Press Release
March 11, 2019

Transcript of interview of Senate President Vicente C. Sotto III

On enrolled copy of 2019 budget bill

SP Sotto: Wala pa. tinatanong sa amin ng mga kapartido namin sa House, yung mga NPC roon headed by Cong,. Jack Duavit. They're asking how they can help in the impasse, if we can call it that. Ang sabi ko sa kanila, ibalik lang natin kung ano yung pinasa namin at ni-ratify namin, pinasa sa bicam, niratify ng both Houses kung ano yung laman, yun yun. Padala sa amin, alam namin kung ano yun, alam ng LBRMO kung ano yun. Siguradong maipapasa natin yung budget within a matter of days, ipapadala agad sa Presidente yun. Ganun kasimple lang ang usapan.

Q: No need na may mag intervene pa

SP: Simple lang eh. Kung anong pinasa, yun ang dapat gawing enrolled copy. Hindi pwedeng galawin. Maliwanag yan. We will be violating the Revised Penal Code, we will be violating the Constitution if we change anything after we have ratified it in both Houses. Q: Mga binago

SP: Yun nga ang nakarating sa amin, hindi lang ang opisina ni Sen. Lacson kundi ang LBRMO mismo, sila ang nagpakita sa amin nung mga decrease, increase. May mga increase at decrease doon sa mga districts at may mga congressman mismo na tumatawag sa amin na nakarating sa kanila yung mga nangyayaring yun, sila'y nabawasan, nadagdag sa kung saan saan. Kaya ang total nun pagka pinagsama-sama mo nasa P79 billion.

Q: Roughly ilang congressmen nagsumbong ng ganun

SP: Well yung mga nagsumbong eh well a few. Konti pa lang. konti lang naman pero they were speaking for many others. There were congressmen from Mindanao, there were congressmen from the Visayas and there were congressmen from Luzon.

Q: May characteristics ba like kaalyado ba ni GMA ang mga ito

SP: That question would be best answered by Sen. Lacson because he has the direct information. Ang sa akin kasi is the assurance by the LBRMO that as far as we're concerned, we did not touch anything. The Senate did not touch anything, contrary to what the House appropriation chairman is saying na Senado rin daw merong ganun. Hindi. After we ratified, I have the assurance of the chairman of the committee of finance, the assurance of LBRMO and even Sen. Lacson that we did not touch anything after we ratified it on the floor.

Q: May post-bicam realignment daw na P75 billion

SP: Sino?

Q: Yung senators daw po

SP: Ah hindi, sila.

Q: Meron daw pong realignment na P25 billion after nung bicam na ipinark sa DPWH

SP: Hindi totoo yun. Lahat nung ginagawa nila sa House ibinibintang nila sa amin? I'm saying nga, we assure you, not a single centavo was touched after we ratified.

Q: Ang sinabi nung congressman na vice chairman ng appropriations, inayos lang daw nila yung mga addresses, spelling ng barangays

SP: Bakit may increase o decrease yung ibang distrito? Ganito na lang, ang pinakamaganda, let us charge it with this: kung totoo yung sinasabi nila na may ginalaw ang Senado at sila ay indirectly umaamin na may ginalaw sila kaya sinasabi na 'meron din naman silang ginalaw eh.' Di ba so parang inamin. Kung ganun ang sinasabi nila at ang tingin nila legal yung ginawa nila eh di pirmahan nila, isubmit nila sa amin dito.

Q: And then?

SP: Aba I will cross the bridge when I get there. Tingnan ko. That's the challenge. Pirmahan nila. Papirmahan nila sa Speaker nila yung sinasabi nila. At ipadala nila sa akin.

Q: Lump sum daw yung ibang mga items so in-itemized lang daw nila

SP: Then you should have done that in the bicam or before you ratified. You should have done that before you ratified kung ganun ang ginawa mo.

Q: Ano yung possible move pag ginawa nila, isa sign nila, ipo forward nila sa inyo?

SP: Ayun, hintayin natin 'yun. Doon mo makikita kung tama yung sinasabi nila. Kung totoo lahat ng sinasabi nila. Eh di isabmit nila sa amin dito. Legal pala eh.

Q: Pero titignan nyo muna one by one kung ano yung mga...

SP Sotto: Syempre

Q: At kung may senador na may binago din, ibabalik nyo...

SP: Makikita namin? As I said, imposible na. You can ask the LBRMO. They can show you the records. You can scrutinize what we passed in plenary and then look at the copy that the Senate has. Bakit namin malalaman yung mga gumalaw kung may ginalaw din kami? Sige nga. Saka bat kami aangal?

Q: Ano yung possibility na mareenact na naman yung budget for this period?

SP: The possibility is really looming now na talagang magiging re-enacted yan kung hindi nila ibabalik dun sa original na pinasa namin.

Q: Hanggang kelan po re-enacted? For the whole year na po?

SP: Ah hindi, pagdating ng July, pwede na baguhin yan or pwede na kaming magpasa ng supplemental budget for the rest of the year.

Q: You're saying dapat yung Executive na kumausap sa House para bilisan na at huwag baguhin

SP: Well yun sana ini expect namin kaya namin kausap si Sec. Dominguez, Sec. Nograles at Sec. Medialdia. Pero they thought it best that we do the talking with the House. So I said good. I sent word to the Speaker's office that we're expecting that they bring it back to the original form that we approved in bicam.

Q: Yung Andaya presscon isa sa mga hiningi nyo

SP: Hindi. Wala, wala akong hinihiling na mga ganun.

Q: Ano masasabi nyo dun sabi ni Cong. Andaya na i-transmit nyo na lang sa President, hayaan na lang syang i-veto kung meron mang hindi sya magustuhan

SP: Hindi ako sanay pumipirma ng tagilid eh. So ang pinakamaganda, if you're asking my reaction, the best is for them to submit it to us. Pirmahan nila. Submit nila dito sa amin.

Q: Pag pinirmahan nyo baka madamay pa kayo doon sa anumang violation

SP: Kung ano ang pinasa namin sa bicam, pipirmahan ko. Papadala ko sa Presidente. Alam ng Presidente yan. Pag hindi yun ang pinasa namin sa bicam, eh sino tama ngayon? Tama kami di ba? Kung eksakto yung ibibigay nila, eh di tama sila. Kaya hintayin natin tignan natin what is their next move.

Q: Pano yun isasubmit nyo kay Presidente yung ni-ratify nyo na version pag nakita nyo na yung sa House iba?

SP: Hindi. Hindi namin mata transmit pagka iba yung pinadala nila.

Q: Ano mangyayari, pag binigay sa inyo makita nyo iba, ano mangyayari dun sa budget?

SP: Pagka nakita namin iba dun san i-ratify namin, hindi namin ita transmit sa President and I will tell the President that this is not what we passed.

Q: Walang pirmahang mangyayari sa Senate

SP: Oo.

Q: Ano na mangyayari sa bill, babalik pa po ba sa Senate saka sa House

SP: Malabo na. Siguro baka ang mangyayari dun baka mapag-usapan sa May 20 yun, pagbalik ng session.

Q: Deferred muna

SP: Oo katulad nung nangyayari sa ibang bills na nabibitin. Ilang beses na namang nangyari before yan, ang House mismo, yung Speaker may mga ayaw pirmahan eh.

Q: Hindi sya maa-archive

SP: Maaring ma archive yun pero kung 17th Congress pa, by May 20 buhay pa yun hanggang the first week of June.

Q: Tantamount ba yun to tampering kasi tapos na eh. What is it

SP: Let's just say na it is a violation of the Constitution if you change anything that you have already ratified. As a matter of fact mas mahigpit pa nga pag binasa mo yung Constitution talaga eh, mas mahigpit pa eh. Ang nakalagay yata kung hindi ako nagkakamali after 3rd reading eh hindi mo na pwedeng galawin eh. Kaya lang naging practice na yung sa bicam na medyo nalilikot pero it has to be ratified again by the body. Kaya nagiging legitimate. So ang pinakamabigat is yung likutin after ratification.

Q: Hindi nila alam yung ganun dapat

SP: Palagay ko alam nila 'yun.

Q: Pano yun, ire refile by July

SP: Baka biglang pumayag na sila na isubmit kung ano yung na-ratify na namin eh.

Q: Kung hindi sila papaya

SP: Tatamaan na ng sine die yun, maa-archive na yun pagka hindi sila pumayag.

Q: Pano yun re-introduction ng bagong bill

SP: Oo mag a approve na lang kami ng supplemental budget.

Q: Pano nyo pinarating yung message kay Speaker Arroyo at ano response nya

SP: Wala pa akong naririnig na response eh, pinarating ko lang. Yung righthand person ni Speaker Arroyo yung kausap ko.

Q: Andaya keeps saying yung Senate hindi nilalagay yung proponents of amendments, kailangan ba talagang nakalagay yun

SP: Nasa floor naman namin eh. Di tingnan nila yung journal di ba? Kitang kita mo naman kung sino nagpabalik nung mga hospital facilities enhancement programs, sina Sen. Drilon, Sen. JV Ejecito. Kitang kita naman eh. Naririnig naman sa floor during the debates pa lang namin. Sa plenary pa lang namin alam na alam na natin kung sino yung mga nag po propose ng mga amendments nila eh. So if you want a list, all you have to do is look at the journal of the Senate and you can see the list of those who have proposed their amendments.

Q: Sa mga congressmen na kausap nyo may mga nagsabi ba kung bakit ginagalaw

SP: Hindi ako, hearsay pag ako eh. Sila na lang kausapin nyo. Talk to Cong. Raul Daza, Congresswoman Cerilles yan ang mga kausapin nyo.

Q: Pero lahat ng changes order ng House leadership, ni Speaker Arroyo

SP: It was being done by the committee on appropriations in the Speaker's office. Ganun ang kwento eh.

Q: Bakit Daza and Cerilles

SP: Eh sila yung ibang mga nagrereklamo sa amin eh.

Q: In your recollection ngayon ba yung first time na ginalaw yung budget

SP: Sa pagkakaalam ko, in my many years in the Senate, ngayon lang merong nangyari na after ratification may ginalaw. Kung meron mang nangyari in the past dahil hindi namin alam, ito nalaman namin eh.

Q: Sinasabi nyo may violation, sino dapat mag raise nito sa SC

SP: Anyone can do that pagka merong gumawa nun. I definitely don't want anyone to bring me to court for signing something that is unconstitutional.

Q: At this point wala pa kayong nakikitang need to bring this matter to SC

SP: Wala pa naman. Wala pa. Someone can bring it. Pero sobrang obvious eh. Hindi kailangan ng SC dito. Sabahin mo lang yung Constitution on that particular...

Q: So ano bottomline to end the impasse

SP: Bottomline is what I told the NPC boys, the men and women of NPC, I told them na ibalik doon sa kung ano ang ni ratify natin.

Q: May claim si Rep. Bravo na hinohostage ni Sen. Ping yung budget dahil dun sa personal vendetta nya kay Speaker Arroyo

SP: Hindi naman. Buong Senado ang may problema dito hindi naman si Sen. Lacson lang. It's just Sen. Lacson has been very vocal about it and he's been very much against pork barrel.

Q: Sabi ng House pag di daw nila i-itemize lump sum appropriations daw mangyayari

SP: Maliwanag na yung mga dati ah. Alam na alam kung ano yung mga districts yung mga...naka itemized na yung dati eh.

Q: So hindi lump sum as alleged

SP: Hindi eh.

Q: May nakikita ba kayong connection sa election ngayon bakit ginagawa ngayon ito

SP: Iba nakikita ko eh. Wag na. igagawa nyo ako ng kaaway eh. Ng maraming kaaway.

On medical marijuana:

Q: Yung sa medical marijuana ba kayo nag enlighten kay Presidente kaya biglang nag turnaround

SP: Hindi ah. Huwag nyo akong pagbintangan. Kausap ko sya pero tungkol sa budget. Baka nakikita ng Presidente. Tama yung sabi ni JV eh, maraming intel na nakakarating sa Presidente na hindi nakakarating sa kahit sino eh. So in some of those reports, I'm sure nakarating sa kanya yung dati naming sinasabi na naramdaman ko naman yun, ito naman na intel din galing sa akin na yung magtutulak nito, ng legalization ng marijuana ay yung gustong magtanim at i-legalize yung pagtatanim nila. Ginagamit ngayon yung mga kababayan natin na nangangailangan ng medical cannabis. Ginagamit nila yan na front. Eh siguro nakarating kay Presidente yan na pwede namang gamitin nung mga nangangailangan through the legal process which is allowed in the compassionate provisions in the declaration of policy of RA 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2000 to which I'm the principal author of. Kaya matagal ko ng sinasabi, pwede naman eh. Pero yung mga nangangailangan lang nag pwedeng gumamit. So siguro nakarating sa Presidente yan because ang mangyayari dyan, kung ito pwede sa inyo, bakit natin ile legalize sa buong bansa na hindi naman kailangan nung iba, eh legal naman doon sa nangangailangan. Legal sa mga nangangailangan. Hindi legal sa hindi nangangailangan. Ganun yung current law. So siguro nakarating sa Pangulo yan na na may mga nasa likod na ang gusto talaga eh pagtatanim ang target.

Q: Waste of time paghe hearing

SP: Hindi papasa dito sa Senado yan. Kung pumasa man, natsyambahan na wala ako o nawala yung kalahati ng Senado na kontra dito at nakapasa, ive-veto ng Presidente eh. Again, waste of time, kaya yung dati na nating sinasabi, na dapat yung mga bills na pinapasa, dapat ini scrunitize na rin ng PLLO, nakakarating na sa Executive Department. Because remember the Executive Department is the one executing the laws so kahit anong gusto namin ng isang batas pag ayaw ng Executive Department they will just veto it or they will not execute the law so waste of time, waste of money, saying lang.

News Latest News Feed