Press Release
September 19, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
DZRH hosted by Mr. Angelo Palmones

Q: Ang budget natin ay nanggagaling sa DBM. Paano nagkakaroon ng duda na mayroong insertion?

SFMD: Sa pagkaintindi ko, yung budget na galing sa DBM ay medyo nasaksakan ng iba't ibang proyekto na hindi dapat nandoon. Iyon ang pagkaintindi ko. Or yung National Expenditure Program na galing sa DB , kapag ito ay naging General Appropriations Bill, ibig sabihin ito na yung report ng komite, at medyo nagkakaiba at medyo nasaksakan ng items na wala doon sa original proposal. Hindi pa natin masabi kung paano, pero ang nakalagay sa pahayagan ay mayroong mga insertions na aabot sa P55 billion. Hanggang hindi pa natin makita nang husto ay hindi natin masabi certainly. Hindi naman mahirap gawin iyon, tingnan lang natin kung ano yung NEP na isinumite ng DBM sa Kongreso at ano ang lumabas sa Kongreso.

Q: Pero kung pre-identified na yung project ng mambabatas na sila ang nagrekomenda, okay lang iyon?

SFMD: Ang pinag-uusapan diyan, iyon ba ay kailangan na lagyan ng pondo? Halimbawa, iyon pong Department of Health ay binawasan ang pondo.

Q: Hindi ko makuha ang lohika non. Tinaasan natin ang Sin Tax at ang layunin ay madagdagan ang frontline health workers at nabawasan ng 15,000.

SFMD: Tama po iyan, yung 15,000 health workers galing kay Health Secretary Francsico Duque iyan at siya ang nagsabi na doon sa budget na ibinigay ng DBM ay kailangang magbawas sila ng 15,000 na nurses, doctors, health works sa iba't iba hopistal ng pamahalaan. Hindi ko maintindihan ang ganoong klaseng patakaran. On the other hand ay maririnig mo na P55 billion ay isinaksak somewhere at siyempe nanggaling iyon sa iba't ibang item sa budget at possible rin na ito'y galing din sa DOH budget. Hindi po natin alam. Tingan natin pagdating ng panahon.

Q: Pwede ba na ang isang bill na pumasa na sa Kongreso ay biglang babawiin ng Kongreso ay ipapawalang saysay. Is that possible?

SFMD: Dalawang argumento po diyan, kapag naipasa na ng isang kapulungan at may pagkakaiba doon sa dalawang version ng kapulungan ay pupunta po iyan sa bicam. Ngayon habang nasa bicam, pwede pong bawiin dahil that's still within the control of the chamber.

Q: Paanong babawiin?

SFMD: Ibig sabihin, pwede nilang i-reconsider ang approval.

Q: Pero halimbawa ang abolition of Road Board, bilang ni-reconsider?

SFMD: Tama po iyan. At hindi lang po iyan dahil habang tinatalakay namin ang abolition ng Road Board ay nag-released pa sila ng P13 billion noong nakaraang taon. Alam nilang ma-abolish na sila ngunit nagreleased pa ng ganoong kalaking pondo. Unfortunately ito'y ni-reconsidered ng House of Representatives ang kanilang approval at ito'y binabawi. Kami naman sa Senado, aming tinanggap ang version ng HoR na nagsasabing i-abolish. Kaya mayroong legal issue rito. Tinanggap namin ang version ng HoR sa Senado na siyang nag-abolish ng Road Board.Noong narinig ng HoR na aming tinanggap ay kanilang binawi ang kanilang approval. May legal issue po riyan dahil pagtanggap namin, dapat tapos na ang proseso dahil wala ng pinagkaiba at wala ng bicam. Iyan po ang nangyari kaya may legal issue.

Q: Ang sama naman ng timing. Kung kailangan magkakaroong election ay saka may ganitong issue kaya hindi mo maiaalis na magduda. Ano ang gagawin dito ng minority block?

SFMD: Hindi lang po minority block ito dahil galing din ito sa mayorya. Hindi naman pwedeng gawin iyan ng walang basbas ng mayorya. Sa akin, political process at political decision. Ang susi rito, ang Pangulong Duterte na mapagsabihan ang House of Representatives na dapat tanggapin ang position ng Senado na tinatanggap ng Senado ang version ng House of Representatives, dahilan si mismong Pangulo po ay naniniwala na itong Road Board ay puno ng katiwalian kaya dapat ay sabihin niya sa super majority na tanggapin na itong batas na nag-abolished ng Road Board ay aprubado na at ipadala na sa Malakanyang yung enrolled bill. Iyon ang remedyo ron.

News Latest News Feed