you intend to do with PCOO?

Poe: Siyempre kapag nagkakaroon ng mga blunders na gano'n ay kinakailangan sigurong mag-eksplika sila kung papaano nila naaayos ang kanilang proseso, kasama kasi diyan sa aming mandato na tutukan kung papaano nila ginagawa ang kanilang trabaho. Siyempre bago natin bigyan ng budget, ng pera na gagamitin nila, ito ba ay nagagamit nila ng maayos, sino ba ang mga taong nilalagay nila diyan, sila ba ay kwalipikado sa kanilang trabaho.

Q: Do you intend to at least object to the increase na hinihingi nila?

Poe: Sa ngayon kailangan kong marinig saan ba nakadetalye ang mga gastusin na 'yan kasi sabi ko nga 'di ba binabaan ang budget ng Department of Agriculture, ng Department of Health, tapos ang PCOO tinaasan ang budget, so bakit tataasan 'yon tapos ang mga departamento na kailangang-kailangan ng ating mga kababayan ngayon ay tinatapyasan ng budget so talagang ipapatawag natin. Tapos ang isa pa mayroong proposal nga daw na kailangang dagdagan ng budget para dito sa federalism campaign, nando'n naman ako na para magkaroon ng impormasyon ang ating mga kababayan pero gusto kong malaman kung bakit gano'n kalaki at sino ang mamumuno at papaano nila gagawin bago natin ito aprubahan.

Q: There are calls for Asec. Uson to take a leave, kayo ma'am, ano sa tingin ninyo ma'am...?

Poe: Matagal na namang mayroong mga apprehension pero sa tingin ko buti pa marinig natin mula sa kanya ang kanyang eksplanasyon dito sa Senado--kung magkakaroon tayo ng pagdinig--kung ano ba sa tingin niya ang naging kanyang role dito sa mga nangyayari na ito at marinig na rin natin mismo dito kay Secretary Andanar ang evaluation niya, kasi bilang pinuno ng PCOO siya dapat ang unang magmumungkahi kung ano sa tingin niya ang nararapat na gawin.

Q: Maliban sa media killings, kita rin ang harassment sa journalists especially sa women journalists, paano 'yung nakikita ninyo na kailangang protections especially with the advent of digital and trolls?

Poe: Alam mo ang media violence hindi lang naman ang pagpatay sa media, ang media violence ay ang harassment din na nangyayari sa kanila 'pag nagrereport sila ng mga bagay na hindi sang-ayon ang iba, 'di ba? So ang hinihingi natin dito sa Presidential Task Force on Media, ay dapat magkaroon sila, unang-una, ng designated number na kapag mayroong banta sa media ay matatawagan. Pangalawa, na ang kanilang komposisyon ay dapat hindi lamang mga opisyal ng gobyerno, dapat mayroong mga miyembro ng legitimate media organizations na uupo sa Board nito para mabigyan ng mas patas na pananaw, kasi hindi naman puwede na under na nga ng Office of the President, ang mga miyembro pa ay puro mga opisyal ng gobyerno. Dapat talaga mayroong member na media practitioner rin, so isa 'yan sa mga iminumungkahi natin. Saka hindi lamang 'yon, dapat mayroon talagang hazard insurance ang ating mga miyembro ng media dahil minsan delikado na rin ang trabaho. At dapat tanggalin do'n sa tinatawag nilang enemy of the state, ang branding ng media organizations. Kasi hindi talaga dapat 'yan, it goes against the principles of democracy, if first of all you target media practitioners and you label them as enemies of the state.

Q: Na-gauge po sa hearing kung gaano ka-safe ang Pilipinas para sa mga journalists?

Poe: Alam mo sa hearing natin lumalabas doon sa report na ang Pilipinas ang pangalawang pinakadelikadong lugar para sa mga media practitioner. Una po ang Iraq, nagkaroon po ng giyera doon, tapos pangatlo po ang Mexico kung saan talamak ang droga. Akalain mo ang Pilipinas number two, so hindi po ito dapat na ipagkibit-balikat lamang, ito ay napakaimportante na issue dahil kung ang Pilipinas ay nagiging pangalawa sa buong mundo na delikado ang situwasyon ng mga media practitioner, e seryosong problema ito talaga na dapat natin malutas.

Q: Based sa dami ng killings po o na-harass na media kaya po tayo number two?

Poe: Based on the number of killings alone, hindi pa kasama ang media harassment dito. At huwag nating kalilimutan, hindi pa rin tapos ang kaso ng Maguindanao Massacre, kung saan in one sweep more that 30 journalists or media practitioners ang pinatay.

Q: Ma'am paano 'yun walang budget ang Task Force so paano?

Poe: Alam mo 'yun nga e, isa pa 'yun, they are just relying on handouts from the Office of the President. Siyempre gusto natin na maging patas ang Task Force na ito lalung-lalo na kung ang pera nakukuha sa iisang source lang, Office of the President pa. Siguro dapat isip-isipin natin ano ang puwede nating gawin, puwede bang kunwari sa PCOO, tayo mismo sa Kongreso ang magbibigay ng designated budget para dito sa komite na ito ng protection on the media, 'yung PTFoMS na tinatawag.

Q: What do you think of the proposal na gumawa ng independent commission on media security and do you plan to file a bill?

Poe: You know how legislation takes long. But in the process, I think we should be able to file a measure na magkaroon ng independent group for the protection of media practitioners, not under the Office of the President but an independent commission. Parang, sabihin na natin, Office of the Ombudsman, na mayroong sariling mandato. Pero sa ngayon na wala pa yan, ang puwede nating gawin ay ilaan talaga sa budget na mayroong mapunta dito sa Task Force na ito. Number two, sinabi na natin sa kanilang Undersecretary na ang composition ng kanilang board ay dapat mayroong independent media practitioner na miyembro, member of the academe at hindi lamang mga government officials para patas ang kanilang pag-iimbestiga.

Q: Ngayon ba government officials lang ang members ng Task Force?

Poe: Sa ngayon, oo. Ang mga media practitioners are just independent observers. Hindi naman sila 'yung talagang nando'n.

Q: On MMDA plan to ban single-passenger cars on EDSA

Poe: Siguro maganda ang kanilang layunin para dito sa high occupancy vehicles pero alam ko nagkaroon na sila ng eksperimento dito last December. Ano na ang resulta no'n? Sa ibang bansa, mayroon talagang gano'n. Pero ang apektado dito ay 60 percent ng ating mga drivers. So siguro ang masasabi ko lamang ay 'wag padalos-dalos. Baka puwedeng magkaroon ng isang araw na subukan nila 'yan kung ano ang mangyayari at magkaroon talaga ng bukas na pagdinig. Kasi hindi puwedeng basta-bastang unilateral at sasabihing 'o ngayon ganito na.' Magkaroon muna ng trial period tapos tingnan natin kung ito ba'y magiging epektibo. Alam mo kasi puwedeng ginagawa 'yan sa ibang bansa at matagumpay 'yan kasi marami silang alternate routes. Dito sa ating bansa, EDSA ang main thoroughfare natin at 'yung mga puwedeng daanan sa iba't ibang kalsada ay barado. Unless you can guarantee na 'yung mga illegally parked vehicle do'n sa Mabuhay Lanes ay tatanggalin ninyo at malilinis ninyo in coordination with local governments, huwag kayong basta-bastang magsasabi na hindi na puwedeng dumaan sa EDSA. Dapat in coordination 'yan [with local governments]. Malinis na ba ang side routes na puwedeng daanan? Kayo ba'y nagkaroon na ng trial period para siguraduhin kung ano ba ang magiging epekto nito?

News Latest News Feed