Press Release
January 16, 2019

P3 ANG PAPATAY SA 5-6

Ang Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbabala ukol sa mga tao or grupong kasalukuyang kasangkot sa "5-6". Hinikayat nya na sugpuin ang ganitong kalakaran at ito'y tuluyang puksain upang matigil ang patuloy na pagpapahirap sa mga Pilipino.

Sumasangayon dito si Senador Aquilino "Koko" Pimentel III, Chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship. Sa katunayan kasulukuyang nyang isinusulong sa Senado ang solusyon sa problemang ito, ang Pondo sa Pagbabago at Pag-Asensenso o P3 Act.

Ani nya "Yung 5-6 money lenders, charge at least 20% monthly interest, way higher than the rates of banks and other credit institutions. Kumakagat ang maliit na negosyante dahil wala syang mapuntahang magpapautang na walang masyadong requirements na papeles at collateral. Sa P3, tiyak na mas mura ang interes sa SB Corp. P3 ang papatay sa 5-6"

Paliwanag pa ni Senador Koko, humigit kumulang na 89% ng mga nag-nenegosyo ay micro-enterprises o mga negosyong may maliliit na kapital. Sila ang pinaka madalas na biktima ng ganitong kalakaran. Sa pamamagitan ng P3 Act, ang mga kwalipikadong micro-enterprises ay makakahiram ng pondo mula limang libong piso (PhP 5,000) hanggang dalawang daang libong piso (Php 200,000) mula sa Small Business Corporation (SBCorp) sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI). Sa ilalim ng iminumungkahing batas, hindi kailangan ng panggarantiya (collateral) para maka-hiram ng pondo at ang interes nito ay hindi hihigit sa 2.5% kada buwan.

Pinaniniwalaang ito ang tunay na makakatulong sa pag-ahon ng mamayang Pilipino sa kahirapan at sa tuluyang pag-sugpo sa kalakaran ng mga grupong kasangkot sa 5-6.

News Latest News Feed