Press Release
January 27, 2019

Sen. Bam condemns Jolo cathedral bombing

Mariin nating kinokondena ang nangyaring mga pambobomba sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Taus-puso rin tayong nakikiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay at sa mga nasugatan sa pagsabog.

Nananawagan tayo sa mga awtoridad na tugisin ang mga nasa likod ng pambobomba at papanagutin sa kanilang ginawa upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima.

Manatili rin sanang mahinahon at mapagbantay ang lahat sa harap ng tangkang ito na idiskaril ang kapayapaan sa Mindanao.

News Latest News Feed