Press Release
May 2, 2019

Win Transcript | Ambush interview on power outages

SEN WIN: Very clear na nagsimula na ang fact-finding ng ERC. Ang susunod dito ay, kung may makita silang anomaly, imbestigasyon na. Ang importante ngayon ay makuha muna ang facts at data at i-analyze ng mabuti. Very clear din na kung mayroon silang makitang anomaly ay magpapataw sila ng parusa. Kanina, pinoint-out natin na [it is] within their power to do so. Humihingi lang sila ng konting oras dahil very complicated ang kanilang fact-finding.

Q: Ano yung di nila nabibisitang planta? Out of 21, 9 pa lang ang kanilang nabibisita?

SEN WIN: Ang pinaka-kritikal diyan ay iyong anim na pumalya [na power plant] noong Holy week. I believe [na] yung anim na iyon ay napuntahan na. Of course, may mga plantang pumapalya within a regular basis dahil sa mayroon tayong mga maliliit na planta sa probinsya. Pero, ang pinaka-kritikal ay iyong anim na planta.

Q: Are you satisfied sa explanation nila na hindi magkakaroon ng power outage during election?

SEN WIN: Definitely, on the day of the election, ay may kuryente tayo dahil walang pasok. Kapag walang pasok, bumababa ang demand. Yung after the election, doon ang critical period. But the Secretary assured us na lahat ng mga planta ay papasok pati yung mga bagong planta. That's why he is confident na yung two weeks of canvassing ay may sapat tayong supply.

Q: Ano ang possibility na magkaroon ng breakdown?

SEN WIN: On the average - tiningnan ko iyong last four years - ang forced outage natin during summer ay about 500-600 megawatts, malaki na yun. Itong nangyari prior to Holy Week ay 1,500MW - doble. Halos mas malaki siya dun sa average natin. Itong mangyayari after election na may mawawalang 1,500 megawatts, very remote yan. Nevertheless, kung mangyayari yan, meron tayong additional supply at meron tayong mga generators ng shopping malls so mukhang sapat naman ang kuryente natin after elections. Worse comes to worst, one hour lang na low dropping so may mga areas na magkakaroon ng brown out pero doon sa protocol nila, sinisiguradong mayroon sa mga city hall at municipal hall para mag-run. Importante ay nakaka-canvass ang ating mga COMELEC local officials.

Q: Ano ang merchant plant Sir?

SEN WIN: Ang merchant plant ay yung mga plantang walang kontrata. So pagpapatayo ng planta, pwede kang magbenta ngayon sa merkado ng walang kontrata. May mga na-link nang merchant plant at magandang balita yun. Pagbalik nina Secretary Cusi, maraming mga planta ang matatayo dito. Ang importante kasi kahit walang kontrata ay meron tayo additional supply na pwedeng bilhin kung kailangan natin ng kuryente. Ibebenta nila yun sa WESM, kung ano ang prevailing price doon, dun sila magbebenta pero that's additional supply so kung mas maraming supply, hindi tataas ang presyo sa Spot Market.

We have to look at the other provisions of EPIRA dahil importante ang competition so may few items doon that limit competition. For example, yung cross ownership, pwedeng ang utility na pagmamay-ari ng genco so para sa akin this limits competition. May merit na pag-aralan yung cross ownership at yung EPIRA para ma-improve. Another issue rin na I want to point out kanina, ang DOE at ERC are now looking at penalizing the gencos. Ngayon kasi ay walang penalty so makikita natin na ang performance ng ating mga planta ay mas mababa kesa sa America. In fact, 30% more ang ating forced outages compared sa American counterpart natin so ibig sabihin mas maganda ang maintenance at mas konti ang forced outage sa America. Ang tanong bakit sa atin walang ganun? Dahil walang disincentives so kung pumalya ka at walang multa, so bakit kapag mag-iinvest sa maintenance so ganun ang konsepto. Kanina ay nakita natin na isa sa mga solusyong prinisent ng ERC at DOE ay pagmultahin na itong mga plantang ito.

Q: Ranging from?

SEN WIN: Well, ang ERC ay may power na up to 50 million. Nandun na sa power nila, gagawa na lang sila ng regulation. This will be the last hearing but we are monitoring the power sector, tuloy-tuloy yan. For now, we are monitoring then after summer, we will pass a committee report pagpasok dito sa Senado.

News Latest News Feed