Press Release
November 21, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview

Q: 'Yung 29 bilateral agreements until now walang nakakapagbigay ng kopya, dapat ba tayong mag-worry na wala pa tayong nakikita na mga dokumento until now?

Sen. Grace Poe: Alam mo 'pag nagkakaroon ng kasunduan, dapat malinaw sa atin bago tayo pumasok diyan. Okay lang namang makipagkasunduan, 'wag lang tayong iisahan. At saka dapat talagang mas makakabuti sa atin. 'Yung nakakapagtaka dito ay 'wag nating kalilimutan rin na nanalo tayo ng arbitration, so 'yung mga kasunduan na 'yan dapat pumapasok tayo diyan sa puntong tayo ang may-ari niyan 'di ba? Ang isa pa, si Secretary Locsin, nag-tweet siya na sinasabi niya, dapat 'yung mga kasunduan na 'yan, tayo ang nagda-draft, hindi lang dapat na tayo ang tatanggap, dapat tayo rin ay tumulong sa pagbalangkas nito.

Q: So ibig sabihin talagang may cause for concern, kasi apparently hindi sa atin ito, basta na lang ibinigay at pinapirmahan?

Poe: Hindi nga natin alam ang detalye. Para sa akin kasi joint exploration pero dapat lamang tayo, dahil atin ang lugar na 'yan. Pangalawa, okay lang namang makipagtulungan, basta talagang tutulungan tayo. Kasi alam mo may mga kasunduan na pinasok o kontrata na pinasok ang gobyerno natin noon--hindi sa administrasyon na ito--kung saan halimbawa, 'yung Dalian train na ipinagmamalaki nilang gumagana na, dapat 'yon 16 trains ang gumagana, ngayon isa pa lang ang gumagana. At hindi lamang 'yon, P3 bilyon ang binayad natin, delayed na 'yan ng apat na taon. So anong klaseng kasunduan 'yan, anong klaseng kontrata 'yan? Nangutang pa tayo para diyan tapos hanggang ngayon hindi natin napapakinabangan ng buo 'di ba? Sana mapakinabangan na pero ginagawa pang testing ang mga tao natin na sumakay diyan dahil hindi pa talaga sigurado kung maayos 'yon o hindi. Kaya 'wag ipagmamayabang halimbawa ng iba na 'o tingnan mo ang kasunduan na 'yan.' Isang train o dalawang train nga lang, apat na taon nating hinintay, overpriced pa.

Q: Dapat magkaroon ng disclosure this early kung anuman 'yon; 'yung Senado ba hihingi ng ganito? Full reporting mula sa concerned agencies?

Poe: Dapat lang, obligasyon nila 'yun na maging malinaw para sa taumbayan at sa ibang mga ahensya ng gobyerno kung ano ba ang pinasok nila. Tandaan natin ang sinabi ng ating Pangulo na ang ehekutibo o ang executive dapat mayroon silang freedom of information na ipinapakita sa ating mga kababayan.

Q: Reaction niyo po doon sa remark ni Spokesperson Panelo na useless ang arbitral ruling?

Poe: Useless kung hindi gagamitin, useless kung hindi natin gagalangin. Kaya nga bakit niya sinasabi 'yon, dapat nga 'yun ang ginagamit natin para nakakalamang tayo. Ang malungkot 'non, kung tayo mismo hindi natin kikilalanin 'yon.

News Latest News Feed