Press Release
September 24, 2018

Sen. Bam on recent Pulse Asia survey, Martial Law victims
(Transcript of media interview)

Q: Iyong 18 to 23 kayo, na-sad ba kayo o nag-worry kayo?

Sen. Bam: Iyong bawat survey, inaabangan iyan ng bawat kandidato, pero we feel that with a little more hard work, mas ipakilala pa natin ang adbokasiya natin, sa edukasyon, sa paglaban sa mataas na presyo at sa mabigat na buwis sa ating bansa. There's enough time to spread this to more Filipinos. Hopefully, makarecover tayo sa susunod na survey.

Q: Pano iyon, nakasabay lang si Kris kaya...

Sen. Bam: This is the first time na naka-include ang pangalan ni Ate Kris even though she had said many times na hindi siya tatakbo for the Senate. Palagay ko may epekto iyan pero at the end of the day, hindi natin alam kung anong exactly ang epekto. Pero in previous surveys, matibay naman tayo laging nasa top 12. This is the first time na na-include si Ate Kris at eto na nga ang naging resulta. Palagay ko ang taumbayan, siguro sabi nila isa lang sa inyo ang puwedeng masama sa Senado. But there will be more surveys in the following months, mas marami pa iyan. I think ang pinakamahalaga ngayon, doble-kayod para ipakilala sa taumbayan iyong gusto natin sa kanila.

Q: Nagsalita na ang pinsan niyo, si Kris Aquino, sinabi niya unfair na sinama pa ang pangalan niya e clear naman na hindi siya tatakbo.

Sen. Bam: In the sense that in any election na kapag siyempre, Aquino-Aquino, kahit paano may epekto iyon. Ako naman this is just the first time na nailagay iyon. Hopefully, sa mga susunod na survey, lumabas na naghahanap pa rin ang tao ng mga independent minded at oposisyon.

Q: Sir, ano ito too early to surrender?

Sen. Bam: Oo naman. Alam mo in 2012, around this time, I wasn't even in the top 20. Maaga pa talaga ito. What you really want to see is pagkatapos ng filing, sino talaga iyong mga tatakbo o hindi. Pagkatapos noon, magsisimula pa lang ang kampanya. Don't forget na may kampanya po. Noong kampanya ng 2016, si Presidente, siya po, I think, ang pinakamalayo noong ganitong panahon and yet umabot sa dulo.

Noong 2013, dalawa po ang hindi nakapasok sa top 12 during the filing na eventually nakapasok pagdating ng dulo, ako po at si Sen. Poe. Malayo pa talaga ito pero indikasyon ito na ang iba naming ginagawa sa Senado, iyong pagtulak ng libreng edukasyon, iyong pagtutol sa mataas na buwis sa ating bansa, baka hindi pa nakakarating sa ating mga kababayan. Mahalaga siguro na kailangan pang kumayod pagdating sa pagpapakilala sa mga tao sa mga ginagawa at pinaglalaban namin dito.

Q: Hindi niyo naman naiisip na nakakasama na oposisyon kayo?

Sen. Bam: I'm sure na may iba diyan na nag-iisip na kapag oposisyon iboboto nila, kung oposisyon di nila iboboto. Pero wala naman tayong choice. Marami narin ang nagbanggit na Bam baka mas maganda gumitna. Pero sa panahon natin ngayon, kailangan tayong manindigan sa mga isyu ng bayan. Very transparent naman tayo sa pinaglalaban natin, at iyong taumbayan sa huli ang pipili kung sino ang gusto nila. Kami naman, itutulak namin, ipaglalaban namin, maninindigan kami sa mga bagay-bagay na alam namin ang mahalaga sa tao. In the end, iyong tao rin ang pipili kung sino ang gusto nila.

Q: Does it speak something na ang mga nangunguna puro babae?

Sen. Bam: I think it's great. Sa totoo lang, every Senate kulang ang kababaihan dito sa ating institusyon. Hopefully, there will come a time na hati talaga iyan gaya ng ating lipunan. I think it's good that women are there and it's a good sign na ang mga Pilipino, hindi nakikita ang gender sa pagpili ng liderato nila.

Q: Hindi ito ang tipong na-a-outshine ang performance ng male legislators?

Sen. Bam: If you look at the numbers kasi, mas kokonti ang kababaihan. Now in the Senate, I think there's five or six of them. Hopefully in the next few Senates or next few Congresses, makikita natin na mas pumatas ang dami ng babae at ng lalake.

Q: Ano po yung inclusion ng pangalan ng pinsan niyo na si Kris Aquino? I mean na divide?

Sen. Bam: Iyan ang sinasabi ng mga eksperto na "Mayroong paghati na nangyari" but again after Ate Kris has already said na hindi siya tatakbo sa mga susunod na survey palagay ko mako-correct na rin yung ganoong aberration, but for me at the end of the day whether kasama yung pangalan niya o hindi, nakaapekto o hindi it's just means double time for the opposition. Hindi lang ako pero kahit yung ibang nasa opposition na gustong tumakbo kailangan talagang doble kayod upang ipakilala sa tao ano ba talaga yung mga pinaglalaban namin at bakit ito mahalaga sa lipunan natin.

Q: Yung 2 parts na kay JPE at BBM pinanuod niyo ba sir?

Sen Bam: Just the clips.

Q: Any reaction sir particular this?

Sen Bam: Maraming nabanggit doon, pero yung pinakamalaking reaction mula sa mga tao at sa mga biktima ay yung pag deny na mayroong kinulong, pinatay at tinorture. Sa araw pa mismo ng Martial Law ito binanggit. Parang wala talagang respeto pagdating sa ating kasaysayan at doon sa mga pamilya na nasira noong panahong iyon. i think mahalaga para sa mga taong dumaan noong panahong iyon, sa mga mas nakakatanda na talagang sikapin nating ibahagi sa mga kabataan kung ano talaga ang nangyari. Give more venues for the victims at yung mga tao at pamilang nasira noong panahong iyon give more venues para maikwento nila yung mga nangyari noong panahong iyon. Hindi dapat umiral itong revisionism ng ating kasaysayan. Umiral sana ang katotohanan at yung mga kwentong katotohanan ay kwento ng mga pamilya noong panahon iyon na may mga kapatid na nawala, mga ama na kinulong, may mga kamag-anak na namatay, ito ang mahalagang mabigyan ng konting space sa media at social media.

Q: Na question din yung governance skills ni President Cory doon sa part 2? Any reaction sir?

Sen Bam: I haven't seen part 2. But if you look at that time, it was a very difficult time in our history. Iba rin yung panahon na iyon. But I think makikita naman natin na yumao na si Tita Cory noong 2009 at kitang kita naman yung pagmamahal ng taumbayan sa kaniya. May perspective sila tungkol sa anong nangyari, may perspective si Sen. Enrile sa kung anong nagyari, pero at the end of the day kailangan pa rin nating pakinggan yung perspective ng mga tao, pamilya, na hindi naging pulitiko o Senador pero nasira ang kanilang pamilya dahil sa Martial Law, na-torture, nakulong, nawala. I think kailangan bigyan natin ng proper airtime yung ganoong klaseng kwento hindi lang yung kay Sen. Enrile.

Q: Sir regarding po sa SWS survey kasi marami pa rin sa mga Pilipino ang satisfied sa war on drugs?

Sen Bam: In the past makikita naman natin na talagang problema ang droga sa ating bansa. In previous surveys mataas din yung score ng war on drugs at pumapayag yung mga tao. Kaya nanalo si President Duterte dahil mahalaga ito sa taumbayan. Pero yung tinatanong ng taumbayan in previous surveys na hindi rin malinaw sa SWS survey yung pamamaraan na kapag mayroong nagsusurender hindi dapat pinapatay, kapag mayroong ginagawa hindi dapat pagkiling lamang sa karahasan kundi pagtulak ng rehabilitasyon, pagtulak ng community intervention. And again, I think if you go through the number in previous surveys makikita natin na kahit pabor yan sa tao in general yung issue na ito ay yung issue naman talaga ng pamamaraan yung talagang tinatanong ng maraming Pilipino.

News Latest News Feed