Press Release
January 22, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III

On lowering the age of criminal liability to 9 years of age

Q: Just to clear, you are pushing for 12 years old but ayaw ninyo ng 9 years old din po?

SP Sotto: I can understand the position of the House. They are probably basing it in the international standards sapagkat may mga bansa na 7 years old, may 8, merong 11, merong 12. As a matter of fact yung United Nations Rights of the Child, 12 years old ang sinasabi. Tayo lang ang popish that the Pope, napakataas ng atin kaya naman makikita mo yung statistics, 887 rape cases in 2017; 862 rape cases in 2018, all involving minors. Ang tanong, nasaan ngayon? Kawawa yung mga biktima, kawawa yung mga magulang nung mga biktima. Pagka-below 15 years old, wala tayong magawa, so we really have to not only tweak but update the law. Yung RA 9344 at saka RA 10630. Now, the age is debatable, yun ang pinaka madali sa lahat, hindi pinoproblema yan. The issue is to lower it, di ba? Bakit? Eh kasi nga Napakaraming crimes na nacocommit ng 13, 14, 15 years old, at maliwanag na may discernment yung mga kasong ito.

Ngayon, doon sa age na sinasabi, ako, ang finile ko, 12 because even the mention of this discernment in the Bible is 12. Sa United Nations, 12. Nung araw, tayo, 9, pagpalagay na natin na kailangan ng iupdate, wag naman 15 o 17 nung una na naging 15, wag naman. Sa tingin ko yung 12 would be a good number or a good figure.

Q: Sa hearing kanina lumabas na parang immature pa raw, until 23 years old. Fourteen to 16 daw nagsisimula ang maturity?

SP Sotto: Hindi pupwede puro theoretical, puro science, puro theoretical yan, hindi actual. Ano ang gusto nila ngayon, sa 23 and below walang criminal responsibility? Payag sila? Below 22 years old, walang criminal responsibility dahil hindi pa matured? Ganun ba ang takbo ng kaisipan nila? Hindi pupwede yung theoretical. Let's put our foot on the ground. Ano yang nangyayari sa Pilipinas?

Q: Yung point nung experts kanina, ang kulang talaga, yung implementation, yung funding sa Bahay Pagasa...

SP Sotto: Magandang tinanong mo yan, kasi mali sila ng tumbok, mali ang focus. Bakit? Mali pa rin yung batas. Why? Naatasan ng batas yung local government units. Palibhasa hindi siguro nag-local executive officials yung nag-akda nung batas na yun nung una, hindi nila naiisip na hindi gagawin ng mga mayor yun. Hindi basta gagawin sa LGU yun, dapat national. That's what we are going to do in this bill. Gagawin nating national pati funding. Siguradong gagawin, Eh yung ngayon, LGU. What do they expect sa implementation? Tama yung nakikita natin, 30 percent. Thirty percent ang meron. Bahay Pagasa sa probinsiya, Bahay Pagasa sa highly urbanized cities, ilan? Thirty percent. In other words, yung focus nung sinasabi nila, mali ang implementasyon, mali yung batas. Hindi lang implementasyon, gawin mong national yan para may funding, Congress ang magfu-fund, di ba? Gagawin ngayon yan.

Q: Under DILG?

SP Sotto: Pwedeng DSWD-DILG-DOH, yan ang combination at saka alisin na nila sa isipang nila na yung mga bata ay ikukulong, sasama sa mga hardened criminals, isasama sa mga common criminals, hindi ganun. Wag nilang ipilit yun, yung mga kumokontrang epal, mali sila, hindi mangyayari yun. Sinabi ngang Bahay Pagasa, parang mas modern type of Boy's Town or Girl's Town, ganun ang dapat, which is happening in some areas, but very few because the old law says it's the LGU. Hindi mangyayari yun. Dati akong vice-mayor, alam ko ano ang takbo ng utak ng local officials.

Q: What if you lower the age of criminal responsibility, habang dumadami yung maaarrest, hindi pa rin ready yung facilities?

SP Sotto: That was a question I heard over the radio, and the fellow you asked did not know how to answer. The answer is gumawa ng temporary shelter. Why, ineexpect na ang isasagot namin, ilagay sa city jail?

Q: Yun kasi ang concern nila?

SP Sotto: No. Sinabi ko na nga, hindi mangyayari yun. Hindi mangyayari yun because yun ang hindi natin gagawin. Kayang-kaya gumawa ng mga temporary shelter. Pinakukuha ko nga ang stats nung ano ang nangyayari, kung may nakasuhan doon sa mga sinabi ko. As a matter of fact if you want, bigyan ko kayo ng figures. Kumpleto, lahat ng krimen na ginawa ng minors, children in conflict with the law. Kasi, yung iba sa amin, hindi nakatikim ng sila ay pinerhuwisyo, or mga kamaganak nila ay pinerhuwisyo ng mga menor de edad na hindi makakasuhan, kaya ganun ang thinking. Subukan mo. Subukan mong pakausap sa kanila ang mga naaaping mga magulang, mga narape na mga 13 years old na bata, nirape ng 13 years old din, ng 12 years old. Tingnan natin kung ano ang isasagot nila.

Q: Kayo po ang direction ninyo 12 talaga?

SP Sotto: Oo, twelve. Okay na yun, maganda nang figure yun para magkasundo kami.

Q: Can you clarify na yung ginagawa ninyo hindi ito in response sa sinasabi ng Palasyo na parang in-response ito sa drug syndicates?

SP Sotto: That's the least of our worries. Bakit? Yung bata na inutusang magdeliver, ano ang kasalanan nun? I am not worried about that, wala yun. Sabi ng iba, go after the drug syndicates, go after the big syndicates, hindi yun ang hinahabol ko. Ang hinahabol ko, go after who committed the crime. Like for example, crime ba yung sinasabing nagdedeliver yung bata? Hahabulin yung drug syndicate? Crime yung pumatay. Kitang-kita ninyo sa TV yung isang bata na pumatay, di ba? Nasa CCTV yung pinatay niya. Sino ang hahabulin natin doon? Kung we go after the drug syndicates, we go after the syndicates ng krimen, hindi yun ang hinahabol ko, ang layo nun. As a matter of fact, kung gusto nila, wag na. Yun na lang talaga ang habulin natin. Pag ang bata nahuling nagdedeliver, wag nating kasuhan. Ang kasuhan yung drug syndicate, walang problema yun. That's not the problem, that's the least of our worries. The worry is are the crimes committed like homicide, murder, rape, robbery, theft? Yun ang kaso, hindi courier.

Q: Sa statistics ninyo, ano yung crime na pinakamaraming nacocommit?

SP Sotto: Theft. Sa loob ng isang taon, average 1810 (unclear), nationwide. Meron pang above 15, 5,000 plus a year, average 12-15, 3,000 a year. Nine to eleven years old, 2,700 a year average. Violation of RA 9344, mas maliit, 973. Walang may kaso, kaya wala silang dapat ikabahala. Walang may kaso ni isa, pero i-compare mo roon sa 2017, 887 rape cases. 2018, 862 rape cases.

Q: Data ng PNP?

SP Sotto: Yes, data ng PNP.

Q: Yung point ninyo talaga, yung crimes being committed by the minors?

SP Sotto: By the minors, so dapat intervention program, dapat irehabilitate sila, dapat ipaalam sa kanila na responsible sila, mali yung ginagawa nila, hindi pakawalan sila dahil bata sila. Wag yun.

News Latest News Feed