Press Release
October 22, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW
Public Hearing on Third Telco

Q: What did we accomplish today?

POE: Ang nakita natin yung commitment ng NTC, DICT na tuloy-tuloy na ang kanilang pagkuha ng third telco na sinabi nga ng ating Pangulo para magkaroon ng pagpipilian ang ating mga kababayan kung sinong magbibigay ng mas magandang serbisyo sa mas murang pagsisingil sa atin.

Q: Sa common tower, do you share the concern of Senator Escudero na it might create a monopoly or oligopoly?

POE: Oo, tama. Dito sa cell towers, mayroon kasing isang nag-suggest sa Presidente yata o sa DICT na dapat isang kumpanya o dalawang kumpanya lang ang puwedeng magpatayo ng cell towers. Kalokohan 'yon. Dapat kung sinong puwedeng magtayo ng cell towers, basta nasa regulasyon, ay magtayo para naman walang monopoliya nito. Kung maraming cell towers, mas gaganda ang signal natin. So payagan ang lahat ng telecommunications company na magkaroon ng access diyan at dapat yung pagbayad nila sa renta ng towers na 'yan ay pantay-pantay. Hindi puwedeng mas mababa sa isa tapos mas mataas sa isa. So mali talaga na mayroong monopolya niyan.

Q: What assurances did we get from the DICT na hindi magpa-flop ang pagkakaroon ng third telco?

POE: Well, sabi nila, yung kanilang pagpili nito ay magiging objective. Sabi nga nila computer daw ang pipili based do'n sa mga qualifications--magkano ang kanilang magiging puhunan, etc., tingnan natin. Maliwanag din na kung sino ang makakakuha ay dapat may kapabilidad, mayroon silang 10 years national experience ng pagpapatakbo ng isang telecom company.

Q: Yung pag-issue ng franchise na hindi na dadaan sa congressional hearing, what do you think about that na parang partners na lang daw nila e ang problema parang wala namang experience yung partner nila in running a telco?

POE: Hindi naman, kailangan talagang may experience yung isa sa mga partners nila sa pagpapatakbo ng telecommunications company at malinaw din na kailangan kung sino man ang partner nila, kunwari isang foreigner, yung foreigner na yon 40 percent lang ang pagmamay-ari at yung kanilang local partner ay mayroong franchise o isa do'n sa kasama nila ay may franchise. Talagang hindi sila puwedeng mag-operate na hindi dadaan sa pag-apruba ng Kongreso.

Q: Your take na computer ang magtatalaga o magseselect ng third telco player?

POE: Siyempre kapag sinabi mo, 'o, computer, magiging objective ba ito?' Sabi nila mayroon silang mga kondisyon kung ano ba o magkano ba ang ipupuhunan? Ilang years ang kanilang experience? Ano ang magiging coverage nila? So para siguro mawalan ng korupsyon ay isusubo nila lahat ng impormasyon na ito sa isang computer, at sa algorithm na yan ang computer ang magdedetermina kung sino ang pinakakwalipikado. Ito ay magiging kauna-unahang pagkakataon sa aming pagkakaalam na magiging ganito ang seleksyon. Siguro mas mabuti na rin ito, basta lang may mga observer, hindi mo naman puwedeng kausapin ang isang computer at sabihin mo, 'bigyan mo ng pabor ang aking kumpanya,' so it might work better. Basta ang sinabi din ni Senator Escudero, kailangan lang siguro, 'pag nagkaroon ng issue, halimbawa nagkaroon ng tie, paano ninyo ireresolba 'yan? At sinabi naman nila na mayroon naman silang guidelines para sa mga bagay na gano'n.

Q: May confidence kayo sa selection process through computers?

POE: So far nakikita naman natin na si Secretary Rio at si Chairman Cordoba ay mayroon namang checks and balance do'n sa pamamaraan nila, aside from the computer, obviously dumaan naman ito sa oversight committee kung sino ang papayagan nila na magsumite ng bid.

Q: Comment o reaction ninyo sa concern ng DICT na baka ma-delay dahil doon sa pending case nila vs. NOW Telecom?

POE: 'Yun din ang isa nating napag-usapan, basta ang malinaw ay ito, hindi naman nila puwedeng basta-bastang pigilin ang proseso ng pagkakaroon ng third telco dahil lamang hindi sila nasiyahan do'n sa mga probisyon na 'yon. Tayo din ay nakikiusap doon sa mga (nag-file) na 'wag ninyong pabagalin pa ang proseso. Naiintindihan ko na dapat maging patas, okay naman na idaan ninyo ang inyong mga reklamo sa Korte pero 'wag naman para ipapigil dahil lahat naman tayo ang gusto naman natin ay gumanda ang serbisyo ng ating mga cellphones, ng ating internet, at 'wag na tayong masyadong magbayad ng napakamahal.

Q: Are you satisfied sa assurance na binigay nila about our cyber-security or may binigay po ba silang assurance?

POE: Kaya nga sinuspend ko ang hearing na ito dahil 'pag na-award na nila ito ng November 7, ang pipiliin nilang kumpanya, dapat malinaw na malinaw na makapasa doon sa security evaluation natin. Kaya nga ang isa sa miyembro ng oversight committee ay si Secretary Lorenzana, dahil dapat masigurado na kung sinumang bansa ang mananalo din diyan sa bidding na 'yan ay mayroong kasunduan talaga sa atin na 'pag nahuli natin sila na bina-violate ang ating national security policies ay maaaring bawiin sa kanila itong magiging permit na magkaroon sila ng prangkisa dito sa atin.

News Latest News Feed