Press Release
October 10, 2018

Transcript of Sen. Bam's interview after filing of Minority Joint Resolution to Roll-Back Excise Tax on Petroleum Products

Sen. Bam: Kahapon, nabanggit ni Pres. Duterte na iniisip niya na baka ngayon na ang tamang pagsuspindi. Itong Joint Resolution will show what the Senate feels about this measure. Nagkakaroon na rin ng pag-uusap ang mga senador na baka panahon na i-suspend ang pagtaas ng buwis ngayong Enero. Marami sa kababayan natin ang nahihirapan na sa pagtaas ng presyo ng bilihin. Itong mga nasa transport sector, wala nang kinikita dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina at diesel. Kaya palagay ko, ito ay isang solusyon na maaaring ihain sa ating taumbayan. Ito ay solusyon na maaring pagkaisahan ng ehekutibo at lehistatibo para sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Q: (inaudible)

Sen. Bam: We've asked Congressman Quimbo to also file a counterpart resolution and I'm certain there will be other congressmen who will also support him. Isa itong Joint Resolution kaya kinakailangan po na both the Senate and the House will file and will pass the resolution as a force of law. Isa itong pagsuspindi sa itataas na buwis ngayong Enero na alam naman nating nakakadagdag sa pagtaas ng presyo ng bilihin.

Q: What about yung prices ngayon? May magagawa pa ba tayo doon?

Sen. Bam: The Joint Resolution includes the increases in 2018. So kasama dito ang lahat ng itinaas ng exise tax sa lahat ng petroleum products ng TRAIN Law. Nakita naman natin na patuloy na tumataas ang inflation sa ating bansa, patuloy na tumataas ang presyo ng bilihin at ayaw na nating dagdagan ang patuloy na pagtaas na World Market Price ng krudo. Habang ito ay patuloy na tumataas at nakikita natin na nahihirapan ang merkado dito, huwag na sana dagdagan ng ating gobyerno gamit ang excise taxes. Hopefully, if this Joint Resolution is passed, we can get 13 signatures here, we'll be able to make the wishes of the Senate and Congress known na gusto na rin nating ipasuspindi ang buwis ngayong Enero.

Q: Sir, that would be after this break?

Sen. Bam: Yes, ang Joint Resolution will have to go through the same process as a law. So this will be referred to committee and, hopefully, bago pa tayo mag-alisan this Christmas, nakapasa na po ito. Hopefully, malinaw na sa taumbayan na hindi na dadagdagan ang buwis at dadagdagan ng pahirap ang ating mga kababayan pagdating ng January 1. Itong January 1 increase, yan ang second tranche ng TRAIN 1. So hindi pa ito ang TRAIN 2. May pagtaas nanaman dito sa excise tax on fuel and gasoline.

Q: How much po iyon?

Sen. Bam: Dalawang piso po sa gasolina, dalawang piso sa diesel, at isang piso sa kerosene. Sinasabi nung nakaraang araw, nung transport hearing, sabi ng mga jeepney drivers natin na yung dalawang piso na yan ay parang maliit sa ibang tao pero para sa kanila, napakalaking bagay na nung dalawang piso kada litro. Sa maraming hearing na ginawa na dito, aminado na ang economic managers na itong patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, isa yan sa nagdadagdag sa presyo ng bilihin sa ating bansa. Kailangan talaga nating magkaisa dito. Nagbigay na ng senyales ang Executive na they are taking a second look on the suspension of excise tax. It's time for the Senate and the Congress to be independent, and to show na isa itong hangarin ng Senado at Kongreso na huwag nang ituloy ang pagtaas ng buwis dito sa ating diesel at gasolina ngayong January.

Q: Sir, gaano kalaki po ang ibababa sa presyo ng bilihin? According to economic managers, very minimal lang naman effect ng excise tax on fuel. 0.4% lang yun.

Sen. Bam: 0.4% po iyan sa total inflation. Pero even those numbers are contested in the hearing. Nabanggit din nila na yun ang direct impact nun, wala pa yung indirect. Hindi nila napag-aralan ang indirect impact. Ibig sabihin ng indirect, kapag ang isang magsasaka may kailangan siyang fertilizer na noon 800php, ngayon ay 1,200php na. Yan ang indirect effect ng pagtaas ng presyo ng krudo. Yung pagtaas ng presyo ng karne at isda, may indirect effect din yan. Hindi naman natin ipagkakaila na kapag tumataas ang presyo ng diesel at gasolina, tumataas din ang presyo ng bilihin. Habang wala tayong kontrol sa World Market Price, yung buwis na pinapataw sa excise tax on fuel ay kontrolado natin. Ang hinahanap ang taumbayan ay kaunting tulong naman mula sa gobyerno, hindi po pabigat ngayong Enero. Malapit na po ang Christmas baka ito na yung magandang pamasko sa ating mga kababayan. Huwag na nating dagdagan ang nagpapabigat sa kanilang buhay. Gumawa tayo ng paraan na mapagaan naman ang sitwasyon ng ating mga kababayan.

Q: (inaudible)

Sen. Bam: If this is passed, they will have to follow because this is a force of law. Itong suspension na sinasabi ay kinakailangan din ng legislative action. Kasi legislation din yung nagpasa ng Train Law, so kailangan ng legislative action para macorrect po iyan. That's why we've filed the Bawas Presyo Bill, now it's the Joint Resolution. Naghahanap tayo ng iba't ibang solusyon upang masigurado na hindi na po tataas ang presyo ng bilihin ngayong Enero at hindi na magpapatuloy ang pagtaas ng inflation sa ating bansa.

Q: Kailangan po ba yan ng pirma ni President Duterte?

Sen. Bam: Yes. We will need all the parties to come together. We need the Executive and Legislative to come together. Kailangan yung majority at minority na magtulungan upang magawa natin ito para sa ating mga kababayan.

Q: May clause kayo na pwedeng ibalik ang excise tax?

Sen. Bam: This one is basically a suspension. Purely, just a suspension. Dun sa Bawas Presyo Bill, may mga mekanismo tayo doon na kung saan pwede ibalik ang taxes pag normalize ang inflation. But this particular Joint Resolution is a suspension of the excise taxes on January.

Q: Kailan po tayo magfi-file ng COC?

Sen. Bam: Most likely on the 16th so we'll see you there.

News Latest News Feed