Press Release
February 20, 2019

Win transcript ambush interview on mandatory ROTC

SEN WIN: Well, nakita natin na overwhelmed ang majority, almost 80% ng mga kababayan natin ang sumusuporta na ibalik ang ROTC. Nakita kasi nila ang kaibahan nung ginawang optional ang ROTC at kung mandatory ang ROTC at naniniwala ako na ang ROTC ay isang mekanismo para magkaroon ng malalim na disiplina ang ating mga kabataan pero dapat ring masigurado natin na hindi babalik yung nangyari noong mga nakaraan lalo na ang mga hazing at pang-aabuso. Sisiguraduhin natin na may mga safeguards at mechanism para hindi magamit ang ROTC sa mga bagay na makakasama sa ating kabataan.

Q: Ngayon pa nga lang Sir na hindi pa mandatory, mayroon nang nasa-cite na mayroon pa ring naghahazing. How do we address this?

SEN WIN: Mayroon na tayong batas na mahigpit na nagbabawal sa hazing so kung mayroon mang taong nakasuhan ng hazing, makukulong na siya at tingin ko ang batas na ito ay magiging effective para hindi magkaroon ng hazing sa buong bansa, hindi lang naman ROTC, fraternities at gangs. Basta sa usapin ng ROTC sa senior high school, isa sa mga bibigyan naming ng malaking pansin ay yung mechanism para hindi magkaroon ng pang-aabuso at hindi magkaroon ng masasamang bagay sa ating mga eskwelahan.

Q: Kanina, you mentioned na hindi ba dapat ay magkaroon ng training yung mga [magtuturo]?

SEN WIN: Correct, mayroon tayong 11,000 senior high schools nationwide na magkakaroon ng mandatory ROTC at kasama rin sa batas na ilalagay natin ang qualification ng mga magtuturo dahil importante ang qualification eh. Importante na ang mga magtuturo ay respetado, walang masamang history at dahil isa itong prevention mechanism para hindi maaabuso ang ROTC sa mga eskwelahan natin.

Q: So far sa argument and all the points raised doon kanina, sa tingin mo visible na yung preparatory sa K-11 and K-12 ang sisimulan na training?

SEN WIN: Para sa akin, kailangang ma-improve pa. Mayroon silang preparatory mechanisms na ginawa, kanina ang DND ay nagbigay ng mga mechanisms pero gusto ko pang maging mas malalim at mas malawak yun dahil pinag-uusapan natin ay 11,000 schools. Hindi lang kakaunting mga skwelahan ito, ang pinaguusapan natin dito, approximately about close to about 2.4 million students ang papasok sa mandatory ROTC. So napaka dami estudyante nito kaya dapat masigurado na ang mga estudyante ay hindi malalagay sa hindi maganda.

Q: (inaudible)

SEN WIN: Kanina, parang naging obvious sa hearing na hindi pa coordinated and DepEd at DND. If you go through the bill, DND is the lead agency pero ang gagawin sa mga eskwelahan natin ang DepEd ang magiging lead agency so napakahalaga ang coordination nila at yun ang ni-require ko sa buong ahensya na mag sumite in written form and document form kung ano ang kanilang coordinated plans.

Q: vision niyo, papel in society ng mga estudyante?

SEN WIN: Magandang tanong yan, actually, hindi ko na ini-envision yung warfare ang ini-envision ko yung preparedness. Madalas natin pagusapan yun "The Big One" yung malakihang lindol na pwede mangyari sa Metro Manila. They estimate close to about almost 80% of Metro Manila ang magigiba kapag natuloy yung lindol kaya importante meron tayong mga taong may kakayahan. Iba yung mga gustong tumulong at iba naman yung trained tumulong. Ito ay isang paraan para ma-develop ang atin youth sa disaster response at ma-develop yung kanilang kakayahan na rumesponde kapag may problema. Yung first aid and CPR magandang matutunan nila ito at an early age para maging bahagi yan ng kanilang character.

Q: mahahabol na ba yan pag resume ng session?

SEN WIN: Pipilitin namin, I cannot guarantee but pipilitin natin dahil advance stage na sa lower house so pipiplitan natin sa 17th Congress.

Q: Sa tertiary po ba or sa Senior High School?

SEN WIN: Maganda ang punto ng DND dahil we have approximately 2.4 million students sa senior high and grades 11 and 12 kapag kinumpara yung two levels sa college that's only 500,000, so onti lang, so ibig sabihin pag senior high school mas marami ang matratrain natin kesa sa college. So maganda yung kanilang suggestion at yun yung gusto namin ipagpatuloy.

Q: concerns ng 18 years old and below?

SEN WIN: Definitely pag 18 years old hindi sila pwede isali sa reservists. Siguro yung pwede ituro sa kanila, first aid, disaster response, basic response, yun yung mga pwedeng ituro sa kanila.

Q: Public lang ba to o pati private?

SEN WIN: Pati private.

News Latest News Feed