Press Release
October 10, 2018

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III

On Senator Ejercito becoming an NPC member

SP Sotto: Yes, definitely part of the NPC lineup.

Q: Senator JV, wala pong attempt na pigilan kayo ng father mo na lumipat sa NPC?

SJV: It was a difficult decision. Syempre mahirap din iwanan yung partido ng iyong ama. Gusto ko lang liwanagin na bagamat meron kaming disagreements minsan, pagkakaiba ng pananaw, hindi ko pinuputol yung pagiging ama, yung respeto ko, yung pagmamahal dyan. Utang ko ang buhay ko, pagpapalaki sa akin, sa kanya. I am just doing this move na sa tingin ko ay I would need another party, dahil nga sabi ko nga, sa aking paniniwala na yun pong sa aking prinsipyo na sana isa lang ang tumakbo pero ganun pa man ay meron pa rin akong isang partido na nakikita na karamihan kaibigan, karamihan kakilala, and more than that, ang malaking impluwensiya dahil mula nung naging Senate President si Tito Sen, naging maganda yung aming, at mas lalong naging maghanda ang aming samahan sa Senado so by moving to the NPC I would expect na mas lalo pang gumanda ang amin pong working relationship dahil I am very happy with the working relationship now sa Senado. Naging productive kami dahil dito.

Q: Nagusap kayo ni Mayor Erap bago nitong oath-taking?

SJV: May mga pasabit, Alam ko medyo sumama ang loob pero pupuntahan ko pa rin siya syempre. Sana maintindihan niya kasi hindi naman talaga maganda tingnan na Dalawa kaming magkapatid, iisang partido.

Q: May pinasabi ka na lang?

SJV: Pinasabi na lang. Pupuntahan ko pa rin naman, magsasabi pa rin ako sa kanya. Sabi ko nga hindi ko naman ipuputol yung relasyon, yung respeto rin ng ama nandiyan, kaya lang moving forward, nagpaalam naman ako prior before na dapat nung sa PDP that time, when I was being recruited, kung oo. Sabi ko para mas maghanda yung samahan sa Senado, at that time it was SP Koko, pumayag naman siya na sumali pero ngayon na si Senate President Sotto na ang nandiyan, ang primary consideration ko dito yung working relationship at as I have said, napaka-produktibo namin, ang ganda po ng aming samahan, ang dami po naming naitapos, na naipasa, so mas lalong makakatulong siguro lalo na kung magkakaisa kami ng partido dito sa Senado.

Q: Paano po yung possibility na iendorse din yung brother ninyo?

SJV: Well, nasa partido naman yun, as long as ako, ang iniisip ko na lang, personal relationship ko dito dahil matagal na panahon din ang marami dito sa NPC, talagang kaibigan ko na at nakasama at nakatrabaho. Since 1992, mula nung naitayo ito during Danding, Erap time pa, marami sa mga stalwarts ng NPC talagang malapit po sa amin. Kung meron man akong talagang pupuntahan, wala akong maisip na partido except National People's Coalition which I am very comfortable. Nandiyan si Tito Sen, isang kaseatmate ko, si Brother Sherwin. Si Dong, nakasama ko sa House, sa Kongreso. Si Jack Duavit, kababata ko, so wala na akong nakitang ibang partidong pwedeng puntahan na magiging kumportable ako but NPC.

SP Sotto: On the part of the Nationalist People's Coalition, we'd like to welcome Senator JV Ejercito. With open arms we are honored and very glad to have him because he is one of the more productive members of the Senate especially here in the 17th Congress. Napakaraming landmark legislation na siya ang author, kung hindi man principal author ay siya ang principal sponsor so it is an added feather in the cap of the Nationalist People's Coalition to have JV Ejercito in our party.

Kaunting pagyayabang, bihira ko namang gawin, there is apolitical analyst and critic who was able to review all the constitutions of all the different political parties and according to her, the constitution of the NPC is the best constitution as far as the Philippine setting is concerned. The council leaders of the NPC are here, in behalf of Ambassador Danding Cojuangco, who is our chairman, and other council leader, Senator Sherwin Gatchalian, and our Secretary General, Congressman Dong Mendoza, we'd like to welcome JV to the fold.

Q: Nakapagfinalize na po yung council of advisors at yung final lineup?

SP Sotto: Thursday ng tanghali.

Q: How many names are we talking about?

CDM: So far ifafinalize pa lang namin, hindi pa namin maannounce yung names pero syempre yung official NPC members namin, si Senator JV, and Senator Lapid. Hundred percent pa yun na kasama natin. Yung iba naman po, inaayos namin pero hopefully by this week or next week, mafinalize po namin.

Q: Bubuuin po ninyo yung twelve? CDM: Hindi kasi we are in a coalition with HNP rin, so may mga candidates sila na iaadopt namin, at the same time meron din kaming personal preference na gusting isama sa party na gusto rin isama sa lineup.

Q: Ano po yung political force ng NPC, ilan yung senators, congressmen?

CDM: Actually ang senators po natin ngayon is4, 37 sa congress.

SP Sotto: Magiging 38 na mamaya.

CDM: Madami pong lumipat. After filing malalaman ninyo.

Q: Malaki yung lilipat po?

CDM: Medyo madami-dami. SP Sotto: Medyo madami-dami. The Secretary General is the one signing the (unclear) kaya alam niya yung number ng...

Q: Sa tingin ninyo bakit maraming lumilipat sa NPC?

SP Sotto: Siguro panahon na nararamdaman nila na ito yung political party n kahit kelan hindi pa nagkaroon ng presidente, pero lagging ganun ang number, matibay. Bihirang-bihira ang umaalis, usually may babalik pa. We were always the second largest party from 1991 to the present kaya siguro nararamdaman nila na ang loyalty in the party is imbedded in the party kaya kung talagang medyo hindi mo malaman ang political world mo o landscape mo, pinakamagandang puntahan mo is NPC. Ang tanong lang doon is kung tatanggapin ka.

Q: May final decision na doon sa Marcos-Aquino case?

SP Sotto: Hindi pa. Tomorrow lunchtime, medyo maganda-ganda na.

Q: Buong slate na yung bukas?

SP Sotto: Baka sakali.

Q: Saan po? SP Sotto: In a safe place. Mahirap pumasok doon sa lugar na yun.

Q: What is the attraction?

SP Sotto: Siguro yung samahan. Talagang yung leadership hindi kami nagpapabaya sa members namin. Kung may problema, kung may pangangailangan.

 Q: Basta steady?

SP Sotto: Always. The ruling party, pag hindi na presidente yung kapartido nila, wala na. nawawala yung mga members, pero kami lagi yung second largest.

Q: Hindi kaya yung internal bickering sa PDP Laban is one of the factors kaya yung pumuslit sa kanila, they opted to move to NPC?

SP Sotto: Maybe, perhaps. I cannot really say yes.

Q: Yung mga lilipat po ba galing PDP?

SP Sotto: Iba-ibang partido.

Q: Senator, before you were saying na when you first ran for senator, hindi ka nagkaroon ng help?

SJV: Hindi naman sa ganun. Siguro liliwanagin ko lang, nalagyan ng ibang anggulo. Hindi lang ako masyadong natulungan kasi meron ding sariling laban si Mayor Erap at that time. Matindi yung laban niya sa Maynila so hindi ko naman maexpect na samahan niya ako, so yun yung ibig ko sabihin na hindi niya ako masyadong natulungan, kasi nga may sarili siyang laban, at the same time siguro meron ng nangyari din, kaya siguro naging busy rin siya, kaya I still made it.

Q: Are you expecting any help from him this time?

SJV: Any help is welcome. Especially ngayon, medyo mabigat ang laban ko given the situation, pero confident naman ako this time. Sabi ko nga, hopefully yung performance natin, yung track record, and of course a good party that has always been there, talagang stable na hindi kung sino ang presidente ay nandiyan sila, NPC has always been there at very consistent. At saka productive sila, developmental oriented kaya ito na rin ang sinamahan ko. Lahat naman tayo gusting gumanda ang ating bansa, so I think this is the right party.

SSG: Tinatanong ninyo yung attractiveness ng party, I think tama yung sinabi ni Senator JV, yung consistency. NPC has been consistent since 1992. Yun po yung major attraction, para mahikayat pong sumali sila.

Q: Okay lang ba sa inyo Senator JV na kasabay si Senator Jinggoy?

SJV: Depende naman yan sa partido. I will respect the leadership of the party, kung ano ang magiging pasiya kasi nangyayari na ngayon sa Hugpong yan, so ang sa akin na lang, I will look at my own campaign, and with the help of course of a good friendly party like NPC, sa tingin ko this is the right direction to take politically dahil sabi ko nga, yung mga miyembro dito, hindi ka lilipat, talagang solid, maaasahan mo. At dahil sa tagal ng panahon, nabanggit ko na kanina, lahat sila karamihan kaibigan ko na talaga. May pinagsamahan na.

News Latest News Feed