Press Release
September 29, 2018

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon
Usang Senado with Ms. Cely Ortega-Bueno
29 September 2018

Q: Kayo po ba'y kinonsulta ni Sen. Trillanes bago siya nag-decide na umuwi na?

SFMD: Well siguro nagpasiya siyang umuwi dahil sa hindi naman nag-issue g warrant at na-set for hearing for October 5.

Q: Ito ba'y indikasyon na yung Branch 148 ay walang nakitang merito para mag-rule doon sa sa petition ng DOJ

SFMD: Mahirap sabihin, maaga pa at hindi natin alam ang kaniyang aksyon. Yung sa akin, yung ating pinag-aralan sa kolehiyo, lahat ng estudyanteng nag-aaral ng batas ay nagtataka ngayon sa state ng rule of law. Dahilan sa lahat ng aming napag-aralan ay mukhang itinabi na. Unang-una, yung kaso ni Trillanes ay dismissed pitong taon na dahilan sa amnesty na na-grant. Ngayon sa aming pinag-aralan, kapag naging final na ang isang decision ay hindi mo na pwedeng buksan.

Dahilan lang sa sinasabing walang on-file ng kaniya application ay binuwag ang amnestiya at ang isang husgado ay sinasabi na may warrant of arrest agter ma-dismissed yung kaso.

Ito po ay nakakalungkot at walang basehan; tayo po ay humihiling sa Korte Suprema na kanilang ituwid itong mga pangyayaring salungat sa ating alam. Alam ng buong legal profession na hindi tama ang nangyayari.

Q: Mataas pa rin ang inyong pag-asa na itataguyod ng Korte Suprema ang tama?

SFMD: Tama po iyan. Ako po'y naniniwala na titingnan at pag-aaralan ng ito ng Korte Suprema at ang tamang landas ang kanilang susundin.

Q: Marami na pong nag-express na may ugency na mag-decide na rito ang Korte Suprema. Possible po na bago yung naka-schedule na hearing ay mag-rule ang Korte Suprema?

SFMD: I doubt that very much, dahilan ang proseso, halimbawa doon sa rebellion, dahilan sa binigyan na ng warrant of arrest, pwede nang dalhin sa Korte Suprema. Sana po sa lalong madaling panahon ay bigyan na ng attention at mag-rule na sila rito.

Q: Kayo po ay naniniwala na ang Korte ay mag-rule against the proclamation?

SFMD: Kung ating pagbabasehan ang batas, yung mga nakita nating facts, hindi ako nagdududa na dapat balewalain yung proclamation na nagbawi ng amnestiya. Kami po ay nananawagan sa Korte Suprema na tingnan ang kasong ito at rule on the case as soon as possible.

Q: Kapag nag-rule na po, mababalewala na ang mga kaso rito sa RTC?

SFMD: Tama po iyan, dahil kung i-sustain ang validity ng amnesty proclamation at ang pagbigay ng amnesty kay Trillanes, magiging academic yung kaso sa Makati RTC. Hindi pwedeng baguhin ng executive branch ang isang bagay na napag-pasyahan na ng husgado.

Halimbawa, kayo po siguro naman, kung mag-apply tayo ng passport, ang requirement ay birth certificate, kung nabigyan ka ng passport tapos hindi makita ng DFA yung birth certificate, ibig bang sabihin babawiin yung passport na na-issued sayo? Hindi po tama iyan dahilan may obligasyon ang DFA to keep on file yung mga documents.

Number two, kapag nag-issue ng passport, ibig sabihin lahat ng dokumento ay kumpleto. Kung mawala, ang may duty ang DFA at hindi ang aplikante. Ang assumption ay he complied with everything that's why the passport was issued.

Q: Tama po ang sinabi ni Sen. Saguisag na disturbing yung ginawa dahil matindin ang implication nito?

Hindi lang po kay Trillanes, pati lahat ng nabigyan ng amnesty, pati si Chief of Staff Galvez. Sa akin, lahat ng alam naming tungkol sa proseso at prinsispyo ay nabalewala sa episode na ito at sana ay ituwid ng Korte Suprema sa lalong madaling panahon.

Q: Very crucial po palaang magiging decision ng Korte Suprema?

SFMD: Very crucial dahil maraming maapektuhan hindi lang si Trillanes; yung lahat ng amnesty na-issue simula 1986. Very crucial for our stability. May forthcoming amnesty, kapag nagkaroon ng final agreement, sigurado ako na isa sa mga dokumentong bubuuin at tungkol sa amnestiya; paano mo naman sasabihin na tapos na ang gulo sa Mindanao kung ang amnesty issue ay pwedeng buksan muli?

Q: Masasabi natin na ill-advised ang Pangulo rito?

SFMD: Sa akin, mali ang advice, especially the factual basis. Sa akin, mali iyon; the facts will show na hindi tama. May video na nagpapakita na hawak ni Sen. Trillanes yung application form. The responsibility of keeping these records is with the AFP. Number three, itong prosesong ito ay nakumpleto na, hindi po pwedeng buksan muli. Iyan po ay labag sa batas base sa aming napag-aralan sa College of Law.

Q: Do you have any concerns kasi una, napakulong na si Sen. De Lima ngayon mayroong attempt na ipakulong si Sen Trillanes, at ngayon ay may attempt to link ang LP sa destabilization?

SFMD: Iyan pong sinasabi na kasama kami sa Red October. We deny that in the strongest possible terms and ang Partido Liberal ay hindi kasama sa anuman destabilization. Naniniwala kami sa Saligang Batas. We will stand together with the people to defend our Constitution. We will never agree to any destabilization move, much less to be part of it. Kaya po iyan ay isa pong propaganda na walang basehan.

Q: Ang sinasabi ng AFP ay mayroon na silang nakuhang evidence. Kayo po ay confident na walang makukuhang evidence laban sa oposisyon?

SFMD: Hindi; kung mayroon silang evidence ilabas na nila. I challenge them, if they have any evidence that the Liberal Party is part of it, ilabas na nila para malaman ang katotohanan.

Q: Yung binanggit ni Pangulo na ang tangi niyang kasalanan ay EJK, iyan ba ay pwedeng gamitin as evidence?

SFMD: Hindi ko alam ang patakaran sa International Criminal Court of Justice. Hindi ko alam kung ito ay pwedeng gamiting evidence. Ngunit ako'y nakakaseguro na the complainants will submit this as evidence. Hindi ko alam ang epekto nito.

Q: The following day, as expected, sinabi ng kaniyang tagapagsalita na iyon ay something na hindi dapat seryosohin?

SFMD: Alam mo, nakakalungkot iyan, ito lang yata yung ppresidential spokespersons sa buong mundo who keep on saying that we should not take the President seriously. Hindi po ba nakakatawa iyan? We always take the statements of our leaders seriously. Ang Pangulo po ay hindi pangkaraniwang senador o pangkarinawang mamamayan, he is the leader of 105 million Filipinos. It is wrong for the president spokesperson to say na huwag nating paniwalaan ang Pangulo at nagbibiro lang iyan.

Q: Pabor ba kayo na ibaba yung bill to lower the age of criminal liability?

SFMD: Alam mo, pag-usapan natin iyan; dapat may committee hearing; pagdebatehan natin sa komite. I urge the Senate leadership to direct the immediate hearing of this. Matagal ng issue ito. Once and for all ay pag-usapan natin.

SFMD: Ang bantayan ninyo, iyan po ay importante, dahilan para hindi na maulit yung pagtaas ng presyo ng bigas; yung kakulangan ng supply dahil sa maling polisiya; ito ay importanteng batas at ating busisiin to make sure na maiwasan yung rice shortage at pagtaas ng presyo ng bigas. Diyan po tayo dapat mag-concentrate Ang administration should look at ways and means to arrest the inflation at pababain ang presyo ng bigas.

News Latest News Feed