Press Release
October 4, 2018

Transcript of interview with Sen. Cynthia Villar (DA budget hearing, NP)

Q: Lumusot na po ba ang budget ng DA?

Villar: No, no. We are going back to NFA next week. Wala iyong NFA administrator, hindi satisfied ang minority so they requested that we do another one next week.

Q: Nagagalit kayo kasi nililito kayo sa figures na binibigay?

Villar: Kasi minsan sasabihin nila bags. We are talking of metric tons, that's our measurement. And then kapag sinasabi mong lokal, biglang nagiging imported. Magkaiba sila eh. So hindi tayo nagkakatapos. Kasi tinatanong ko magkano losses nila when they buy local and magkano losses nila when they buy imported.

Q: Hindi clear sa inyo ang figures na binibigay nila?

Villar: More or less ngayon. Pero hindi satisfied ang minority, iyong process nila ng pag-import parang may problema.

Q: On NFA budget

Villar: Tinatanong ko sila, huwag nilang iko-confuse iyong utang nila, iyong mga gastos sa ganoon kasi that is not related to the present budget. They have a subsidy of P7 billion a year, saan pumupunta iyon? Kasi hindi naman nila pinamimigay ang bigas, pinagbibili din. So it's trading of rice. So ang sabi nila they lose P9 sa binibili nilang local rice and they lose P3 sa kanilang imported rice. Ilan ba ang nabenta nilang rice na binili nila sa local at ilan ang nabenta nilang rice na binili nila sa imported. More or less, ang losses nila doon mga P3 billion off hand. And then iyong P5 Billion iyong kanilang overhead to operate NFA iyong kanilang personnel at iyong kanilang admin.

Q: Intentional na gawing confusing ang figure?

Villar: Let's give them the benefit of the doubt. Medyo hirap lang akong magtanong kasi hindi sila sanay na tinatanong sa finances nila.

Q: Paano kung hindi pa makaka-attend iyong bagong administrator next time?

Villar: I don't think he will be able to attend, iyong Bautista. Parang OIC lang ngayon eh. Gusto lang magtanong ng minority pabayaan na lang natin baka sabihin nila hindi natin sila binibigyan ng chance. Pero what can the OIC say and what can the new one say, eh bago din iyon. Ang importante we are changing the mandate of the NFA with the rice tariffication. Iyong authority to import wala na sa kanila. It will be privately done. Liberalized na eh, they just have to pay tariff. Ang maiiwan sa kanila iyong buffer stocking sa local. So wala nang confusion kasi isa na lang ang mandate nila--to buy rice from the farmers and sell it to the consumers.

Q: At a higher price ang buying nila hindi na P17 lang?

Villar: Hindi, P17.

Q: Bakit siya nagiging P34 kung P17 lang binili?

Villar: Iyon ang computation nila. Kapag kinonvert daw to rice iyong palay na P17, P34 na. Namamahalan nga ako eh.

Q: Saan daw napupunta ang P17?

Villar: Iyon daw ang transportation cost, milling cost. Marami silang sinabi but I find it expensive.

Q: Nasagot po ba ang tanong ninyo na wala namang shortage pero bakit mataas ang presyo?

Villar: Eh di nag-fail sila sa kanilang mandate. They are supposed to control prices by buffer-stocking . hindi sila nag-buffer stocking, pinabayaan nila na mapunta lahat sa private trader lahat ng rice, ganoon na nga ang nangyari.

Q: Maa-approve pa rin ba ang budget nila for 2019?

Villar: Oo kasi alam mo naman kahit ipasa namin ang law sa November, it will take time para ma-implement. So I guess this will be the last year.

Q: Okay na po ang DA budget sa committee level except for NFA?

Villar: Oo, NFA lang.

Q: Do you support the filing of charges against NFA officials?

Villar: Kami mas gusto na namin iyon kasi sila ang gusto pa nila pumunta pa sa Blue Ribbon. Parang ayaw na rin ni Senator Gordon eh, marami daw siyang Blue Ribbon hearing. And then pag-uusapan na naman ang smuggling, cartel and all of that. We have been talking about that for so long. Parang ang gusto namin mag-file na lang ng charges.

Q: Against Jason Aquino?

Villar: Yes.

Q: May naging rebuttal ba ang NFA sa sinabi ninyong napunta sa traders ang pagko-control ng price?

Villar: Syempre meron silang sasabihing reason pero ang problem is, paniniwalaan ba natin iyong reason.

Q: May schedule na kayo ng filing of COC?

Villar: October 11-17. Any of those days. Hindi ko pa alam.

Q: Iyong NP may 12 senators?

Villar: Hindi. We are only 3. Imee Marcos, Pia Cayetano and myself.

Q: Sabay-sabay kayong magpafile?

Villar: Hindi naman. Hindi pa kami nag-uusap.

Q: Kanino kayo makikipag-alyansa?

Villar: Hugpong ng Pagbabago.

Q: Hindi sa PDP?

Villar: Lahat naman kami ka-alyansa noon. I don't know, pero iyon pa lang ang nasa-sign naming alliance, Hugpong ng Pagbabago.

Q: Iyong PDP okay narin? It's automatic?

Villar: Hindi. That's their option eh kung mag-alliance sila. Kami naman nag-alliance lang but we don't have control kung sinong ka-alliance niya.

Q: Iyong kandidato ng Magdalo si Alejano, bibitbitin ba ng NP?

Villar: Hindi.

Q: Confident kayo na ang Tres Marias ng NP pasok?

Villar: Syempre hoping.

Q: Nacionalista allied with Hugpong?

Villar: In fact, lahat naman kami like iyong mga reelectionists nagtutulungan naman kami sa Senado plus iyong Hugpong.

Q: May iba pa bang kaalyansa aside from Hugpong?

Villar: All of us will enter Hugpong tapos iyon ang relationship namin. Like NPC entered Hugpong, and then NUP entered Hugpong.

Q: Iyong Hugpong po diba regional pa siya, may plano ba na maging national?

Villar: Hindi. Gusto lang nila ganoon kasi ayaw naman nila ng responsibility of a national party. Gusto lang nilang mag-align sa mga regional parties.

Q: Gaano po ka-helpful ang partnership with Hugpong?

Villar: Wala naman. Parang support lang kay President pero sinasabi naman nila na wala naman silang maitutulong sa amin. Hindi naman sila nangangako ng any tulong.

Q: On Hugpong

Villar: Siguro. Especially in Mindanao because they are all from Region 11 iyong Hugpong. At least may ka-align tayo sa Region 11.

Q: Mangyayari ba iyong magiging isang grupo daw ang reelectionists?

Villar: Hindi naman kami nagiging isang grupo kasi by the time the day comes kanya-kanya nang appointment, kung sino lang ang nag-blend ang appointment, iyon ang magkasama. Ganoon ang nangyayari sa aming reelectionists, kapag halimbawa pareho kaming naimbita sa isang lugar, then we go together.

Q: May iba pang partido aside from Hugpong na may balak kayong makipag-alyansa?

Villar: Noong i-sign namin ang Hugpong kasama ang NUP, NPC at saka kami at saka Hugpong.

Q: Iyong pinorm ni Speaker na dating Lakas?

Villar:Iyong Kambilan Hugpong iyon. Nag-align sa Hugpong iyong Pampanga. May local party doon sila, Kambilan. Kasama namin sa Hugpong.

Q: Hindi ba magulo ang alliances kung masyadong marami?

Villar: Eh local lang naman. At least, may support ka sa local. Mga local nga iyon, hindi nga magulo. Mas magulo nga national.

Q: Kasama nyo po ang Hugpong sa pag-iikot?

Villar: Kapag sila nagpupunta sa certain places, tinatawagan nila kami pinapapapunta nila kami kung kaya naming pumunta.

Q: Kayong 3?

Villar: Lahat kaming inendorse ng Hugpong. We went to Vigan, we went to La Union, we went to lahat ng Region 11 provinces. Marami na kaming napuntahan with them.

Q: Kahit regional siya umiikot na rin sa buong Pilipinas?

Villar: Oo, kasi iniimbita sila ng regional party like BILEG, BILEG is Ilocos Sur. Nagpunta siya doon. Then they went to La Union.

Q: May madadagdag pa bang bagong pangalan sa NP na senatoriable?

Villar: Kami lang 3 so far. Ewan ko parang wala na. Even if you're an applicant if you're not willing to run for senator. Hindi naman lahat willing to run for senator, mahirap din eh. So far iyon lang tatlong iyon.

Q: The fact that Mayor Sara is on your side, do you think having her as your endorser would translate to votes from across the country?

Villar: Yes kasi syempre parang inendorse ka ng President diba? Okay iyon.

Q: Would you say it will guarantee a win?

Villar: Siguro you have to do your job also. Nothing is guaranteed by anybody. You have to work hard. Sipag.

Q: Sa filing ninyo paano ang scenario?

Villar: Wala pa kaming pinag-uusapan. Busy eh.

Q: Sasamahan kayo ni MBV?

Villar: Hindi na siguro.

News Latest News Feed