Press Release
October 25, 2018

Sen. Bam on Oposisyon Koalisyon, excise tax on oil, illegal drugs issue and Marawi rehab
(Transcript of Kapihan sa Senado interview)

Q: Opposition Coalition is building eight (8) Senatorial aspirants for the midterm elections next year. The mere fact na in-introduce na sa public yung mga candidates ng opposition, do you think na magbabago na yung resulta ng survey sa susunod?

Sen. Bam: Well, hindi pa siguro. If you look at the awareness level of the six (6) of the people I am with, medyo mababa pa sila so it's really a challenge na ipakilala sila sa taumbayan. Much like yung takbo ko nung 2012. Nung napakilala, madali namang nakumbinsi yung mga tao kapag nakikilala sila. Syempre hindi ka naman iboboto ng tao kung hindi ka kilala. Mahalaga na naipresenta na sila sa taumbuyan. I am proud of the other people I am with in the coalition. I think may magagawa po sila para sa bayan. Si Sec. Roxas wasn't there yesterday but as we know, he supported the call center industry in the past. He has many advocacies which have helped a lot of people also. Hilbay, Alejano, Roxas, Diokno, Tañada, Gutoc, Aquino, Macalintal. Kung makikita niyo naman po, maipagmamalaki naman yung ating prinesenta kahapon. We are hoping that by filling that eight (8), people will also have some space to also put it their favorites from the independents and other parties. Hopefully, in the next few months, mas makikilala yan ng ating mga kababayan at mabibigyan ng tamang pansin.

Q: Paano ang magiging campaign strategy ng Opposition Coalition? Mga issues against the administration ba yung focus ng inyong campaign?

Sen. Bam: Si Sen. Pangilinan is the campaign manager for the slate so mas maganda na siya yung kausapin tungkol sa strategy. But looking at the top concerns of our people, kailangan mo talagang tumbukin yung problema ng taumbayan. If you go around now, ang paulit-ulit sasabihin ng ating mga kababayan: "Sen. Bam, ang taas na ng presyo ng bilihin, ang taas na ng presyo ng bigas." I think here in the Senate, we have done our best to try to address these issues. Ito ang binibigyan natin ng tamang pansin. Each candidate will have something to focus on kasi iba-iba rin naman ang aming expertise. But as a group, we will do our best to try to address the top issues of our countrymen: pagtaas ng bilihin, trabaho, hanap-buhay, yung kakayanan ng ating mga pamilyang Pilipino na tugunan ang mga concerns nila mismo.

Q: May iba pa bang political party na mag eendorso sa inyo? Ano yung update pagdating sa LP slate?

Sen. Bam: Ayokong pangunahan yung mga other political parties but some of these are already in the works. We expect to be supported by other political parties as well.

Q: So wala pang final decision dun sa NPC? According to Senate President Sotto, mayroon siyang mga inirecommend na mapasama sa slate. Yung hindi masasama, tutulungan niya personally.

Sen. Bam: This is an NPC matter so sila ang tanungin natin. In our case, different political parties will support you because of your friendships, histories, and a number of them gusto rin naman ang advocacy niyo. In our country, hindi naman talaga bumubuto based on party. It's really based on ano yung magagawa mo para sa taumbayan. Ano ba yung madadala mong advocacy para sa taumbayan? If we really look at how elections happen in our country, usually yun ang rason kung bakit kayo binoboto. Hindi naman ito dahil sa partido lamang.

Q: Dahil Opposition Coalition candidates kayo, yellow color no more na ba?

Sen. Bam: I am black and yellow, which is the same colors of PNoy in 2010. Black predominantly because there's a recognition na wala tayo sa administration, marami tayong pinaglalaban, marami rin tayong pinoprotesta. Of course, hindi rin naman mawawala ang yellow. I am carrying black and yellow. Other candidates are carrying green, blue, red. It's multiple colors. Iba't ibang kulay and I think it's the same with the admin party. Hindi naman sila pare-parehas na red. Different parties representing different individuals and different advocacies. Palagay ko makikita mo yung vibrancy of our democracy. Iba-iba ang kulay ng mga tao, iba-iba rin ang adbokasiyang dinadala pero ang pagkakapare-parehas, ang mga advocacies na ito ang hinahanap ng tao. Ang hinahanap ng tao ay yung mga leaders na handang ipagtanggol ang mga issues na mahalaga sa kanila. Hindi lang ang mga issues na mahalaga sa partido o sa tumatakbo, pero yung talagang mahalaga sa tuambayan. If you look at the advocacies that we are pushing here: yung Libreng Edukasyon, pagroll-back ng mga provisions sa TRAIN Law, palagay ko naman hindi tayo nawawala sa mga totoong pangangailangan ng ating mga kababayan.

Q: Kahapon sa hearing ng Senate Committee on Economic Affairs, sinabi ng DOF na isususpend nila yung second round ng excise tax only for 3 months. Acceptable ba sa inyo? Enough ba yung 3 months?

Sen. Bam: Hindi. The first time that we heard that the president is going to suspend excise taxes, natuwa tayo. Ang buong taumbayan ay natuwa. Pero ngayon na nalaman natin na tatlong buwan lang, I am hoping na tuluyan na talagang isuspend and excise tax natin. Bakit? Clearly, itong pagdagdag ng buwis sa petroleum products natin ay nagtutulak ng mga presyo ng bilihin pataas. Nagtutulak yan ng inflation pataas. Kapag isu-suspend yan, it will be hardly be felt by our countrymen. Habang hindi pa nga ito nararamdaman, may idadagdag pa ulit, tataas nanaman yan. Hindi ba ang goal natin at tuluyang ibaba na ang presyo ng bilihin? Unang-una, we hope that it will be suspended. Pangalawa, you can find this sa Bawas Presyo Bill, pati yung mga buwis na dinagdag nung 2018, dapat i-rollback na rin. That is a clearer and a more specific solution to our problems in terms of rise in prices and inflation. Mas malinaw po yung solusyon para ibaba ang presyo ng bilihin at labanan ang inflation. Kung isususpend lang yan ng ilang buwan tapos ibabalik rin, hindi ko alam kung makakapag-react na ba ang merkado dyan. Syempre, hindi naman instantaneous ang reaksyon ng merkado. At tataas na naman ang inflation. Tataas na naman ang presyo ng mga bilihin. We are monitoring the hearing yesterday. Nabanggit nga ng Department of Agriculture Undersecretary na ang laking bagay ng presyo ng diesel sa ating mga magsasaka. Ang laking bagay nun sa ating food prices. Malaking bagay yun sa transportation ng ating mga kababayan. Yung dalawang yun malaking bagay na: food and personal transport. It is such a big part of the inflation. Ang panawagan natin ay hindi lang tatlong buwan isuspend itong dagdag buwis, bagkus talagang isuspend na pati yung 2018 excise tax on product, tuluyan nang i-rollback. That is one clear way that we can solve the inflation problem that we have at tuluyan nating maapektuhan nang positibo ang mga produkto sa merkado.

Q: I-suspend indefinitely o permanently yung additonal 2php na i-implement sa January 2019?

Sen. Bam: If you look at the TRAIN Law, yung talagang nakakasama ay yung provision sa petrolyo. Ang tinutukoy ng Bawas Presyo Bill ay yung provisions on the petroleum products. Hindi natin ginagalaw yung adjustments sa take-home pay, yung excise tax sa sigarilyo at matatamis na inumin. Ang tinutukoy lang natin na nakakasama sa presyo ng bilihin ay yung excise tax sa petroleum products. If we can finally put an end to this, huwag na ito ang ating pagkuhanan ng koleksyon ng gobyerno. Marami namang ibang pwedeng pagkuhanan. There are hearing with the Customs, let's have the reforms in the Customs na mas maging maayos yung collection sa BIR. Yung efficiency ng gobyerno pagdating sa spending ay kailangang i-address. All of these are better options na pagkuhanan ng dagdag kita ng gobyerno kaysa yung mga petrolyo na may epekto sa ating mga pagkain at iba pang produkto sa merkado. If you are to ask me, hindi lang tatlong buwan ang hinihingi natin. Ang hinihingi natin ay yung tuluyan nang isuspend ang pagtaas ng petroleum products. Lahat ng dinagdag nung 2018, i-rollback na rin. Yan po ang mas mainam na paraan upang labanan ang patuloy na pagtaas ng presyo sa merkado.

Q: According to Sen. Gatchalian, at least 6 months ang irerecommend nila.

Sen. Bam: Si Sen. Gatchalian ang nag-mention niyan. Yung tatlong buwan po, hindi yan mararamdaman ng taumbayan. Papalitan mo lang ang mga produkto mo sa shelf, ilang buwan na kaagad yan. If you look at the market dynamics, 3 months is really short to be felt by our people. Kaya gusto nating masuspend ang pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil naghahanap ng tulong ang taumbayan. Yung Undersecretary ng DA explained it very well na itong diesel na ginagamit ng magsasaka, malaking parte sa kanyang input cost kaya malaking epekto iyan sa cost ng pagkain sa ating merkado. Yung ating magsasaka at mangingisda, gumagamit yan ng diesel at gasolina sa kanilang mga makina. Yung mga manufacturing companies, gumagamit yan ng kuryente, energy, diesel, at gasolina hindi lang sa transportation kundi pati na rin sa production. Kapag tayo ay nagcocommute, gumagamit tayo ng petroleum products. Hindi tama na direct expense lang ang ating cinocompute ng ating DOF at ating government agencies. Kailangan yung indirect expenses din ay makita natin para makita natin na malaking bagay ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa mundo, na dinadagdagan pa ng buwis.

Q: Yung rollback, hindi na daw yun doable kasi in-allocate na yung collection from that dun sa projects like Free Education?

Sen. Bam: It carries over. Even if you suspend na January increase, yung increases mo nung 2018, tuloy-tuloy pa rin. Remember na yung suspension na gagawin ng DOF is for the January increase. Lahat ng increase nung 2018 will still be present. Hindi yan mawawala. Yung collection naman ng excise taxes, hindi naman siya ganun kalaki pero napakalaki ng epekto sa taumbayan. Let's look for other ways to make up for that loss. Sa totoo lang, pagdating ng budget ngayon, kikilatisin yung mga projects na di naman gumagalaw o di naman magagastos ngayong taon. That's a usual process here in the Senate. We need to tighten our belts sa mga projects na di naman nakakabuti sa mga kababayan natin. Again, ang hinahanap natin ay yung tuluyang suspension na talaga. At yung 2018 na buwis, kailangang bawiin na rin.

Q: Kung from now until next year, masusupend yung excise tax, paano po kung 58php pa rin ang gas?

Sen. Bam: What we're looking at ay yung 2php dagdag nung January 1. We wont see a reduction but we just won't see an increase. Ang hinahanap natin ay tuluyan nang huwag makita ang increase next year at inincrease this year na 2.65php for gasoline and 2php for diesel. Marollback na rin yan at huwag na kolektahin ng gobyerno. When they say na they are suspending the excise tax, they only mean the increase for 2019. Don't forget na may third tranche pa yan ng 2020. And I think they're not committing on the 2020 tranche, sinasabi lang nila, itong 2019 tranche. Pero yung hinahanap natin, yung mga probisyon ng TRAIN law dito sa excise taxes, tuluyan na talagang ma-amend o matanggal, kasi iyan yung isa sa mga nagtutulak sa presyo ng bilihin na pataas.

Q: Pero pano po nagiging possible iyon, na tanggalin yung 2.65 within 2018? The economic managers will obviously not allow that.

Sen. Bam: Why not? Again, through the Bawas Presyo Bill, through the joint resolution, if both Congresses agree to it, then it can be done. So, again, yung TRAIN Law, batas yan, so batas rin yung kayang makapagbabago niyan. We can. They may disagree; they have disagreed regarding this suspension. I think all the way iyan until there was an announcement from Malacanang. So palagay ko, independent rin yung Malacanang sa mga kahilingan ng ating economic managers. We're hoping that pagbalik natin, yung joint resolution that was already filed by the minority a few weeks ago, pwedeng pagkaisahan ng mga Senador at ng mga Kongresista, na makita nating ma-correct yung mga probisyon ng TRAIN Law na nakakasama sa ating mga kababayan.

And again, yesterday, in the transcript, Sen. Gatchalian also talked about the joint resolution, we need a joint resolution. So I'm hoping that even the members of the majority can join us here, magtulungan kami para ma-correct natin yung TRAIN Law, ma-correct natin yung mga probisyon doon nakapagpapabigat sa taumbayan.

Q: So, sir tingin niyo may chance na ma-support ng majority yung inyong proposal?

Sen. Bam: Oo. Yes, may chance iyan. Kasi ito - I started doing the consultations in April of this year. Yung TRAIN Law was passed in January, I voted no, there were four of us who voted no during the ratification. As early as April, umiikot na tayo. When we go around, kami ang iniikutan namin, mga palengke, mga urban poor communities, mga community centers sa iba't ibang lugar sa ating bansa. Ang pangunahing isyu ng taumbayan ay ang kataasan ng presyo ng bilihin, at presyo ng bigas. 1 and 2 iyan. A lot of the things we talk about here, hindi man lang nila binabanggit sa akin. Ang binabanggit nila lagi ay ang kakayahan ng kanilang pamilya na tustusan ang pangangailangan sa kanilang mga buhay. At maraming times, talagang *inaudible* talaga mga puso niyo - mga magsasaka, sabi nila, Senator, alam niyo bago pa naman anihin yung ani namin, nabenta na namin iyan. Pero pagpunta namin sa palengke, hindi na namin kayang ma-afford yung *inaudible* namin. Can you imagine? Pupunta kang palengke, hindi mo kayang ma-afford yung gulay na tinanim mo. Hindi mo kayang ma-afford yung bigas na ikaw mismo yung nagtanim niyan. Yung jeepney drivers and tricycle drivers, pati UV express, as you know, I've been very active in the hearings regarding the modernization. Iyan po ay dahil sa kaka-ikot natin, nagsimula iyan - Senator Bam, ang presyo ng diesel, ang presyo ng gasolina, sobrang taas, wala na kaming kita, plus, inuubos pa yung hanapbuhay namin dito sa modernization. That's the reason why I've been active in the modernization, because sa kaka-ikot natin, iyan yung laging nababanggit nila.

Yung kababayan natin, naghahanap ng paraan upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Simpleng mga pangarap lang ito, and yet, nagtutuloy-tuloy pa rin ang inflation, nagtutuloy-tuloy pa rin ang mga isyu natin sa mga pangunahing bilihin sa ating bansa, kaya kailangan na talaga pagkaisahan. I think, we have to set aside politics on this. We were so happy when Malacanang mentioned that they're willing to suspend, pero ngayon yung panawagan natin, huwag lang tatlong buwan. Tuluyan na nating i-suspend itong pagtaas ng buwis sa susunod na taon, at itong 2018 na dinagdag natin, na alam naman nating lahat na nakatulong sa pagpapataas ng presyo ng bilihin, tuluyan na rin nating i-roll back at tanggalin. And I think this will be one of the best gifts we can give to our people ngayong Pasko, kasi ngayong Pasko, tataas na naman. Naturally tumataas na naman ang presyo ng mga bilihin kapag end of the year, and marami sa mga kababayan natin, hindi kakayanin itong pagtaas na ito. When we go around, yung iba nating kausap will tell us, Senator Bam, tatlong beses kami noon kumakain sa isang araw, ngayon, dalawang beses na lang. Huwag na nating payagan maging isang beses na lang iyan.

So I think this is something we can all work on. There are a number in the majority who are taking a look at this. Nababanggit-banggit na rin ito ngayon more and more, and we're hoping na itong mga statements can become action, kasi iyan ang hinahanap ng taumbayan; hindi lang pakikiramay, ang hinahanap nila, aksyon mula sa amin, at solusyon. So, we're hoping that we can all come together, and really address this through a joint resolution, and though directly amending the TRAIN Law, which is the bill that we filed last time. Salamat.

Q: Sir are there any- I'm just wondering, kasi di ba, ang focus ni Presidente pag-upo yung war on drugs, and yet, parang paulit-ulit na may nakakalusot na shabu sa Bureau of Customs. Naalala ko noon, nag-attend ka ng hearing doon sa unang nakalusot na worth 6.4 Billion. Ngayon, meron namang 6.8 billion. Tingin niyo sir, ano yung mali? Dapat bang i-overhaul na itong Bureau of Customs? Hindi ba effective itong war on drugs ng Duterte administration?

Sen. Bam: Well, kung hindi mahahanapan ng solusyon ang supply na pumapasok sa ating mga port, hindi talaga magpo-prosper itong war on drugs. Pag may supply, lagi iyan may adik. So kailangan , yung supply - nung first few years, maraming sinara na laboratoryo. In fact, natuwa tayo doon. Pero lately, mukhang ang nangyayari, iniimport pa ito mula sa ibang mga bansa. And our ports, this is the third time or the fourth time na nangyari ito; in fact I think there was one hearing, nabanggit nila, nahuli yung 6.4 pero it's likely na may malalaki ring shipments na hindi nila nahuli. Ngayon naman, is it 11? 11 billion ba ngayon? Hindi lang 6.8, 11 billion na ngayon. So pano natin mareresolba yung isyu ng drugs kung patuloy ang pagpasok ng droga sa ating port? Hindi pa ito pumapasok sa back door, front door ito. Hindi iyan back door, hindi iyan patago, kasi ports na natin iyan mismo. And yet, makikita natin, parang inutil ang gobyerno sa pagtigil nito. Hindi ba dapat lang na ang lahat ng effort ng ating kapulisan, ang effort ng gobyerno kung seryoso tayo dito sa war on drugs, ay talagang tulisin na natin iyang butas-butas na port na iyan? Palagay ko, logical lang naman na iyon ang bigyan ng pansin. Ang pagsuyod sa mga komunidad, alam naman natin, maraming pamilyang natamaan diyan, may mga inosente ring naging collateral damage. Hindi ba mas madali kung ang focus natin ay sa mga ports? Iilan lang naman ang ports sa ating bansa, at iyon ang bigyan natin ng mas malakas na enforcement?

Ang masakit kasi dito, port na natin mismo iyan. Nung una, dine-deny. Tapos ngayon, sumasangayon na rin. Kailangan natin dito, aksyon. From the 6.4 billion hearing, kung hindi akong nagkakamali, parang wala rin namang nakasuhan na BIR employee. Ang rami diba, may expose pa iyan, ang daming nabanggit na pangalan; if I'm not mistaken, wala naman atang nakasuhan na palit-palit lang ng posisyon. So if we're really serious about it, kung talagang ito ang pangunahing isyu na binabantayan ng gobyerno, siguro naman, kailangan natin ng mas matinding implementation ng ating mga batas dito sa ating mga ports. Huwag pinapayagan na butas iyan, labas-pasok itong droga sa ating bansa. Parang nasasayang rin lang lahat ng effort, at alam rin naman natin, marami na ring naging collateral damage sa giyerang ito. Dapat masigurado natin na safe at secure ang ports natin.

Q: Indication ba na incompetent yung mga nakaupo doon sa mga concerned government agencies? Or dahil hindi nga nakasuhan, or - may mali sa system?

Sen. Bam: May mali sa sistema, may mali sa personnel. So kung baga, kailangan tayong maglagay ng mga taong kayang gawin yung trabaho nila. Kailangan natin ng sistema na hindi ganun ka-butas. That has always been the same thing. Kahit sa NFA, matagal na rin nating sinasabi, dahil sa mismanagement ng NFA, nagsitaasan ang presyo ng bigas sa ating bansa, sa mismanagement ng ating customs, ng ating boards. Tuluy-tuloy ang pagpasok nitong droga sa ating bansa. So, we need to put the right people, and we need to change the systems also. Hindi sapat na maglagay lang ng magagaling na tao, kailangan magagaling na tao na alam nilang ginagawa nila, na hindi matutukso sa napakalaking pera, at mga systemic changes na talagang pwedeng magbago sa systema diyan. I think we're at that point na baka kailangan na nating i-overhaul na talaga ang BIR, ang Customs natin, ang mga ahensiya - sa NFA that's practically what we're doing now, naooverhaul po yung buong ahensiya. Kailangan na rin ata gawin iyan dito sa mga ahensiya na makikita natin, na hindi nagagawa yung tamang trabaho nila.

Q: Dapat po bang may makasuhan na?

Sen. Bam: Matagal na dapat na may makasuhan. Dapat makita natin yung totoong implementation ng batas. Clearly, hindi pwedeng pumasok yan at wala lang. May pagbabago talaga tayong hinahanap na kung hindi ma-address, tuloy-tuloy pa rin ang problema na yan. Kumbaga paran gmay pinupuno kayong timba pero butas naman yung ilalim. Hindi talaga mapupuno iyan. Yung goals sa gyera laban sa droga, hindi talaga yan mafu-fulfill kung yung ports natin ay daanan ng droga sa bansa.

Q: Would you say na in 2 years, failure pa rin?

Sen. Bam: Kung pupunta kayo sa mga communities may time na bumaba talaga. Patuloy naman yung monitoring natin. But if you go around now, especially in the urban poor areas ay sasabihin nila na nadyan nanama yan. Parang hindi naman umalis, baka nag lie low lang. Clearly ito yung Law of Supply and Demand, kung may supply tayo mahirap talagang masugpo ang problema.

Q: Ano po ang dapat gawin para maputol ang supply?

Sen. Bam: Marami po tayong pwedeng baguhin. Hindi talaga dapat na karahasan ang ating ginagamit na pangunahing solution sa problema. It is a public health issue as well. Dapat yung mga rehab centers mas mapalakas natin. Underlying all of this is poverty. Kung gusto nating masugpo ito in the long-run, kailangan nating ma-resolve ang problema ng kahirapan. Kung mas lumalala ang kahirapan mas mahihirapan talaga tayo sa kontra droga. Mas mahihirapan pa tayo kung patuloy ang pagpasok sa mismong ports natin. Talagang may problema tayo dito. Yung war on poverty ay kailangang unahan. Tignan natin ito as a health issue din. Kung walang supply, wala yang mga adik. Kelangang bigyan ng pansin ang supply. From 2016, may 6.4B ngayon 11B. Kung patuloy yan, malaking pagbabago na talaga ang hinihingi ng taumbayan sa issue na to.

Q: Do you think may mga protector din kaya talaga freely nailulusot itong mga shabu shipment na ito?

Sen. Bam: May mga involved talaga diyan sa gobyerno. Pwede bang pumasok iyan kung walang involved on the government side? Di naman yan makakapasok kung puro businessman yan e. Syempre, may kakontsaba yan. Anong nangyari sa mga nabanggit na pangalan? May nakulong ba o nakasuhan? Ang kinasuhan pa yata nila ay yung caretaker. Hindi yan makakapasok sa Customs kung wala silang ka kontsaba sa Customs.

Q: Baka po ba bumaha ng drug money this coming election?

Sen. Bam: Well, alam mo kung butas iyang Customs natin, talagang andiyan lang iyan. There are so many issues na kailangan nang iaddress. Nung nag-aaway pa lang yung BOC saka PDEA, gulong-gulo na tayo dyan. Dalawang ahensya ng gobyerno ang nagtuturuan kung ano talaga ang nangyari. Buti inaamin na rin ng Customs na nalusutan sila. Ang tanong: Ano ang gagawin nating aksyon? Kulang yung sabihin lang na "We'll do better next time." pero di naman natatapos yung problema.

Q: So ngayon po convinced na si Commissioner Lapena na may drugs talaga yung magnetic lifter, ano yung liability niya na nalusutan sila ng ganoong kalaking halaga ng shabu?

Sen. Bam: Si Commissioner Lapena maayos naman na tao iyan, pero kailangan niyang tignan kung bakit hindi niya nagagawa yung trabaho niya. At ano ang gagawin nilang action para maayos itong problemang ito. Ano ang aksyon na gagawin mo ngayon na aminado ka na may nakalusot na droga sa ilalim ng ilong mo?

Q: No need for him to resign?

Sen. Bam: Maybe this is a big enough issue na mag resign siya. Bago siya mag resign, kung magre-resign man siya, maganda siguro pag-usapan muna kung anong magandang solution na hinahanap ng taumbayan. Let's look for the real changes.

Q: Ano na po yung update doon sa proposal niyo na Marawi Siege Compensation?

Sen. Bam: Na-file namin ito nung May pa. Hindi pa tayo naghe-hearing dito pero nagrerequest na tayo sa Committee on finance. Palagay namin isa ito sa pinaka-mahalaga sa rehabilitation sa Marawi. Isa po itong batas na pinapayagan ng gobyerno using government funds to compensate the Marawi residence and Marawi victims in terms in their personal property, specifically yung mga bahay at building na nasira during the siege. Ngayon kasi, ang paraan lang ng pagtulong ay yung DSWD. We are hoping na if this bill is passed, we can start to compensate the Marawi residents in terms of the property that was lost during the seige. Mahalaga ito sa peace effort. We need to show to the Marawi victims that we care about them and they are part of the country. We are hoping that this can be heard and passed especially ngayon na budget time. Ito ay magandang panahon na mapag-usapan ito. The law is needed kasi kailangan ng batas na mapayagan na gamitin ang pera ng gobyerno na maibigay sa ating mga kababayan sa Marawi. Dapat yung pag-rebuild ng mga offices at residential ay sabay-sabay. Lahat aangat at wala maiiwan dito.

Q: What can you say about the delay of rehabilitation of Marawi?

Sen. Bam: Well, to be fair hindi talaga madali ang trabaho. Nangangamba na din sila sa mga delay and we're hoping we can move faster. I hope that we can move together, not just faster. Kailangan yung public and private sector ay sabay na mag rebuild.

Q: Pero yung delay po sa rehabilitation pwede po bang maging basis sa extension ng Martial Law?

Sen. Bam: Well, hindi natin kailangan ng Martial Law para mag-rebuild. Yung nakalagay sa constitution ay there has to be an act of threat. Since it has been liberated already, wala nang actual threat. You don't need martial law to rebuild. Ngayon nag may martial law, delayed pa rin naman yung rehabilitation process. Yung rebuilding ng Marawi hindi lang iyan sa mga residente, pero para sa buong bansa. We need to be able to show that our country can move forward together. Ito ay masamang nangyari sa ating bansa pero kailangan nating ipakita sa ating mga kababayan at sa buong mundo na kaya nating mag rebuild nang sabay-sabay at walang maiiwan.

News Latest News Feed