Press Release
August 20, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview
at FPJ's 79th Birth Anniversary, Manila North Cemetery

Question: Ma'am anong ine-expect natin doon sa planong investigation ng Senado sa Xiamen Airlines?

Sen. Grace Poe: Siyempre nais nating magpaliwanag ang awtoridad ng airport pero hindi lamang 'yun, kasama na din diyan ang Xiamen Airlines mismo, ano ba ang nangyari at ano din ang kanilang liability sa atin? Kasi alam mo, napakalaking gastos niyan, hindi lamang sa gobyerno natin, kundi ang mga ibang airlines din doon. Kailangan talagang may managot dito financially. At isa pa, doon naman sa mga airline at sa airport management, bakit naman nila pinaghintay ng gano'n katagal ang ating mga pasahero kung hindi naman nila matantiya kung kailan lilipad? Mayroon dapat silang proseso na hindi matagal kasi alam mo, 'yung iba doon senior citizens na pumunta doon, naghihintay ng walong oras para lang makalabas ng airport, dadaan pa sila ng immigration, hindi pa sila nakalipad. Kung security measure ito, paano natin mapapabilis para hindi ma-inconvenience ang ating mga pasahero?

Q: Sino ho ang ipapatawag sa investigation at mayroon na po bang naging abiso doon sa mga resource persons?

Poe: Ang mga ipapatawag natin siyempre ang namamahala ng airport, ang DOTr Secretary, tatawagan din natin ang mga representative ng airlines, pati Xiamen, Philippine Airlines, Cebu Pacific, etc. Kasama rin ang mga service provider, ang mga nagbibigay ng mga support do'n sa airport at ipapatawag din natin actually ang head ng PAGCOR, alam niyo kung bakit? Dahil may proposal na ang lupa ng Nayong Pilipino, imbes na gawing casino, ay puwedeng gawing isa pang runway para sa airport. Kung ito ba ay totoo, o ito ba ay isang pagaaral na maaari nating gawin kasi malaking tulong 'yan para mabawasan ang kasikipan at delay sa airport.

Q: Sabay na po ang pagpapatawag sa officials ng Nayong Pilipino sa investigation?

Poe: Maaari. Pero definitely 'yung PAGCOR muna para malaman din do'n sa Nayong Pilipino 'yung area na 'yun, at 'yung Nayong Pilipino Board, tama.

Q: Pati po 'yung mga officials ng airline?

Poe: Definitely iimbitahin din natin.

Q: Kay FPJ naman po, ano po ang masasabi ninyo na hindi nawawala at hindi kumukupas ang legacy ng inyong ama?

Poe: Gaya nga ng sinabi ni Father Larry, ang mga pelikula ni FPJ, ipinamahagi niya ang kanyang talento at ang makabuluhang pelikula, hindi lang ba basta gumawa ng pelikula para kumita ng pera--gumawa ng pelikula para maipakita ang kagitingan ng mga Pilipino, ang kagandahan ng ating bayan, sa tingin ko 'yan ang kanyang legasiya.

Q: In 'Ang Probinsiyano,' is Coco Martin doing a good job?

Poe: Oo, alam mo si Coco, hindi lamang artista, ang ginagawa niya nagdi-direct din siya, parang si FPJ. Tapos katulad din ni FPJ, 'di ba ang mga artista niya dati kinukuha niya ang mga veterans, mga stuntmen, tingnan mo dito, ang mga stuntmen pa rin ni FPJ ang naririto kasi importante na kapag gumawa ka ng isang pelikula o television show, unang-una may kabuluhan, mayroong kinalaman sa ating lipunan, kung ano ang nangyayari, ano ang tamang pag-uugali ng mga Pilipino, at higit sa lahat ay mabigyan ng trabaho ang mga iba sa industriya. 'Di ba 'yun ang ating hinahanap ngayon, lalo na sa hirap ng panahon, ang mga artista hindi naman palaging may trabaho 'yan. Kaya salamat sa 'Probinsiyano' na mataas ang rating, maraming nabibigyan din ng trabaho.

Q: Kelan ang possible na mismong investigation kung today ang filing ng reso?

Poe: Ang pag-file namin ng resolution ay today*, marerefer 'yan sa...committee ng August [28], so August 29 ng 9:30 ng umaga ang hearing* sa Senado.

*Reso filed 10:16 a.m., today, August 20
*Hearing sched: August 29, 9:30 a.m., Senate

News Latest News Feed