Press Release
August 9, 2018

Villanueva's opening remarks at the Senate probe on NutriAsia, PLDT labor issues

Mapagpalang araw po sa inyong lahat.

Today's hearing will afford us the opportunity to hear positions and recommendations from our representatives from Labor Unions, NutriAsia, PLDT, the Department of Labor, and various employers' groups.

The main reason why we are here today and as we stated in Senate Resolution No. 810 is to "...to address gaps in the law on enforcement and compliance that facilitates discord and violence similar to situations of the PLDT and NutriAsia workers."

Kaya hindi po ito panahon para magturuan kung sino ang dapat sisihin. Oportunidad po ito para hanapan natin ng solusyon ang kahinaan ng ating kasalukuyang batas na naging sanhi ng marahas na dispersal at strike ng NutriAsia at protesta ng mga manggagawa ng PLDT. Isa po dyan ang labor-only contracting na siyang numero unong behikulo ng ENDO at pang-aabuso sa kontraktwalisasyon.

Hindi po tayo nag-si-single-out ng kumpanya, nagkataon lang po na recently, pinag-usapan po talaga ang nangyari sa NutriAsia at PLDT. Makakatulong po itong hearing para maunawaan din natin at ng ating mga kababayan ang iba pang problema sa regularisasyon at kontraktwalisasyon sa iba pang mga establisyimento.

Aware din po tayong may pending Motion for Reconsideration pa sa Court Appeals sa modification sa order ng DOLE. Kaya ang apela ko po sa inyo ay mag-stick lang tayo sa facts dahil ang usapin pong ito'y "sub judice"o nasa konsiderasyon na ng ating Korte.

Kailangan po natin ng mas klarong batas nang hindi po parang "cycle", paulit-ulit lang kada taon, ang kaguluhang dulot ng problema natin sa ENDO at mga pang-aabuso sa kontraktwalisayon. Nauunawaan naman po natin ang mga negosyante o employer na sinasabing ang hirap magnegosyo sa Pilipinas dahil hindi raw malinaw at pabago-bago ang mga patakaran.

Dahil sa ambigwidad at malalabong probisyon ng ating Batas Paggawa, naiipit po tuloy ang mga manggagawa.

Kaya gusto po nating alamin ngayong araw, halimbawa, kung paano ginagawa ng DOLE ang inspection nila, may pa-abiso ba o surprise visit? May malinaw bang guideline o objective basis para sabihing may labor-only contracting sa kumpanya? Bakit nagkaroon ng gulo sa NutriAsia sa gitna ng compliance order ng DOLE?

Pagtulungan po natin ito, pag-usapan natin ng mahinahon. Ilatag natin ang mga problema at tingnan natin kung sapat na ba ang inihahain nating solusyon sa SB 1826.

Noong August 7, inisponsor po natin ang Senate Bill 1826 o ang "Security of Tenure and End of Endo Act". Nabanggit po natin ang kwento ng kababayan nating Bulakenyong si JORNELL QUIZA, 28, agency-hired at kontraktwal mula pa noong taong 2010. Kwento po n'ya sa atin, kahit minsan sa loob ng walong taon ay wala siyang natanggap na salary adjustment. Ang masaklap, kahit daw po uniform o protective gear ay siya pa ang nagbabayad at kung minsan ay mahigit 12 oras siyang nagtatrabaho para lang maging sapat ang kanyang sweldo para sa pagkain ng kanyang pamilya.

Malaking bagay po ang hearing na ito at ang goal po natin ay makatulong. Ang tingin po natin ay may magagawa tayo upang mabago natin ang sitwasyon ng mga manggagawang katulad ni Jornell. Ibigay na po natin sa kanila ang seguridad sa trabaho, ang sandigan ng manggagawa, negosyo at ekonomiya ng bansa.

Salamat po.

News Latest News Feed