Press Release
November 26, 2018

Transcript of Sen. Grace Poe's Ambush Interview
Labor committee hearing on illegal foreign workers in the Philippines

Q: Saan nagkukulang 'yung parang hinahayaang makapasok as tourists, ang nangyayari nagiging empleyado sila dito?

Sen. Grace Poe: Ito ang malinaw...maraming mga Pilipino ang sa tingin ko nawawalan ng trabaho dahil napapayagan ito. Ano ang ibig sabihin nito? Sinabi namin sa DOLE at sa Bureau of Immigration, 'wag silang magi-issue ng extension kung ang pagpasok dito ay turista. Obviously niloloko lang tayo, sabi nila turista sila 'yun pala may balak naman pala sila ditong magtrabaho. Sa umpisa pa lang dapat tinitigil na natin 'yon, kung turista ka tapos humingi ka ng work permit para mag-extend, wag na nating payagan 'yon. At marami sa kanila wala talagang lehitimong work permit pagpasok dito.

Q: May highly technical skill daw sila kaya sila ine-employ?

Poe: 'Yun nga ang sinasabi pero malabo, tinatanong natin sa DOLE ano ba talaga ang highly technical skills, ang sinasabi nila supervisorial, ang nakikita naman natin hindi naman supervisor lahat 'yan. Marami diyan sa construction nagtatrabaho. Nakakabahala lang kasi, alam mo kung nakadepende ang ating ekonomiya, sa kanila halimbawa sila ang nagrerenta ng condo, sila ang kinukuha ng ibang mga BPO, 'pag sabay-sabay umalis 'yan at ginamit 'yan ng ibang bansa para tayo ay i-hostage sa ibang bagay ay baka bumagsak din ang ekonomiya natin. Hindi natin dapat payagan 'yan. Kailangang maging istrikto ang ating immigration at suriing mabuti ang mga pumapasok dito. Dapat pigilin ng DOLE ang bilang ng mga banyaga na nagtatrabaho dito para mabigyan ng prayoridad ang ating mga mangagawa.

Q: Primarily, Department of Labor at Immigration ang may dapat ayusin sa mga policy?

Poe: Oo, pati nga ang DFA dapat din makialam na para makita nila kung ano ang nangyayari kasi alam mo mayroon ding napabalita na gumagamit ng Philippine passport na mga ibang nationalities. So gumagamit ng Philippine passport para pumasok dito, paano natin--alam mo naman magkakamukha din naman tayo 'di ba so kailangang pag-ingatan.

Q: Walang kaugnayan 'yung pagiging friendly ng administration sa China 'yung influx?

Poe: Alam mo may kanya-kanya talagang interes, bakit nagkakaroon ng ganyan? Halimbawa 'yung mga taga-ibang bansa na pumupunta dito, mas marami talaga sa kanila turista, pero itong nagiging mas malaki nating concern dahil halos marami na ngayon--parang napaka-obvious na, makikita mo na talaga sila 'di ba? Ibig sabihin napakarami...

(Note: May 115,000 workers ang may Alien Employment Permits; 50 percent dito ay Chinese. Bukod pa dito, may 119,000 na binigyan ng special working permit, karamihan ay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs). Wala pa dito 'yung undocumented.)

Q: Kung kayo 'yung nakikita ninyo kanina, maraming nakakalusot, contrary doon sa report ng BI?

Poe: Marami talagang nakakalusot, kasi 'yun nga e kung ang tourist visas na in-issue nila ay higit isang milyon na tourist visas, tapos ang work permits na binigay nila let's say 100,000 lang, pero ang katotohanan na nandito ay 500,000 na. Masasabi natin na 400,000 ay wala talagang tamang papeles o karapatan na nandito sila. Basta 'yun nga ang sinasabi ko, 'yung data talaga, maraming pumapasok dito na tourist kunwari pero ang totoo namamalagi na sila dito para magtrabaho so delikado.

Q: Puwede pa ba silang paalisin? Puwedeng magkaroon ng crackdown?

Poe: Kailangan magkakaroon talaga ng crackdown, sinabi na ng committee na proactively si Senator Joel at siguro ang iba sa amin makikitulong na puntahan itong mga sites na ito at hingian sila ng work permit. Kasi national security issue rin 'yan. Kung hindi natin alam kung sino ang mga naririto paano natin babantayan ang ating kapaligiran.

Q: Halimbawa, sa loob mismo ng mga agency dapat po ba magkaroon ng consideration in investigation 'yung mga agency sa loob nila mismo dahil possibily nama-manipulate din 'yung entry of tourists.

Poe: Definitely kailangan. Bakit sila nalulusutan, bakit nalusutan ang embahada natin sa ibang bansa para magkaroon ng fake passport na Philippine passport ang ibang nationals 'di ba? So dapat talaga ay imbestigahan nila ang kanilang sarili rin at sabi nga ni Senator Joel, ang iba't ibang secretaries ng iba't ibang departamento, Labor, Immigration, DFA, ay magusap-usap--pati PAGCOR na rin--kasi ang PAGCOR ang nag-i-issue ng mga special licenses para sa mga POGOs 'di ba? Pero hindi nila alam kung sino talaga doon sa mga POGO na 'yon--ilan ang kanilang total number of employees dito sa ating bansa.

Q: Mayroon na ba kayong nakikita na liability of the government agencies, siguro negligence on their part?

Poe: Siguro naman hindi dadami ng ganyan kung hindi sila naging pabaya rin. Or puwede ring natututo sila ngayon at naghahabol. Gusto ko na lang isipin na siguro kailangan 'wag tayong maisahan, pag-aralan natin ang ginagawa nila kaya sila nakakalusot.

Q: Paano kung empty promise lang 'yon? Yung sinabi ng DOLE that they will inspect?

Poe: Ang puwede kasing gawin, puwedeng sinasabi lang nila dito, but ako mismo ay interesado na puntahan ang mga ibang lugar na 'yan at tingnan talaga kung mayroon silang work permit. Kausapin ang mga may-ari, surprise visit, 'di ba sa ibang ganyan yan yung mga immigration pupunta na lang 'yan sa isang restaurant o sa pabrika para tingnan. We don't want to disrespect the rights of visitors in our country or our countrymen pero 'pag mayroong threat, lalo na ito, puwedeng maging national security threat din, ay kailangang puntahan natin.

Q: Is it the Senate or DOLE who will do the surprise inspection?

Poe: We can join DOLE so that we can make sure also that DOLE is doing its job.

Q: For example, investor man sila, wala silang authority to buy property?

Poe: Wala, definitely, kaya ang nangyayari diyan, marami siguro dito mga condominiums ay nirerentahan lamang. Pero 'pag nirentahan nila, floor by floor. So alam natin talagang malaking merkado 'yan. Ngayon kung may bumibili man, ang suspetsa natin ang mga bumibili ay may-ari nitong POGOs na 'to, mga lisensya para diyan o kaya may-ari ng mga construction firms na Pilipino. Dahil kung ito'y matutuklasan na binibili ng isang banyaga, iligal 'yun dahil hindi sila puwede mag may-ari ng lupa dito sa ating bansa.

Q: Senator, nagmamahal rin po ang rent because of the Chinese, so ano po ang action?

Poe: Oo nga kasi nagkakaroon ng superficial market conditions, ibig sabihin nakadepende sa iisang partikular na grupo dahil sa dami nila; nakakabili sila ng floor by floor, natural nagmamahal, may demand dito. Ang nangyayari, ang ating mga kababayan, na ang kinikita ay sapat lamang, hindi nakakapag kumpetensiya dahil tumataas ang value ng lupa at ng presyo ng mga condominiums at presyo ng mga renta dahil sa kanila. Pero nakakatakot rin ito dahil kung sabay sabay silang nawala ay malulugi rin mismo ang mga may-ari nitong pasilidad nito.

ON ANG PROBINSYANO

Q: Ma'am kanina parang nag-guest si Coco Martin sa flag raising sa PNP...

Poe: Alam mo, ang importante ay nag-uusap. Ang importante ay hindi mamimilit ang kahit anong institusyon ng gobyerno na diktahan ang malayang pananalita at malayang paglikha. So maganda na may cooperation na ang PNP at Ang Probinsyano. Ang masasabi ko lamang huwag nating isusuko ang ating kalayaan na maghayag lalong lalo na may kabuuan ang istorya. Ang istorya naman ay may redeeming social value; hindi mo naman sasabihin na kunyari itong linggo na ito masama ang naging tema ukol sa isang institution na, hindi naman 'yan magbabago. Natural, parang tunay na buhay lang 'yan, minsan mabuti, minsan sumasama di'ba. So let's be patient with the whole story.

...

Q: Ma'am mayroon sabi nila konting...lang daw ng PNP bumibigay na agad 'yung ibang sector na on the freedom of speech, parang nagalit lang ng konti ang PNP, magbabago na ang tema?

Poe: Ay hindi. Alam niyo, bago pa nangyari ito, siyempre alam niyo alam ko ito dahil base rin ito sa pelikula ni Fernando Poe Jr.; bago ka gumawa ng teleserye, mayroon ka ng umpisa, gitna at pagtatapos. Kung in-extend man 'yan, kailangan ang istorya mo ay buo na rin kahit papaano. Nagkataon lahat itong nangyari pero mayroon naman talagang pagbabago, hindi binago dahil lamang diniktahan. At kami mismo na nagbibigay ng lisensya para diyan, hindi rin ako papayag dahil ayoko baguhin ang isang istorya para lamang may mga matuwa na nasa puwesto.

Q: So ibig sabihin magkakaroon pa rin siya ng positive outcomein the end, kailangan lang talaga...

Poe: Alam mo talagang palagi naman ganoon di'ba? Ang tema rin ng ginagawa natin ay mananaig din ang katotohanan, mauubos ang mga bandido, nahuhuli rin sila kaya nga sinasabi ko nagpapabugbog muna, babangon, malalagpasan din ito ni Cardo.

Q: You don't see it Ma'am as a pressure 'yung ginawa ng PNP na ipapahiram namin sa inyo ang mga uniporme, mga sasakyan pero bigyan niyo naman ng magandang image ang pulis'?

Poe: Hindi. Nakikiusap sila na bigyan ng magandang image; 'yun nga ang sinasabi namin from the beginning, maganda nga ang image na binibigay sa kanila dahil nga sa karakter ni Cardo, ang daming mga bata gusto maging pulis.

Q: Ma'am hindi niyo po nakikita 'yun as pressure 'yung attitude ng PNP?

Poe: Hindi...of course there's like some sort of pressure. Let's be realistic, it will be much easier for the producers to have the cooperation of the agency they're trying to portray. Siyempre nga naman, kung bibili ka pa ng sarili mong sasakyan at gagawin mong PNP, ang hirap naman 'nun; mabuti nga pinapahiram nila. Ngayon, the pressure that came to this is probably the producers have to tell them their long-term plans, but I'm glad. Ganito na lang, ayaw natin ng away kasi mabuti nang may pag-uusap kasi kahit papaano naman nag-effort na rin ang PNP na intindihin rin ang sitwasyon ng mga artista.

News Latest News Feed