Press Release
April 8, 2019

Win Transcript | Ambush Interview on ROTC and Motorcycle Crime Prevention Act

Q: Possible bang ma-implement yun this year?

SEN WIN: Hindi na kaya this year na ma-implement ang mandatory ROTC dahil gagawin pa ang batas at it will take time but since this will be implemented on the basic education level, pwede nang ma-implment ng DepEd at ng DND ang ROTC this coming school year. They will have to implement pilot muna while waiting for the law and the budget. May plano na silang mag-implement in 100 pilot schools para makita nila ang magiging issues na pwedeng lumabas.

Q: Ibig sabihin wala pang batas?

SEN WIN: Kasi DepEd lang to eh, para siyang programa or curriculum na pwedng i-implment ng DepEd sa basic education schools natin. Pero kung malawakan ito at kailangan ng mas malawak na budget, kakailanganin na nito ng batas especially kung gusto nating maging institutional ito.

Q: Pero dun sa 100, mandatory din yun Sir?

SEN WIN: Hindi naman, tawag nila dito is pilot testing schools. Mandatory sa mag students na nag-aaral doon pero hindi mandatory sa lahat ng eskwelahan.

Q: I-implement this year Sir?

SEN WIN: Ang plano ay i-implement this 2019-2020 school year but they will also submit to us the strategy on how to implement this.

Q: Can we determine Sir kung ano ang pilot schools?

SEN WIN: DepEd will determine by region para makita nila kung ano ang magiging problema sa logistics kasi malawak eh. 11,000 senior high school, 11,000 grade 11, and 11,000 grade 12 so malawak ang SHS at mahihirapang ma-implement kaagad in the 11,000 schools.

Q: Ano ito Sir, joint program ng DepEd at DND?

SEN WIN: Yes. In 11, 000 schools -

Q: How many students are involved?

SEN WIN: Approximately about 2 million students are involved.

Q: May MOA signing na?

SEN WIN: Wala, yun ang ginagawa nila ngayon, based on our hearing, we are talking on how to implement it and how to roll it out. Binigyan ko ng emphasis yung safeguards dahil importante na may mekanismo tayo na magpaparusa sa mga taong lalabag sa pag-implement ng ROTC. Meron tayong mechanism na mag-iimbestiga kung may problema sa pag-implementa ng ROTC.

Isa ring pinag-uusapan naming ang pagpili ng mga tao na magmamando ng ROTC dahil importante na ang mga taong ito ay qualified at alam ang ginagawa dahil nagiging problema rin ang qualification ng commandant for ROTC.

Q: Sino po ba ang in-charge doon?

SEN WIN: Ang in-charge dyan ay DND thru AFP at ia-assign yan sa DepEd schools. Importante na ang dalawang ahensyang ito ay nag-uusap dahil titignan natin ang pag-implement sa pilot schools kung ano ang magiging problema.

Q: Considering yung concerns ng ilang sector, sa tingin niyo ba mahihirapang magpasa ng batas para sa ROTC?

SEN WIN: Oo dahil may legal question na lumabas kanina at pag-aaralan naming mabuti kung itong mandatory ROTC ay magiging violation sa mga pinirmahan nating treaties at protocols. Hiningan naming ng opinion ang DND para sa mas malalim pang legal analysis. We will also ask the opinion of DOJ kung may violation but aside from violation, importante ang logistical support. Saan gaganapin ang ROTC sa mga schools natin? Anong kakailanganin? Anong klaseng mga training? Ito yung mga bagay na titingnan natin sa pilot schools.

Q: Hindi ba masyadong konti na ang panahon dahil by June mag-oopen na tayo?

SEN WIN: Nakita ko ang mga policies available na siya. Hindi pa lang pinipirmahan ng dalawa pero meron na. in fact, we reviewed some of the policies nila para makita natin kung ito ay sapat na para makita natin kung meron tayong mga mekanismo para hindi magkaroon ng problema sa mga schools natin.

Q: Most probably next year na sa inyo na ang approval?

SEN WIN: Yung batas for sure next Congress na yan. Hindi kakayanin this Congress dahil marami pang aayusin sa batas.

Q: So need i-file ulit yun Sir?

SEN WIN: Yes, pero pag finile natin ulit, at least ito na ang refined copy so marami na ang napag-usapan, marami ng naayos.

Q: Yung grievance committee Sir dapat included sya kapag ifa-file?

SEN WIN: Yes, kasi yun ang isa sa pinakamahalagang bagay sa proposal na ito para kung may problema, iimbestigahan kaagad yung gumawa ng paglabag ng batas.

Q: Na-justify ba ang pagbabalik ng ROTC to instill discipline sa ating mga kabataan?

SEN WIN: The most important trait that we want to develop is discipline. Ito ay nakukuha nila sa pagsunod sa instructions, programs at chain of command. Marami pang skills din ang matututunan nila. For example, may bagyo, alam nila paano sumunod at san kukuha ng impormasyon.

Q: Bakit 23 billion pesos ang kakailanganin dyan?

SEN WIN: Well, based on their initial computation, parang 2.1 million per school ang kailangan at kinompute ko lang ng simple, nasa 30 billion ang kailangan. So I told them to review dahil napakalaki ng amount. In my opinion, hindi ganun kalaki dahil jeans lang at white T-shirt lang ang kailangan. Parang minimal amount na lang ang kakailanganin. They need to re-compute their numbers.

Q: Yung issue po doon sa NSTP Law, maa-address na po ba yun doon sa irere-file na version?

SEN WIN: Yes, ang tatanggalin lang natin doon yung ROTC, maiiwan ang CWTS pero ang ROTC matatanggal na doon at magiging mandatory na.

Q: Kayo po ang magfa-file?

SEN WIN: Yes, I will file, dito sa Senate may limang bills na pertaining to mandatory ROTC.

Q: Mag he-hearing pa ba kayo sa ROTC?

SEN WIN: Tapos na ito what we will do next is to have a TWG para ma-kumpleto na yung batas.

Q: Pero likely to recommend?

SEN WIN: likely to recommend, I'm inclined to recommend, narinig ko rin sa mga colleges, sa NYC pabor sila, narinig ko rin sa mga ibang stakeholders tulad ng mga organization ng ROTC, lahat pabor sila. Of course, iba-iba yung mga comment nila pero pabor sila ibalik.

Q: Sa House nasa second reading pa lang -

SEN WIN: Yes, sa House nasa second reading na, mas advance na sila, tayo nasa public hearing pa lang. I don't think kaya maaprubahan yan in nine days.

Q: Paano kung next Congress na you have to start from scratch?

SEN WIN: May tradition naman both in the Lower House and Upper House na kapag aprubado na ng committee, one hearing lang sa committee tapos sponsor na sa floor. So may shortcut naman.

Q: So Pano sir mandatory na?

SEN WIN: Magiging mandatory na, ang recommendation is grades 11 to 12. So Senior High School ang magiging mandatory parang CAT natin dati kung magkasing edad tayong lahat yung CAT before was mandatory, every Saturday morning, so parang ganun lang so you can visualize it na parang CAT siya.

Q: So yung sa committee report sir mandatory for public and private?

SEN WIN: For public and private, ang CAT before for public and private din at kagandahan doon sa CAT, natatandaan ko, natuto ako sa Chain of command, natuto akong rumespeto ng authority at ito naman dadagdagan natin ng other skills pa tulad ng disaster preparedness, first aid, kung anong gagawin kung may malaking sakuna, so may mga ganun na skills.

Q: But knowing yung millennials na maraming complaints? How do you think they will receive this? How will we implement this without them feeling obligated?

SEN WIN: Well, ito naman para sa kabutihan ng buong bansa natin at dapat makita nila na ito ay ginagawa natin para sa kabutihan ng lahat at kung marami silang matututunan, may disiplina, makakabuti ito sa ating bansa.

Q: Consideration niyo sir yung sa West Philippine Sea?

SEN WIN: That is a consideration, in fact, one of the biggest consideration nga is preparedness in any event. It can be an event of war, it can be a disaster, it can be as simple as a road accident sa barangay mo, so this is really training the youth to be prepared.

Q: So bakit grades 11 to 12?

SEN WIN: Meron tayong approximately two million na mga estudyante sa Senior High School. Ang papasok lang sa College diyan less than 10% so ibig sabihin sa sampung nag-aaral sa Senior High School, isa lang ang mag co-college. So kapag ginawa natin mandato sa college yung nine na hindi papasok ng college hindi siya makaka ROTC. So pinagaaralan mabuti ng National Defense, and which I agree, kung gusto natin lahat may training, lahat dapat sa Senior High School nating gawin.

Q: Good as approved na ba?

SEN WIN: Well I'm likely to sponsor this on the floor. Iniintay na lang namin yung ibang issues through their submission of their own position paper.

Q: Approved in the committee level?

SEN WIN: The hearing is terminated then TWG then sponsorship.

Q: So, we can say approved na siya in the committee level?

SEN WIN: Technically hindi pa siya approved until ma-sign ng mga Senators.

Q: In principle?

SEN WIN: I will not venture into that yet kasi pipirmahan pa, mas pwede pang sabihin na 'the Chairman is inclined to recommend for its approval.' So ire-recommend ko to sa mga Senators to sign.

MOTORCYCLE CRIME PREVENTION ACT

Q: Sir the President is planning to suspend the Motorcycle Crime Prevention Act, pabor po ba kayo doon?

SEN WIN: Bumoto ako in favor because talagang malala ang riding in tandem natin dito sa bansa at wala pa tayong nakikitang riding in tandem incidents na naso-solve o kung may ma-solve man, kailangan ng malaking malaking reward money. Nakikita natin sa Edsa, in broad daylight, even on Sunday, may pinapatay silang tao so kailangan talagang makahanap na tayo ng paraan para ma-identify natin kaagad kung sino yung gumawa ng crime na yun at ma-check kaagad sa database. Ngayon yung paglaki ng licence plate, meron din safety concerns yun dahil nga baka daw sa sobrang laki, lumipad or magkaroon ng problema yung motorsiklo. We have to address the safety concerns but in principle gusto natin mahinto yung riding in tandem and this is one way to stop itong mga riding in tandem sa atin.

Alam mo pumunta ako dati sa Colombia dahil nga grabe doon yung drugs, diba naging narco-state sila? yung mga drug dealer doon mas malakas pa sa gobyerno and yung riding in tandem doon halos araw-araw meron. Ang ginawa nilang batas doon, and you can check this in the internet ay ang pagmandato ng pagsuot ng vest na meron number sa harap and meron number sa likod, huhulihin ka kapag walang kang vest so lahat ng naka motor mayroong vest. So ang concept doon ay para makita kung sino ang nakasakay at meron database kung sino yung mga nakasakay. So, dahil nga sobrang lala na ng sitwasyon doon ginawa nilang mahigpit so same concept, we have to find ways para mahinto itong riding in tandem. Actually, kung talagang kailangan I think we should also study also the concept of Colombia.

Q: Hindi naman daw gagamit ng sariling motor yung gagawa ng krimen? Hindi naman daw assurance na crime prevention?

SEN WIN: I think kapag nakita naman doon sa check-point na walang plaka, automatically na ma fla-flag ka dahil may check-point all over. Ngayon, kung na-flag ka at wala kang plaka, huli ka pero kung may plaka ka at mayroon kang masamang gagawin mahuhuli ka naman. So ganun yung concept doon, meron kang checkpoint na manghuhuli at kung nakalampas ka doon makikita ka kasi malaki yung plaka. Yung prinsipyo dito is gusto naman natin ng safe na bansa, gusto natin mawala itong riding in tandem. So ito yung isang paraan para mawala ang riding in tandem and again you can look at how Colombia did it in the past dahil napaka laganap ng krimen doon, ginawa nila ngayon nasa katawan mo na yung license plate mo, yung license number mo.

Q: Sir given the chance will you file a law which will push for the concept of Colombia?

SEN WIN: I think that will be safer in terms of riding your motorcycle, or kung safety hindi magiging issue, pwede natin pag-aralan yun. Of course, baka may mga magaalma dahil ito ay added cost but again we have to look at this because we want a safer city and a safer country and ito yung isang paraan para maging safe ang ating bansa at ating mga lansangan.

Q: Considering na pirmado na ni Presidente at may gusto i-amend?

SEN WIN: Ibabalik nila kung kailangan i-amend. I think they will study if kaya through IRR kung hindi kaya through IRR then we'll have to amend the law but ang maganda naman dito napapakinggan ang lahat at kung merong safety concerns then we have to study it carefully and maybe the option of putting the plate number in your vest can be considered.

Q: Na-overlook ba yung concerns ng riders?

SEN WIN: Definitely yung riders naimbitahaan yun, dahil sa dami binabalanse ng committee yung safety ng motorcycle riders at yung paghinto ng riding in tandem. Ang maganda dito pag-aaralan ulit both ng Executive and legislative para makahanap tayo ng solusyon.

News Latest News Feed