Press Release
August 9, 2018

Villanueva's closing remarks at the Senate probe on NutriAsia, PLDT labor issues

Ganito po ang nabuo nating konklusyon dito:

Ambiguous, malalabo ang mga probisyon ng Labor Code. Naiikutan po ang mga probisyon at iba't iba ang nagiging interpretasyon.

Resulta: pang-aabuso sa kontraktwalisasyon. Iniluwal po n'yan ang mga labor disputes, strike, protesta, at maging ang marahas na dispersal ng mga manggagawa.

Kaya ang DOLE, may cease and desist order. Consequently, as Mr Jimenez pointed out, PLDT cannot perform its role. Nawalan na ng trabaho ang mga manggagawa, na-kompromiso pa ang serbisyo sa mga consumers.

Bilang Bulakenyo, masaya po tayong nandoon sa Bulacan ang Nutriasia na isang proud Filipino company. Nalulungkot din po tayo na dahil sa mga isyung ito nagkaroon ng pagpulandit sa social media ng campaign na i-boycott ang kanilang mga produkto. I cannot agree with you more Ms Flaminiano - these situations have inflicted economic losses and anxiety, most especially to workers.

Ultimately, talo po ang mga consumers, hindi ito maganda sa ating ekonomiya, hindi makakausad ang ating bayan.

Sa kabilang banda, konkreto rin naman po ang mga testimonya ng ating mga manggagawa lalo na sina Reynante Gomez at Dan Joshua Nazario, na walong taon, sampung taon na sa trabaho, hindi nakatanggap ng dagdag na sweldo. Tanong: habambuhay na lang ba talaga silang kontraktwal, minimum wage earner at walang seguridad sa trabaho?

So, kailangan po natin talaga ng isang klarong batas kung saan malinaw ang criteria kung kailan may "labor-only contracting" at malinaw kung ano ang "core business" o "specialization" at tama po, 'yung may "flexibility" in view of Industry 4.0 o yung tinatawag na"smart factory" na unti-unting nagiging hugis ng mga pagawaan.

In the next hearing, we will also invite other companies that we cited in Resolution 810 like Middleby, Jollibee, Monde Nissin, Uni-Pak Sardines, etc. to help us craft a clear, predictable and reliable measure and not, as Ka Rene said, "pregnant with interpretations".

Naintindihan po natin na may interes ang mga employers, gayundin naman ang mga manggagawa. Nasa gitna ninyo ang DOLE at nandito naman kami sa Kongreso para amyendahan ang batas. Pagtulungan po natin ito.

Maraming, maraming salamat po sa inyong pagdalo. God bless us all.

News Latest News Feed