Press Release
November 27, 2018

TRANSCRIPT OF SEN. GRACE POE'S AMBUSH INTERVIEW
After 3rd Telco Hearing
Nov. 27, 2018

Q: Are you convinced na maayos ang naging selection process after hearing 'yung mga natalong bidders?

Sen. Grace Poe: Sa tingin ko naman na maganda naman ang intensyon nila. Pero may mga ibang kuwestyon pa rin kasi di ba sabi nila 'yun ang pinakamaganda na offer sa atin na option, pero hindi na nga nila nabuksan 'yung second envelope ng iba so paano natin malalaman that we are actually getting the most realistic and effective option? Ang gusto ko lang klaruhin nila ay ito, siguro 'yung national security concern natin na mayroong foreign partner kasi itong Mislatel na masisiguro 'yung ating kaligtasan din pagdating sa mga impormasyon ng ating mga kababayan ay hindi makokompromiso.

Q: Were you satisfied with the explanation kanina insofar as the cyber security is concerned?

Poe: No, not really. That's why--tandaan natin, nanalo na ng bid ang Mislatel pero mayroon pang 90 days evaluation period so within the 90 days, sinabi ni General Esperon na pag-aaralan nilang mabuti din 'yung security implications kung mayroon man dito. Hindi pa rin buo, gusto nating magtagumpay kung sino man. Akalain mo pinapangako nila na aabot tayo ng 55 mbps ang speed, sino ba ang hindi matutuwa doon. Ngayon kasi ang maximum ay 10 lang. So kung talagang 55 mbps bibilis ang internet natin. Ang tanong, talaga bang magagawa nila at pangalawa, 'pag sinabi nila--kailangan 37 percent na ng underserved area ang mabibigyan within the first year kailangan doon naman din sa mga lugar, hindi lang sa Metro Manila, 'yung mga walang signal talaga.

Q: Is it justification na sinasabi nila 'yung Globe at Smart, 90 percent naman daw Chinese equipment naman daw ang ginagamit so it's no difference po itong Mislatel.

Poe: 'Yun nga ang sinasabi natin, hindi naman porke't ganun 'yung isa ay dahilan 'yun para payagan na hindi na natin susuriin itong isa. Totoo naman na 'yung mga equipment natin, kahit ano naman talagang gawa sa ibang bansa pero iba rin siyempre 'yung mismong korporasyon ang pagmamay-ari ay taga-ibang bansa 'di ba? Ownership ito, hindi lang naman equipment.

Q: Nakadagdag ba sa concern na it's China specifically as opposed to any other foreign country?

Poe: We always have to be cautious with whoever composes ownership of our public utilities. Is it China more? I mean there's no denying of course there are questions raised about their interests in our country so we also have to protect ourselves.

Q: 'Yung mga pinangakong mga telco services, paano kung hindi sila maka-deliver...

Poe: 'Yun na nga, kapag hindi sila naka-deliver 'yung bond nila na ilang bilyon...P25 billion ang kanilang bond, ay mawawala sa kanila. So, para sa kanila it's in their best interest na galingan nila ang serbisyo nila, kasi kung hindi ang ibabayad nila na ilang bilyon ay mapupunta na lang sa gobyerno.

Q: Ma'am if you're not convinced with Mislatel in the succeeding hearings, what can the Senate do? Can we stop the awarding?

Poe: Ayoko sana ma-delay kasi gusto nga natin mas magandang serbisyo pero may mga rekomendasyon din kaming gagawin pero ang Korte lamang ang puwedeng magpapigil sa kanila. Pero kung mayroon kaming nakikitang violation sa national security, hindi rin naman kami tatahimik 'di ba? Ibigay natin 'yan sa court.

Q: Ma'am doon sa inyong opening statement, sinabi ninyo na there is a 'mysterious entity' doon sa selection.

Poe: Ah yeah, 'yung mysterious nga doon 'yung parang, technical 'to, kasi 'di ba may nakalagay doon 10 years experience regional or national, tapos 'yun pala ang regional only applies to the foreign entity pero dito kailangan national ang experience ng Filipino partners; so parang doon pa lang, parang nagkaroon ng tanong. Tapos 'yun palang Mislatel ay may question pa sa kanilang franchise, parang hindi sila operational like the first year they were granted the franchise plus wala silang stock offering. 'Yun ang requirement para ikaw ay maging isang legitimate franchise kaya pag 'yan ang kinuwestiyon sa Korte may basehan talaga, baka mamaya ma-delay na naman, nakakainis ng ma-delay.

Q: Although sabi ng NTC, DICT in case na umabot sa Korte ang pagrereklamo, idi-disqualify nila, magco-conduct ng panibagong bidding (inaudible) so matatagalan, just in case.

Poe: Ayaw natin matagalan, kailangan na nga natin ng serbisyo kaya ang apela ko lang sa mga agencies, ang NTC naman sa tingin ko mayroon naman silang good intention pero siguro bago lang tanggapin ang ibang kumpanya, tingnan ang background. Ang unang-una diyan, mayroon ba kayon legitimate franchise, madali naman i-check 'yan kung compliant sila o hindi. Check nila ang SEC, check nila ang NTC.

Q: Kahapon may sinabi si Pangulo, sabi niya huwag na kayo magsimba mga Katoliko, kino-corrupt lang ng church ang pera niyo, patayo na lang kayo ng altar sa bahay niyo (inaudible)

Poe: Nasa tao naman 'yun. Hindi naman porke't sinabi ng ano, paniniwala mo 'yan (so bakit ka mag-), wala namang masama 'dun sa ginagawa mo, e di ipagpatuloy mo, 'yun ang paniniwala mo, kahit na sino pa nagsabi 'di ba.

News Latest News Feed