Press Release
August 16, 2018

Win transcript ambush interview on inflationary effects of TRAIN

Q: Will you support the bill of Senator Bam na i-suspend kapag mataas ang inflation or pass the target Sir?

SEN WIN: Unang una sa lahat, yung hearing kanina ay para malaman kung saan na tayo pagdating sa ayuda na ibibigay sa taong-bayan dahil nga tumataas ang presyo. Isa sa mga nakakadismayang lumabas ay ang problema natin sa bigas dahil makikita rin natin kanina na almost 20% ng pondo ng maghihirap nating kababayan ay napupunta sa bigas pero wala namang available na murang bigas, at the same time, ang presyong bigas ay tumataas pa so isa sa dapat matignan ay ang operations ng NFA kung dapat ba talagang magkaroon tayo ng NFA dahil for me, lumabas kanina na hindi effective ang ginagawa ng NFA para mapababa ang presyo ng bigas at pagbibigay ng murang bigas sa ating mga kababayan.

Q: Would you recommend ang sinasabi ni Senator Bam na i-suspend talaga muna ang excise tax sa oil since ito ang pinakamabilis?

SEN WIN: Nakakalahating taon na tayo at kasama rito sa excise tax ang pagbigya ng libreng buwis doon sa mga kumikita ng 250,000 annually, nireporma natin ang Personal Income Tax na nakakabit doon sa excise tax on fuel for 2018. Ang tinitingnan nating posibilidad ay yung 2019 dahil may 2nd tranche itong TRAIN 1 at kung tuloy-tuloy itong pagtaas ng presyo, nakita naman natin kanina na tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng karne, gulay, isda at especially ang bigas, ito ang isa sa pinakaimportanteng binibili ng taong-bayan so kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas nito hanggang 2019, then we might recommend the suspension of TRAIN or the 2nd tranche in 2019. Yung excise tax lang on the 2nd tranche kasi three tranches yan eh.

Q: Ano po ang deciding factor ninyo at kelan kayo makakapag-decide nyan?

SEN WIN: Gagawin naming itong hearing on a regular basis para ma-monitor nating mabuti ang presyo at ang pagtaas ng inflation. By the end of 3rd quarter or early 4th quarter, we will have a clearer picture kung ano ang ire-recommend, may enough time pa tayo para magpasa ng batas para i-suspend ang tranche two.

Q: Sa NFA daw, dapat may 10% discount daw po sa rice? How was it implemented?

SEN WIN: Well, hindi na-impelement ang discount sa pamasahe, sa bigas pero ito ang nakasaad sa batas. On top of that, wala akong narinig na bago sa mga mitigating measures, ang Pantawid Pasada delayed na rin, September pa mafu-full impelement ang unconditional cash transfer sobrang delayed na rin, at sa September din makokompleto. So isa rin ito sa mga nakakadismayang issue dahil napag-usapan ito last year pero lahat ay na-delay. Magkakaroon din tayo ng mas malawak pang assessment for 2019 kung magiging ganito ang operasyon at pag-implement ng tulong, we really need to assess kung itutuloy pa ba natin ang tranche two in 2019.

Q: Wala po bang liabilities ang mga government agencies na hindi nila na-implement ang nandoon sa batas?

SEN WIN: May liability sila in terms of performance dahil nakasaad yan sa batas. That's why dapat ang hearing natin ay regular para talagang ma-push at maipaalala natin sa kanila na mayroon tayong ganitong ayuda na nakasaad sa batas.

Q: Do you still trust ang sinasabi ng BSP na possible na bumaba ang inflation rate by next year in 3.2 or 3.7?

SEN WIN: Well, tama si Deputy Governor pero ang presyo ay tumaas na eh, we have to remember that inflation is measured every year. So by 2019 ay bababa nga siya pero mataas na ang level, ibig sabihin ay mas mataas na ang presyo ng bigas, krudo, at iba pang mga bilihin.

Q: What do you think of reviving the Euro-2?

SEN WIN: Para sa akin, hindi ako pabor dito dahil maruming fuel ito, in fact, hindi na ito pinapayagan under the Clean Air Act at marami sa mga tricycle at jeep natin ay talagang pinapa-transition na to Euro-4. Ang Euro-2 kasi ay proven na harmful to health kasi madumi siya eh, kaya matagal na tayong nagkaroon ng policy to move to Euro-4.

Q: Ano po ang general assessment niyo sa mga measures na pino-propose nila? Euro-2, pagbaba ng tariffs--what do you think of that Sir?

SEN WIN: Well, kanina ay nakita natin na ang pagbaba ng tariffs ay dapat pag-aralang mabuti at hiningi naming ang study nila sa pagbaba ng tariffs kung talagang makakatulong ito pero walang nabigay na research kanina. Hindi naman pwedeng magbaba tayo ng tariffs tsaka lang tayo gagawa ng research so napakahalaga na mag-research muna para ma-explain nating mabuti sa mga kababayan natin kung paano makakatulong itong pagbaba ng tariffs.

Q: Kaya po ba kayo mag-aadjourn for the tariffication?

SEN WIN: That is the intention pero kanina nakita namin na pinag-aarlan pa. Hopefully, lumabas itong research bago babaan itong tariffs.

Q: Umuusad na ang TRAIN 2 Sir sa House, ano po ang masasabi niyo?

SEN WIN: Magiging problema iyon kung revenue-negative kasi ang gusto nga natin ay lumaki ang kita ng gobyerno. Dapat pag-aralang mabuti ng House itong bagong House version because the initial proposal was revenue-neutral which is mas logical dahil ang gagawin lang naman ay babaan ang corporate income tax para maging competitive tayo sa ibang bansa. Importante na ang education sector ay masigurado natin na ginagampanan nila ang kanilang trabaho at partner natin ang schools and other educational institutions sa pagbibigay ng magandang edukasyon.

Q: Any other sectors Sir that you are planning to block the---?

SEN WIN: I think in concept, tayo lang ang bansa sa buong mundo na nagbibigay ng incentives na walng katapusan, forever nga ang pagbibigay natin ng incentive at isa sa mga bagay na dapat nating tignan ay kung nakakatulong ba sa atin o nawawalan ng kita ang gobyerno. Yan ang isang bagay na dapat pag-aralang mabuti at baguhin dahil nga hindi naman pwedeng forever ang incentives na ibibigay natin.

News Latest News Feed