Press Release
November 27, 2018

Sen. Bam on MO 32, China deals and Duterte's statement vs religious leaders
(Transcript of Sen. Bam's media interview)

Q: Pinirmahan ni Pangulong Duterte iyong executive order na mag-deploy ng sundalo sa Negros, Samar at Bicol. Anong reaksiyon natin dito?

Sen. Bam: Unang-una, ang pag-check kung mayroon nga ba talagang lawless violence sa mga lugar na iyan, kailangan nating makita. Hindi basta-basta ang pagde-deploy ng military sa iba't ibang lugar. Gaya nang dati, ang boto ko sa martial law na dapat itigil na ito, kasi iyong pagde-deploy usually may active violence na nangyayayari. Mahalagang ma-check kung ano ang nangyayari sa lugar na iyon. To be frank, ang alam namin e mapayapa naman sa mga lugar. Hinihintay namin ang pahayag ng AFP sa amin sa Senado.

Q: Regarding sa alliance with China, ano ang masasabi niyo rito?

Sen. Bam: Unang-una, napakahirap magkaroon ng alliance sa isang bansa na mayroon talagang infraction sa atin. Iyong teritoryo ng ating bansa, kinuha nila. Nanalo naman tayo sa international court. Hindi ba nararapat lang, ipagdiinan natin ang sariling atin. Nakita natin mula sa publiko, iyong mga survery 84 percent ng kapwa Pilipino natin hindi natutuwa, na parang kulang ang ginagawa ng ating gobyerno pagdating sa pakikitungo sa China. We need to be clear, ano nga ba talaga dito ang posisyon natin pagdating sa disputed territories, itong mga deals natin sa kanila economically, ito ba'y transparent at pabor ba talaga sa mga Pilipino o hindi.

Kumbaga, parang mayroon kang relasyon sa isang spouse na may nangyari nang masama sa inyo. Baka sasabihin ng iba, kalimutan mo na lang ang nangyari sa inyo, tuloy niyo na lang ang relationship ninyo. Pero alam niyo naman sa mag-asawa, mahirap kalimutan kung may masamang nangyari in the past. Kailangang i-address muna ito. I think many Filipinos feel na itong current relationship natin sa China, hindi talaga siya pabor sa ating bansa at kailangang mas maging matapang tayo sa pakikitungo natin sa China.

Q: Ano ang masasabi niyo sa sinabi ni Chief Justice Carpio na constitutional....

Sen. Bam: Itong exploration, kailangang tingnan muna ang memorandum of understanding pero sa pagkakaalam ko, kung mayroon mang deals with other countries, usually dinadaan iyan sa isang treaty, hindi lang sa isang MOU. Titingnan naming sa Senado kung nararapat ba na daanin sa treaty sa China at hindi lang sa memorandum na executive lang ang gumagawa. Sa ating constitution, kapag mayroon tayong pakikitungo sa ibang bansa, usually treaty po iyan at kasama ang Senado sa pag-decide sa mga dealings na iyan. The MOU itself, I think experts have spoken about it. Pero ang mas mahalaga siguro, habang patuloy ang ating pakikitungo sa China, dapat mas maging malinaw ito at alamin natin kung ito ba talaga'y pabor sa atin o hindi. Marami nang kuwento na kung saan iyong mga trabaho ng mga Pilipino, kinukuha ng Chinese workers. Iyong mangingisda natin, pinapaalis mismo sa ating sariling teritoryo. Iyong media pinapaalis ng mga Chinese. Ito teritoryo natin ito. Personally, gusto ko sana mas tapangan naman natin iyong mga sarili natin sa pakikitungo sa China. After all, nanalo naman tayo sa international case na isinantabi lang. Gaya ng marami sa kababayan natin, hindi tayo natutuwa sa kasalukuyang pakikitungo sa China.

Kailangang mas transparent, kailangang mas klaro kung paano ito pabor sa ating bayan. Ngayon kasi, ang pananaw ng maraming tao pabor ito sa China. Paano ito naging pabor sa mga Pilipino. Iyon siguro ang dapat mas linawin ng administrasyon.

Q: Senador, nagkaroon ng pagbagsak ng ekonomiya natin at hanggang ngayon hindi pa tayo nakakabawi. Ano ang nasa saloobin ng Senado hinggil sa pagbagsak ng ekonomiya natin?

Sen. Bam: Iyong kailangan nating unahin, iyong mga isyung pang-ekonomiya ng ating bansa. Iyong pang-araw-araw na buhay ng ating mga kababayan. Iyong presyo ng bigas, iyong presyo ng bilihin, iyong kakayahan natin bayaran ang edukasyon ng ating mga anak. Ito ang pangunahing kailangan tingnan natin, mga bagay-bagay na economic in nature. Ito dapat ang focus. Kaya nag-file tayo ng pagbaba ng buwis pagdating sa petrolyo. Nandiyan na ho ang pagsuporta sa ating mga magsasaka. Kahit may parating na tarrification, kailangang tuluy-tuloy ang suporta natin sa ating mga magsasaka. Itong ating marginalized sectors, iyong senior citizens, iyong PWDs, kailangang sapat ang ating tulong sa kanila. Ito iyong mga pangunahing hinahanap ng ating mga kababayan, ito dapat ang binibigyan natin ng pansin. Ito dapat iyong focus ng gobyerno at ng Senado.

Q: Dahil sa mga pahayag ng Pangulo, kailangan ba mabahala ang mga Katoliko at Kristiyano?

Sen. Bam: Ako kasi, kung mahal mo talaga ang Diyos, ipaglalaban mo siya. Ang pagiging Katoliko, ang pagiging Kristiyano, hindi naman iyan madaling bagay. Kapag talagang mahal mo ang bayan mo, kung mahal mo ang pamilya mo, mahal mo ang Diyos mo, ipaglalaban mo. I think it's a wake-up call also for all the Christians, kailangan sigurong panahon nang magsalita sila. Kung may nakikita silang hindi maganda, dapat handa nilang ipaglaban iyong kanilang pananampalataya.

News Latest News Feed