Press Release
November 21, 2018

Transcript of Ambush Interview of Senate President Vicente C. Sotto III

On Senate President Sotto's meeting with Chinese President Xi Jinping

SP Sotto: Basically ang pinagusapan talaga was the inter-parliamentary relations of the National People's Congress and the Congress of the Philippines, the Senate and the House of representatives. More or less nandudoon, yung international cooperation and inter-parliamentary, hindi lang mga friendly or socials, kundi baka magkakatulungan as far as legal issues are concerned, or laws are concerned. What struck me really well was when President Xi Jinping was speaking, sabi niya, sana daw itong South China Sea o West Philippine Sea ay maging sea of peace and friendship. Very striking sa akin ang pagkakasabi niya noon. Ibig sabihin talagang wala silang intensiyon na magpakita o magsalita ng hindi maganda tungkol sa relationship sa atin dito at saka sa mga issues in the West Philippine Sea.

Q: What exactly about the West Philippine Sea ang napagusapan ninyo? Yung joint exploration po ba napagusapan?

SP Sotto: Nabanggit niya yun, that there are already talks about joint exploration. Sinabi nga niya na yung dagat na iyon ay dapat maging dagat ng pagkakaibigan at hindi ng animosity at ano pa man. As a matter of fact ang ibig sabihin niyon, dapat wala tayong restrictions sa isa't-isa, parang ganun.

Q: Magiging mas limitado sa Pilipinas yung access sa West Philippine Sea?

SP Sotto: Hindi. Ibig sabihin mas accessible nga tayo. Accessible sa atin.

Q: Tayo lang o sa ibang bansa?

SP Sotto: Oo. Wala siyang binanggit na ganun so I dare not interpret other than what he has mentioned.

Q: How did you understand yung binanggit ni President Xi na maritime mechanism?

SP Sotto: Maritime mechanism? Siguro yung mga levels of cooperation. The levels of cooperation, perhaps that is what he means.

Q: What do you think about the joint exploration? Do you think it is a good solution?

SP Sotto: MOU pa lang yung pinagusapan nila. I am privy to, I just cannot disclose where and how, but I am privy to a proposal that was agreed upon by the President and that there are already talks with China. More or less it seems to be very positive, ang response na kung magkakaroon tayo ng joint exploration, 60-40. Sixty ang Philippines, forty sa China, yun yung proposal. Mukha namang acceptable.

Q: Yan ba yung pinirmahan po o hindi pa?

SP Sotto: Hindi ko nakikita yung pinirmahan pero wala pa siguro, MOU pa lang yun. Wala pang details yun. Siguro bago natin balasahin yung MOU, tingnan muna natin kung ano yung laman. Baka hindi pa natin nakikita kung ano yung laman.

Q: Sa 60-40, the assumption is nasa Philippines yun?

SP Sotto: Yes, atin yun. Lamang tayo.

Q: Ibig sabihin, nirerecognize niya somehow yung ownership natin?

SP Sotto: Yes. Kung yun ang magiging kasunduan, obvious na nirerecognize tayo.

Q: Respetado yung UN arbitral ruling?

SP Sotto: Yes without necessarily having to say so.

Q: What would you know ang response ng China about the 60-40?

SP Sotto: Ang alam ko yung mga dating usapan nila parang katanggap-tanggap. Meron lang mechanism na kung papaano gagawin.

Q: Would you know kung nabanggit ito sa pagbisita ni President Xi Jinping?

SP Sotto: Hindi ko alam.

Q: Paano po ninyo sasagutin yung mga sinasabi ng mga tao na binebenta na daw yung Pilipinas sa China by agreeing to this joint exploration?

SP Sotto: Mahirap naman sana kaagad silang nagsasalita na hindi naman nila alam kung ano ang laman ng MOU at saka hindi nila alam kung ano yung napaguusapan. Katulad nung nalaman namin na original na mga proposals, 60-40, papaanong binenta? Lahat ng foreign investments dito sa bansa natin, 60-40. Dapat 60 percent ang ownership ng Pilipino, so paanong naging binenta? Kaya siguro, huwag tayong padalos-dalos, huwag tayong nakabintang agad ng hindi natin alam kung ano ang talagang tunay na nilalaman. Dyan nagkakaroon ng problema ang bansa natin. Hindi pa natin alam kung ano ang totoo, tira tayo ng tira.

Q: The Senate President Pro-Tempore earlier said that he would want to call for a review by the Senate of all these deals, after all, Congress will (unclear) for the loans?

SP Sotto: That's possible. Kaya siguradong magiging transparent lahat nito.

Q: Is it safe to say that the Senate will review all the loans?

SP Sotto: If necessary.

Q: As far as you are concerned, walang danger yung joint exploration as far as you see it?

SP Sotto: Wala siguro. As a matter of fact, it is about time sapagkat hindi naman natin kaya on our own pero napakatagal ng panahon niyang yung kabuuan ng Asia, bakit lahat ng mga kapitbahay nating mga bansa, ay merong langis? Imposible namang magbato ang Panginoong Diyos ng langis sa Asia, Pilipinas lang ang iniwasan. Impossible, kaya tiyak na meron. Ngayon ang problema, hindi natin kayang mag-isa.

Q: Kailan yung target na start ng undertaking ng joint exploration?

SP Sotto: As soon as possible.

Q: Will that happen next year?

SP Sotto: Hopefully. I am keeping my fingers crossed kasi that's the only way na solved na ang problema natin sa langis, sa petrolyo, at ang ekonomiya natin, siguradong boom. And it's about time that we did this, napakatagal ng panahon na dapat pinag-isipang gawin yan ng mga dating gobyerno.

Q: Ibig sabihin pagtiwalaan natin ang Malacañang dito?

SP Sotto: Oo. Wala tayong nakikitang masama, ika nga ay huwag tayong nagbibintang na binenta.

Q: Paano kung huli na?

SP Sotto: Eh di withdraw. Napakadali. Para ding yung sinasabi nila na parang yung BOL dati, sabi nila, papaano pag naging masama? Eh di repeal. Napakadali. Mahirap pumasok, medaling umalis.

Q: Hindi tayo maaaburido doon? SP Sotto: Hindi naman tayo papasok ng Memorandum kung alanganin o tagilid tayo.

Q: Do you see the need to review the MOU?

SP Sotto: Kung MOU pa lang yun, hindi naman siguro kailangan unless gusto nila. Unless merong may gusto. Wala namang problema kung ireview natin.

Q: Pero hindi ninyo haharangin yung gusto ng ilang minority na magkaroon ng thorough review on the bilateral agreement?

SP Sotto: Huwag naman haharangin. Mabuti nga yun, para malinawan. I don't see any problem, as long as hindi tayo nangbabara. As long as hindi tayo kaya natin ginagawa ay para lang mapigil yung kung ano mang mga project ang gagawin ng administrasyon. Dito sa issue na ito, dapat, sa Senado, neutral tayo dito. Kung ano ang mabuti para sa bansa, doon tayo.

News Latest News Feed