Press Release
October 8, 2018

EXCERPTS OF DOORSTOP INTERVIEW OF SEN. FRANCIS PANGILINAN RE OPPOSITION SLATE

SFNP: ...kinakailangan ng go-signal ng lahat ng partners sa coalition.

Q: Malaki po ba ang chance na makabuo ng dose this time around? O Sobra na?

SFNP: Actually kung dose lang, hindi problema. Kung ang usapin lang is do we have to fill up the 12, or can we? Of course we can. But do we want to fill up the 12 is another thing dahil historically, wala pang ticket na nanalo ang lahat. Ibig sabihin meron talagang historically tiyak na matatalo dahil ang sabihin na nating voting trend ng ating mga kababayan, namimili. And two, of course, we'd like to make sure na our resources will be put to good use at hindi yung malalagay doon sa hindi rin naman pala mananalo o mahihirapang manalo. So it's not just the question of whether or not we can fill up the 12. Kung pupunuin lang yung 12, pwede. Walang problema yun. Kaya yun. Pero yun ba ang magandang estratehiya? Yun ang pinag-uusapan din.

Q: So ilalagay niyo if ever, Sir, yung almost sure na winnable na?

SFNP: Hindi naman almost sure na winnable basta ang sa atin, historically, hindi nananalo ang buong ticket. So ang question dyan is, do we fill the entire ticket or not or do we focus on fewer candidates and therefore be able to use more resources for fewer candidates so that we get a decisive victory.

Q: Yung selection niyo? Botohan? Or yung sa LP process may council o lahat ng kasama sa coalition boboto...?

SFNP: Merong advisory council. Sila ang binigyan ng kapangyarihan na magbigay ng final list kay Vice President Leni. SI Vice President Leni ang magpapasiya base doon sa listahang isinumite, sino ang magiging kandidato ng koalisyon.

Q: Sir, yung PDP-Laban, obviously malaki yung naapekto sa kanila kasi from 24 names naging 6 names sila. Naaapektuhan rin ba yung LP dito? Doon ba kayo may nadadagdagan while the other parties are somehow weakening?

SFNP: Hindi ko masasabi kung yun ang talagang nangyayari sa ibang partido. Basta tayo nakatutok lang doon sa atin. And I can say that yung mga pangalan na ating ina-accommodate eh lahat yan mabibigat. At this point, hindi naman natin masasabing sure winner dahil wala naman talagang sure winner sa senate race sa ganitong oras. Sabi ko nga, yung mga hindi nagra-ranking noon sa 2016 elections at this time eh nanalo at sa dating eleksyon yung mga number 1, number 2, number 3 pagdating nung araw ng halalan, talo. So marami pang mangyayari. Pero ako masasabi ko doon sa mga pangalan na ilalabas natin sa slate eh may track record, may gravitas, ika nga, at hindi ikahihiya at maaari pa ngang ipagyabang.

Q: Meron din bang mga taga-ruling party na gustong lumipat sa LP?

SFNP: Well, merong ilang pangalang nababanggit pero hindi from PDP. So pinag-uusapan pa yan.

Q: Maraming umalis sa LP na gustong bumali sa LP?

SFNP: Mayroong ganoong information especially sa ground. Mga mayors, hindi congressmen, mostly local officials na have expressed their desire to be part of the LP and be nominated by LP.

Q: Gaano ka...yung likelihood na si Sec. Roque ay bumalik sa kampo ninyo tapos mag-apply for the slot? Ano yung likelihood?

SFNP: Hindi ko alam. Speculation yun eh. I don't want to speculate. Tutal, hindi naman nangyayari pa. Pag nangyari, tanungin niyo ako.

Q: May effect ba yung recent pronouncements ng Pangulo na willing siyang bumaba anytime basta makitang maysakit siya? May effect ba iyan sa inyo bilang opposition party?

SFNP: Ang tanong diyan, may effect ba yan sa mga kandidato, di ba? Maaari. Maaaring may epekto yan dahil kung makikita nila baka may karamdaman, may sakit, malubha ang sakit, eh syempre magdadalawang-isip yung iba dyan.

Q: Sino yung bumubuo sa advisory council?

SFNP: Representatives ng OVP, ng LP, ng Akbayan, Aksyon Demokratiko, Magdalo, at Tindig Pilipinas.

Q: Mga ilan po all in all?

SFNP: Around 11.

Q: Can you name some of the known members of the council?

SFNP: Well, ako, Kit Belmonte, Bolet Banal from the LP, Sonny Trillanes, tapos si Machris na alternate representative from Akbayan, si Hermie Aquino, representative ng Aksyon, and then from Tindig Pilipinas, you have Mely Nicolas, Dinky Soliman or Ging Deles.

Q: And the chair would be si VP, sir? O iba pa si VP?

SFNP: No, but she's not part of the advisory committee. In effect ako ang nagche-chair ng advisory committee as campaign manager.

Q: You will just submit to her the names na na-vet niyo na.

SFNP: Yes.

Q: ...tapos magbobotohan?

SFNP: Magbobotohan and then we submit to the Vice President and she decides. She has the final say. Ang Bise Pangulo ang siyang may huling pasya kung sino ang isasama sa ticket at sino ang hindi. At nagkasundo kaming lahat na she will have the final say.

Q: Sir, the announcement will be after the COC filing?

SFNP: Punuin na muna natin sino talaga yung mga magfa-file ng kanilang kandidatura and then we will announce and launch the slate.

Q: Pero sir, pwede siyang magsingit ng name kung sasabihin niya gusto ko to o ito nag-aapply?

SFNP: Strictly speaking, pwede. Although lagi niyang sinasabi na mas gugustuhin niya na maisama sa maayos na proseso ng grupo yung mga kandidato.

Q: Kung sinuman ang bet niya, pinasok na rin sa listahan...

SFNP: Yes. Unless merong surprise. Hindi natin alam. Abangan.

Q: May surprise ba?

SFNP: Sa dami ng taon kong napupunta sa filing ng kandidatura minsan may mga surprise endings.

Q: Pano yun sir ang filing is October 17 lahat pero hindi siya as one party?

SFNP: No. They will be allowed to file from October 11-17.

Q: Pero bakit yung announcement ninyo will come or may come later? Between Oct 10-17?

SFNP: Will come after the 17th. Pag tapos na yung filing.

News Latest News Feed