Press Release
September 3, 2018

Sen. Bam on Bawas Presyo Bill and NFA issue
(Excepts from press conference of VP Leni Robredo)

Q: Sen. Bam can you elaborate the Bawas Presyo bill and how it will really help?

SEN BAM: Na-file na natin ang Bawas Presyo Bill nakaraang buwan, it addresses our concern sa inflation. Tinutukoy nito ang pag-suspend at pag rollback ng excise tax sa diesel, gasolina at kerosene. Kapag mataas ang inflation lumagpas sa 4% na siyang target ng Bangko Sentral within 3 months mataas siya sa 4% and right now maraming buwan na tayong lagpas-lagpas sa 4%.

Kailangan na muna nating i-preno ang Train at specifically yung hinahabol natin dito mag suspend ng pagtaas ng excise tax ngayong Enero na nakita naman natin ay kasama sa TRAIN 1. Tatlo ang pagtaas sa TRAIN 1 January 2018, January 2019, January 2020.

Ber months na. Alam naman natin kapag Pasko tumataas ang presyo ng bilihin. Pagdating ng Enero ubos-ubos ang pera natin. Doon pa tayo tatamaan ng pagtaas ng diesel at gasolina. Urgent na ito na ma-suspend ang pagtaas ngayong Enero at mabawi ma rollback yung mga tinaas ngayong Enero.

Nakita natin na itong pagtaas ng diesel at gasolina isa ito sa mga nagpapa taas ng presyo ng mga bilihin, maraming suggestions, mga moves, pero ito ay nasa harap na ng mga economic managers ang siyang maaring solution. Palagay ko, napaka seryoso na ng nangyayari ngayon. Ang sinasabi nga ng mga nakakausap namin ni VP Leni "Sen. Bam nalulunod na kami sa taas ng presyo ng bilihin" ganoon yung pakiramdam ng mga taong-bayan, kailangan na natin itong aksyunan, at itong Bawas Presyo Bill simpleng solution sa isang napaka laking problema.

Q: Ano ang worst case scenario if hindi papakinggan yung mga suggestions?

SEN BAM: Ang worst case scenario ay tutuloy-tuloy ang kataasan ng presyo ng bigas. March pa lang naghehearing na kami sa Senado at pinagbibitiw na naming si Jason Aquino dahil hindi talaga maganda ang management ng NFA. Kaya panawagan din ni VP Leni palitan na. Mahalagang aksyon yun.

Pangalawa itong kataasan ng inflation, panahon pa lang na pinag uusapan yung TRAIN na release na ito - potentially, baka magtaas-taas ang presyo ng bilihin pero tinuloy pa rin yung TRAIN 1, nakikita ng taong-bayan yung pagtaas ng presyo.

Sa mga magsasaka yung fertilizer nila noon 800 isang sako ngayon 1, 200 na. Yung mga magsasaka yung lambat nila nagtaasan din, yung mga vendors sinasabi na "wala ng bumibili dahil sa taas ng presyo".

We need to address the problem with inflation. Andito kami dahil ito yung pinaka urgent na kailangan tugunan ng ating gobyerno at mapagkaisahan natin itong mga solution na ito para sa taong-bayan.

Yung problema kasi sa bigas, there is no leadership. Yung problema natin sa bigas dalawang taon na yan na bumaba ang ating buffer stock, walang leadership na pinapakita. Hindi sila nag procure sa mga magsasaka, hindi sila nag import. Noong March pa lang sinabi na ng marami sa atin sa Senado na "Malaki ang problemang ito."

Ngayon, nakapag import nga sila pero anong nangyari? Hindi naman nila na distribute, dahil hindi maayos ang pamamalakad sa importation at distribution.

Ang hinahanap natin dito ay kaunting leadership sa issue na ito, and I think magsisimula ito sa pagpapalit ng liderato, maghanap tayo ng mga taong kayang gawin ang trabaho nila, dahil mahalaga na mabigyan ito ng lunas dahil malaking issue ito. Kapag masyadong mataas ang bigas at presyo malubha na tayo diyan, kaya kailangan yung bigas pababain, yung presyo pababain. Kailangan natin ng leadership para Makita ng taong-bayan na siniseryoso natin ang mga problema nila.

How can you expect na bababa ang inflation sa January kung magtataas tayo ng presyo sa diesel, gasoline at kerosene? May mga nagsasabi na baka tumaas pa this month. Lagpas-lagpas na doon sa target ng BSP, the target of BSP is 2 to 4%.

Ang tanong, ano ang response natin sa situation natin ngayon? Kasi kung pinag pipilitan pa rin na tama yung mga ginawa noong Enero o nung December 2017 hindi ka na responsive sa mga nangyayari ngayon.

Noong hearing naming sa Senado noong nakaraang buwan mayroong Professor from UP na nagsabing "Kung mahirap ka, ang inflation para sayo di hamak mas malaki ang epekto. Kung mahirap ka sa isang mahirap na lugar dito sa ating bansa di hamak naman na mas malalaki ang epekto nito

Kung ikaw ay isang mahirap sa Bicol, Mindanao yung pakiramdam ng 5.7% is closer to 8%. Ang taas nito sa ating mga kababayan at hirap na hirap na sila. Aminado sila na iba na ang sitwasyon ngayon kaya kailangan maging responsive tayo. Paano bababa ang inflation kung magtataas ka naman sa Enero? Kaya nananawagan kami na magkaisa tayo para mabigyan ng solution ang problemang ito.

Hindi na puwedeng hintayin ang next year. Sa totoo lang, dito sa ating bansa pag pumalo na ang Pasko kung may panahon na para aksyunan yung Bawas Presyo Bill, itong mga changes na kailangang gawin, at kailangan na siyang gawin agad-agad. And I told this doon sa hearing namin sa Senado sinabi ko sa mga economic managers "alam niyo mamimilipit kayo sa inyong upuan para makahanap ng paraan para masuspend ito" kailangan natin ng mekanismo para itigil yung pagtaas ngayong Enero para mabawi lahat ng itinaas ngayong taon. We need to act on this now, kailangan ng bigyan ng aksyon kung papayagan ba natin ulit na mag increase ang mga presyo ng bilihin, we need to make a decision already at sana itong batas na ito dahil certified urgent na po ito sa ating mga kababayan, and we are here doing our best to reach out and saying "Please aksyunan na natin ito dahil ito ang kailangan ng taong bayan".

News Latest News Feed