Press Release
August 21, 2018

INTERVIEW WITH SEN. FRANCIS PANGILINAN AT THE 35TH DEATH ANNIVERSARY OF NINOY AQUINO AT MANILA MEMORIAL PARK

Q: Sinabi ni Sen. Nene Pimentel na kakausapin niya ang mga senators and will prod them to support cha-cha

SEN. PANGILINAN: Hindi dapat madaliin ang cha-cha... [INAUDIBLE]... At marami pang tanong na hindi pa nasasagot lalo na saan kukunin ang pera para magkaroon ng pederalismo. Ito ba ay dagdag na buwis na ipapataw sa ating mga kababayan na ngayon pa lang ay lubog na at lugmok na sa dami ng gastusin tapos dagdag pa na buwis? So marami pang mga katanungan kaya sa amin sa minority, sa oposisyon sa Senate maliwanag na hindi natin mamadaliin itong cha-cha.

Q: May capacity ba kayo to campaign itong parang doon sa, at least ituloy 'yung strong stand ng Senado?

SFNP: Historically, ang Senado laging independent 'yan. So umaasa tayo na ang ating mga kasamahan sa Senado ay itutulak at itataguyod 'yung pagiging independyente ng Senado bilang institusyon.

Q: Sir, about the President's health lang. [INAUDIBLE]...since nagiging isyu na mukhang may sakit na?

SFNP: Mukhang lumabas na naman at nagpaliwanag nga na, ano, nandoon sa hotel, may dinner pala. Sa palagay ko, tama na siguro 'yon. Ang mga kinakailangang ipaliwanag lalo na itong mga problema ng bansa, 'yung nangyari sa airport, itong pagpapalusot muli ng P6.8-billion na shabu galing sa BOC. Lahat iyan ang mga dapat pag-usapan natin sa ngayon.

Q: Sir, si PNoy nagsabi na na magka-campaign siya actively for the opposition.

SFNP: Well, we welcome that. Malaking tulong 'yan para sa atin at titiyakin natin na magkaroon ng partisipasyon ng mas malawak ang ating mga kababayan sa pagpili ng mga palagay nilang kinatawan nila na itutulak 'yung kanilang mga inaasam-asam, ang mga kinatawan nila na tututok sa usapin ng trabaho, tututok sa usapin ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pagtutok sa usapin ng kahirapan at paano natin haharapin ito. So 'yun ang ating itutulak and we welcome the support of everyone.

Q: Pero si Mar hindi niyo pa rin nako-convince?

SFNP: Wala pa. Wala pa. We will see. Marami pang pwedeng mangyari until October.

Q: Ano sa tingin ninyo, kilala niyo naman si Sen. Mar kahit papaano, ano sa tingin niyo 'yung talagang makakapagbigay sa kanya ng final decision for him to decide na, ano na, this is it...[INAUDIBLE]...?

SFNP: Well, ang pagkakaalam ko kay Sen. Mar, hindi umaatras 'yan sa mga pagsubok at hamon, krisis, itong mga problema sa noong nakaraang administrasyon, wala siyang pinalampas. Hinarap niyang lahat. So kung palagay niyang kinakailangan niyang harapin ito, eh magdedesisyon siya at hindi niya tatalikuran.

Q: Bagay ba, sir na maging face siya ng opposition especially for LP?

SFNP: Well, ako, hindi dapat face ng opposition. Dapat faces of the opposition. Hindi mananalo ang anumang effort kung walang suporta ng mas marami nating mga kababayan. So 'wag tayong aasa sa isa o dalawang mukha. Umasa tayo sa ating sariling lakas bilang mga mamamayan, tumaya, manindigan, kumilos. In fact, 'yan ang naging leksyon o aral na mapupulot na aral dito sa nangyari kay former Sen. Ninoy Aquino. Bago noon, nananahimik ang tao. Bago noon ang tao ay para bang walang pakialam sa pulitika. Ako ang isang halimbawa na wala akong pakialam sa pulitika bago pinatay si Ninoy Aquino. Pero matapos noon, doon ako namulat at kumilos. Milyun-milyon ang namulat, kumilos, nanindigan at dumating din ang panahon na napatalsik ang diktadura dahil sa tapang, hindi ng isa o dalawang tao, hindi ng isang pulitiko o limang pulitiko. Ang tapang ng taong bayan ang mahalaga.

Q: Sir, rule out na 'yung si President PNoy will come out pagdating sa 2019 elections, siya yung magiging campaign head ng opposition?

SFNP: He will be one of those who will support. Of course siya ang chairman emeritus ng partido.

Q: He will not run again?

SFNP: I don't think so. Hindi namin napag-usapan 'yon.

News Latest News Feed