Press Release August 15, 2018 Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M Drilon Q: Binanggit po ulit ng President ang plano na mag-re-resign daw siya. SFMD: Yung pagbibitiw po sa isang tungkulin, pangulo man o isang mababang kawani ng pamahalaan, ay personal po iyan, kaya hindi kailangan ng basehan. Resignation is a personal decision and it's up to the holder of the post to continue or to resign for whatever reason he has. There is no need for any ground; it's personal. Q: Wala siyang ma-violate? SFMD: Wala siyang maba-violate na anumang batas, o anuman sa Saligang Batas. Uulitin ko lang, ang pagbibitiw sa pwesto ay personal na decision ng sinumang humahawak ng pwesto. Q: Meron din ba siyang option na mamili ng papalit? SFMD: Wala pong option sa ating Saligang Batas. Kung magbitiw po ang Pangulo, ang Pangalawang Pangulo ang mag-assume ng position. |
Friday, April 26 Thursday, April 25
|