Press Release
August 16, 2018

Sen. Bam on TRAIN, inflation and his Bawas Presyo Bill
(Transcript of media interview)

Q: Sa suspension po ng excise tax, tingin niyo po ba hindi ito mag po-progress dito?

Sen. Bam: Unang una, hindi na ito aabot sa Enero lagi ko inuulit sa mga economic managers na mamimilipit sila sa paghahanap ng paraan upang ma-suspend itong pagtaas na naman ng diesel at gasolina ngayong Enero. kasi hindi po alam ng maraming tao na yung Train 1 tatlong beses po ang pagtaas niyan: January 2018, January 2019, January 2020. Malapit na po ang 'Ber' months, pagpatak ng Enero ay tataas na naman po ang diesel at gasolina natin. Kailangan ng paraan upang hindi na ito matuloy. Yung na -file nating Bawas Presyo Bill ay isang mekanismo kung saan pwede nating i-suspend ang pagtaas sa Enero at i roll-back yung mga nilagay na buwis ngayong taon.

Yung UP Professor sabi nga niya Sa mga mahihirap nating kababayan di hamak na mataas pa ang inflation. Ramdam na ramdam na po ng taumbayan itong pagtaas ng presyo ng bilihin. Iba-iba po ang suggestion nila, isa na po yung pagbaba ng taripa sa karne at isda na imported. Pero sabi nga, matatamaan po dito yung local farmers natin. Mayroon din pong suggestion na mag pasok ng Euro 2 instead na Euro 4 na diesel at gasolina. Nabanggit din na ibig sabihin niyan mas dudumi naman po ang ating air pollution o magkakaroon tayo ng air pollution. Lahat po ng suggestion nila mayroong unintended consequences at hinihiling po natin na mas mapag-aralan, kailangan i-suspend itong mga buwis sa diesel at gasolina. Ito ang pinaka-simple at madaling gawin na pinaka-malaki ang impact sa merkado. Bakit ayaw nilang gawin?

Q: Sir wala na bang ibang way? they cannot suspend it? or the malacanang can?

Sen. Bam: Ang alam ko kailangan ng legislative action. Sabi ko nga instead na mag hanap kayo ng paraan para ma-suspend itong pagtaas na naman ng TRAIN gawin nalang natin itong bill na ito. It's based on inflation, kapag mataas yung inflation natin lagpas ng 4% for 3 months we suspend, at ngayon nakakailang buwan na tayo? In fact nasa 5.7% na tayo. Kailangan natin ito upang hindi na matuloy yung pagtaas ngayong Enero at i roll-back yung mga tinaas ngayong taon na ito.

Lumalabas pa na yung indirect effect hindi naman talaga nila inaral, direct lang ito hindi kasama yung indirect - ibig sabihin yung effect nito sa pagkain, ibat-ibang bilihin hindi naman nila tinitake into account. Ngayon, hinihingi namin kung pwede ba direct at indirect effect ng TRAIN, paki-compute para malaman natin ano ba talaga yung damage nito sa ating taumbayan.

Q: Kaya nyo po pinu-push yung DOF so they can ask first to support your bill?

Sen. Bam: Nanggaling na mismo ito sa tao, sabi ko nga po kung ayaw itong aksyunan ng gobyerno, para sa Pilipino certified urgent na itong bill na ito. urgent na po na magkaroon ng solution dito sa kataasan ng presyo ng bilihin, and it's a solution that were offering na tingin po natin walang unintended consequence o wala tayong tama sa mga sector na mahihirap. Kasi yung iba nilang suggestion na pagbaba ng taripa, may effect iyon sa ating local farmers. Yung pag-pasok ng Euro 2 instead of euro 4, may effect din sa ating kalikasan. Sa Bawas Presyo Bill, we are talking about losing revenues of up to about 60 Billion pesos. We can look for 60 Billion or we can look for an agency na may underspending. Mahahabol natin yung perang iyan habang mababawasan yung effect naman ng excise taxes sa merkado na pabigat sa mga Pilipino.

Q: What can you say doon sa naging response ng DOF na may mitigating measure naman, sabi nila bababa naman yung langis.

Sen. Bam: Yung mitigating measure ay yan yung ginagamit nila na pang benta ng TRAIN last December of 2017. But in their hearing, tinanong ko sila, "Kailan niyo ba ito mapapatupad?" Sabi nila ngayong September. Kaya ngayon hinahabol nila lahat ng mitigating measures na ito. Ano ang nangyari sa taong-bayan in the past 6 to 7 months? Naghihintay lang at nahirapan.

From the start, hindi dapat napatupad itong batas na ito kung hindi naman sila handa na patuparin ang tulong sa mahihirap. Mayroon dapat 10% discount sa NFA Rice.

Ang nabanggit ng DOTR, 738 pa lang yung nakakuha ng Pantawid Pasada Program Cards out of 179,000. Ganoon kabagal yung pag-distribute nitong Pantawid Pasada cards natin. 6.6 Million pa lang nabibigyan ng tulong out of 10 Million na dapat mabigyan ng tulong.

Q: Kaya po bang umusad ng bill nila?

Sen. Bam: I think yes. Remember, we passed the Free Tuition Law even if the economic managers initially did not want to see it. Ang Senador po at Congressman sensitive iyan sa taong-bayan at sa pag ikot namin ito talaga ang pangunahing issue. Palapit na ng palapit ang Christmas. Right after Christmas, ang magiging usapin: Magiging makatarungan ba na magtataas ulit tayo ng dalawang piso sa diesel at gasolina habang napaka taas na ng presyo ng bilihin? Palagay ko po, ang sagot diyan ay hindi. My suggestion? Pag-aralan na natin.

Q: Sir hindi ba napag-usapan sa majority itong bill niyo? considering the urgency?

Sen. Bam: Hindi po. napag usapan namin ung budget.

Q: Pero pagdating dito giving the urgency?

Sen. Bam: I talked to the majority floor leader also to see if we can take a look at this bill. Yung mga current suggestions ng mga economic managers na taripa sa mga imported products, itong rice tarification, itong pag pasok ng Euro 2 at Euro 4, these are all short term, very short term solutions, maybe 1 to 3 months may kaunting tulong. But in the long term baka makasama pa. Ang pinaka mainam na solution dito pag mataas ang inflation i-suspend i roll-back natin yung mga buwis sa ating diesel at gasolina.

Q: Tingin niyo mas malaki yung indirect?

Sen. Bam: Mas malaki talaga yung indirect, kasi ang computation nila is really just the price of fuel, but alam naman natin lahat ng produkto sa merkado gumagamit ng transportasyon, yung price of fuel nag tutulak din po iyan ng wages pataas, may domino effect iyan.

Q: Sir yung DOF sabi bababa daw sa 65 dollars per barrel next year, should we believe that considering yung history nila?

Sen. Bam: Exactly, hindi nga nila nakita na tataas. Parang ang hirap paniwalaan na bababa ng 65, sana bumaba ng 65 but nung pinasa yung batas noong December 2017 yung presyo po ng krudo noon 55 so even at 65 mataas pa rin, very volatile itong presyo ng krudo. iba na ang panahon ngayon nasa 72 dollars na per barrel.

News Latest News Feed