Press Release
August 13, 2018

Sen. Bam on obligations-based or cash-based budgeting, gov't underspending and energy Senate hearing
(Transcript of media interview)

SEN BAM: Isa po ito sa mga iti-take up po natin dito sa budget, mayroong mga ahensya gaya po nito na bumaba yung mga budget nila for very important programs gaya ng ratification at gusto natin na makita na mas maraming lugar sa ating bansa ang magkaroon ng kuryente, isa po ito sa mga naungkat natin kanina, at hinahanap rin po natin yung rason kung bakit po binabaan yung budget natin.

Q: Magkano po ba from last year?

SEN BAM: From 1.6 billion to less than 1.2 billion. Mas konti yung mga lugar na mabibigyan ng tulong sa kanilang kuryente. Baka hindi na maabot yung target ng DOE by 2020 na 100% na mayroong kuryente ang ating mga households. Maganda naman po yung plano nila, ang tanong mapopondohan po ba ito? And the question is what other programs were prioritized over rural ratification? Palagay ko isa ito sa mga binigyan ng halaga in the previous years and we want to know bakit bumaba yung budget nito.

Q: Sir, may concern po na niri-raise na baka magkaroon ng...

SEN BAM: You have to go through the process, may proseso pong pinagdadaan ang Congress. Ako may mga issues sa ibang mga budget items but that's really part of the legislative process. Matagal pa naman ito, December pa naman iyan. Ang mahalaga ay napupunta sa tao ang perang nilalaan natin dito. Currently, we have news na nasa 1.3 billion ng DSWD ang hindi naman naibibigay sa mga mahihirap nating kababayan. Yung mga unconditional cash transfer na kasama po ng Train Law, hindi pa po naibibigay sa 10 million families na dapat pagbigyan nito. Currently, nasa 6 or 7 million pa lang yung nabibigyan. There are very serious concerns and we have to tackle all those concerns. Mahalaga po sa amin na ang napopondohan namin ay nakakaabot talaga sa tao. With regard to the budget, I think that would be tackled closer to November or December. Congress, of course, has own process. Yung concerns sa cash-based budgeting, we've tackled that here.

Q: Sir, yung sore throat issue is that a valid reason para isuspend yung hearing sa West Philippine Sea? Ni Senator Loren?

SEN BAM: Ang alam kong rason was that the main speakers were being asked to help out sa relief operations. Kami po, 2016 pa namin ito finile, palagay ko as soon as possible kailangan na po itong ma-ischedule.

Q: Sir, do you prefer na ibalik po tayo sa obligations based or cash based?

SEN BAM: They both have pros and cons and mas importanteng pag-usapan iyan dito sa Senado. Currently, kung makikita niyo po yung underspending natin, hindi pa rin naman talaga ito nare-resolve. There are still agencies which are unable to spend the money allocated to them. Itong efficiency ng services ng gobyerno ay dapat matutukan kasi yung bawat piso na hindi naigasta ng mga agency ay dapat mapunta nalang sa mga lugar na dapat ay nagasta ito. We still have a lot of budget items na bilyon-bilyon ang nilalagay natin hindi naman nagagamit sa tama o nagagamit sa maayos. As I've said, many of us here have pointed out, nagtataas tayo ng buwis habang ang mga ibang agency po natin hindi naman po nagagastos rin ang kanilang alokasyon. Mahalaga mahanap po natin yung pinaka mainam na solution natin dito na cash based budgeting program. It has it pros and cons, may mga advantages and disadvantages po iyan pero palagay ko ang pinakamahalaga yung pondo po na nilalaan natin sa Senado at kongreso ay nagagamit po talaga. I think this is the most important standard that we have to uphold.

Q: Sir, sobrang laki ba ng problema sa cash based, yung sa House, to the point na tumigil sila?

SEN BAM: A lot of our counter parts in Congress have pointed out na because of the sudden shift to cash based budgeting yung delivery of services ay maantala. Baka bumagal pa. Maganda naman yung naman po yung hangarin niyan na mas maging efficient kaya lang kailangan lang siguro na i manage natin yung pagbabago. Many times may mga policy po yung gobyerno biglaan, in the end yung taumbayan ang nag suffer. For example yung Train Law tinulak po iyan, hindi naman po kayang ma-implement ng maayos yung tulong sa mga mahihirap. Yung Boracay, pinasara pero di pa pala ready ang tulong sa mga mawawalan ng trabaho. We might come to the same situation again where there is change na biglaan at in the end, yung government service yung maantala. Hindi ito basta bastang gawin. Currently, we are still undergoing the hearings. Ang mahala ay ano po ba yung sistema na talagang maibibigay sa taumbayan yung pangangailangan nila. Right now kulang pa yung pag-aaral kung ito ba talaga ang solution dito, o baka ito pa po siguro yung mas mag papabagal pa sa mga serbisyo natin.

Q: Sir you are not totally blocking the idea of cash based? Are you open to it sir?

SEN BAM: What we want to see here is the amendments to the procurement act. Hindi lang po yung cash based or obligations based but yung procurement act ay isa sa mga dapat i amend. Marami po sa mga nakikita nating problema ng ating bayan ay dahil hindi po naibibigay ng gobyerno yung mga serbisyo na dapat ibigay dahil yung mga sistema masyado masalimuot. Yung mga tao po ang hinahanap po nila ay tulong kaya lang po dahil sa mga sistema natin, kahit napopondohan hindi naman po nakakaabot. Palagay ko iyan yung mas mahirap na tanong na mas dapat sagutin over just the question on cash based or obligation based.

Q: Pero sir they are claiming na illegal po ang cash based na system?

SEN BAM: Mahaba haba pa po yung debate dito. What we would really need to find out - more than obligation based or cash based - yung serbisyo na hinahanap ng tao, umaabot ba sa kanila? Dahil baka maipit na naman tayo sa dalawang bagay lang when the truth is that the amendments of the procurement act ang kailangan natin gawin.

Kasi kahit naman gawin mo yung cash based yung worry ng ibang kongresista, may transition period iyan at magkakaroon ng isa o dalawang taon na maaantala na naman yung serbisyo ng gobyerno. Right now yung taumbayan urgent na yung concerns niya. That's the same with federalism, yung concerns ng ibang economic managers doon sa taon na may transition period tayo baka maantala yung investment sa ating bansa. Posible po na maganda po iyan sa papel pero pagdating sa implementation, kailangan masigurado po natin na walang serbisyo ng gobyerno ang maaantala.

Q: But unlike the congress, you are not totallly blocking or opposing the cash-based?

SEN BAM: No, i dont think the Senate has the same sentiments with congress pagdating dito, and we are willing to really look for the best solutions sa ating mga problema pagdating sa efficiency.

Q: Kaya tuloy iyong hearing Sir?

SEN BAM: Tuloy-tuloy po yung hearing namin, so far we have not heard any attempts from the minority or majority to stop the budget hearings. We need to continue looking at this budget dahil importante po sa taumbayan kung saan po napupunta ang mga pera nila. For example, dito sa Committee on Energy hearing, this is not a budget hearing pero napag-usapan natin na kumonti yung budget sa rural ratification. Bakit? Saan napunta yung pera? E lumalaki naman yung budget natin? Bakit ito pong programa na ito na naprioritize in the previous years bakit po sya hindi ngaun iprioritize? Bakit bumaba ang budget? Hindi malinaw sa amin yan kaya yan ang magandang plano.

Q: Sir wala po ba kayong plano na i suggest na ibigay na lang ni Sen. Loren about West Philippine Sea?

SEN BAM: Im hoping that as soon as possible we can have the hearing dito po sa China. 2016 pa po tayo nag-file ng resolution dito, I think everyone are looking forward to the hearing. Mahalaga na kung ma-postpone sya ngayon, matuloy pa rin siya in a next days.

News Latest News Feed