Press Release
February 28, 2019

Sen. Francis Pangilinan on President's comment re Marcos ill-gotten wealth: Doon lang tayo sa totoo

Marami sa mga pahayag ng Pangulo ay hindi totoo at isa na itong hindi pa daw napapatunayan na mga magnanakaw ang mga Marcos. Huwag tayo basta-basta magpapaniwala sa mga sinasabi niya dahil mahilig siyang magsabi ng gawa-gawa lamang. Kahit siya mismo inamin niya na sa bawat 5 na sinasabi niya 3 ay hindi totoo. Isa na ito.

Isa na sa hindi totoo ay itong huling bitiw nyang salita dahil ang ating Korte Suprema na mismo, sa maraming mga kaso tungkol sa pagbawi ng ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos, ang nagpasya ng ilang ulit na tunay na nagnakaw ng pera ng bayan ang pamilyang Marcos. Ang Sandiganbayan naman ay hinatulan na si Imelda ng guilty sa pangungurakot sa kaban ng bayan.

Doon lang tayo sa totoo.

News Latest News Feed