Press Release
May 14, 2019

Transcript of DZMM Interview with Senate President Vicente C. Sotto III

On Gian Sotto winning the vice-mayoralty race in Quezon City

Q: Ano ang nakalaang programa para kay Gian?

SP Sotto: Si Joy Belmonte, napakalawak ng kanyang programa, ngayon ang magandang kakombinasyon talaga niya, si Gian, kaya nung maraming nagprepresenta sila nung una (unclear) si Gian ang matingkad na lumabas doon sa mga usapan, kahit sa mga pulitiko doon, kasi siya yung chairman nung committee on drugs. You must remember na ako yung nagtatag, nagbuo nung Quezon City Anti-Drug Council na siyang naging model council for anti-drug abuse councils nationwide from 1988 to 1992 so, kapado niya yun. Aral niya yun, at ang vice mayor, ang action officer sa batas yun, sinama ko doon sa RA 9165. Kaya yun ang pinaka meat ng programa ni Gian. Aside from being the presiding officer of the council where he was nine years a councillor, mahusay naman ang performance niya noon, (unclear) masasabi, marami rin namang mga ordinansang magaganda, siya yung magiging anti-drug abuse council czar of Quezon City, na kapang-kapa niya.

Q: Malaki-laking trabaho yun, Tito Sen.

SP Sotto: Mabigat, oo.

Q: Ilang taon na si Gian?

SP Sotto: Forty years old.

Q: Bata pa. Matinding trabaho yun, and not to mention ang problema natin sa droga.

SP Sotto: Yun na nga, kaya importante kasi mahighlit, kinuha niya yung mga iniwan ko doon. Pero ngayon, inaupdate niya. Hindi pwedeng puro enforcement at prosecution, nakita mo ang nangyari sa atin nationwide, puro enforcement, di ba? May mga EJK, may mga ganito, huluhang katakot-takot, tapos may prosecution, pero, pag hindi mo kinumbinasyon yan ng prevention at saka ng rehabilitation, useless. May adik, maghahanap ng drogang aabusuhin niyan. Kaya iyon ang pinaka-highlight ng trabaho niya na gustong gawin, aside from being the presiding officer of the Quezon City Anti-Drug Council. So, palagay ko, he will be very successful din. Susundin lang niya yung programang naumpisahan natin noon.

Q: And of course, new ideas from him.

SP Sotto: Correct. May mga bagong idea na meron pa siyang, kasi Christian ang mag-asawa, ang pamilya niya, so medyo nakadiin siya sa faith-based na rehabilitation program.

Q: At least medyo ika nga ay hindi sila magkakontra ni Mayor, sila ay kung baga Batman and Robin.

SP Sotto: Oo. Magandang kumbinasyon, at saka yung talagang palagay ko kailangang-kailangan ng Quezon City.

On whether there will be a check and balance in the Senate.

Q: Going back sa Senado, paano magkakakaroon ng check and balance, eh wiped-out ang (unclear) how will you handle this, how will you see to it na hindi magiging one-sided kung ano man ang binabalak ninyo sa Senado?

SP Sotto: Hindi naman franchise ng opposition yung pagcriticize ng pag-oppose. Makikita mo naman sa amin, ang Senado is past that. If you will notice, if you will take note, makikita mo yung high trust rating. Ito ay dahil independent, nakikita, transparent mapapera, mapa-batas.

Q: Nakita mo naman si Senator Ping Lacson, ang lupit!

SP Sotto: Oo. Yun ang bantay ko, may pulis ako, kaya maganda. Tapos, karamihan doon sa amin, talagang independent minded, transparent, at saka sincere. As a matter of fact, pag tiningnan mo, ayoko naman kasing nagbubuhat ng bangko, pwedeng ikaw naman ang magbuhat ng bangko para sa akin, yung mga inendorse ko labing-isa ang nanalo. Hindi naman puro administration yun.

Q: Walang nalaglag ano?

SP Sotto: May tagilid sa ngayon pero sa tingin ko, ilang percent ba ang natitira?

Q: Six percent na lang remaining.

SP Sotto: Six percent? Kung maliit lang ang pagkukulang ni JV, baka sakali pa, pero nakakatakot naman kasi baka abutan niya si Nancy.

Q: Almost five percent na lang.

SP Sotto: Oo pero katulad nun, si Nancy, hindi pro-administration yan, independent minded yan. Yung number 11, si Bong Revilla, independent minded din yan. Lalo na si Grace Poe. Pero kung baga sa ano, kasundo namin. Kasundo namin ang thinking, kami nila Senator Lacson, many Pacquiao. Si Manny Pacquiao, kasangga ng Presidente pero when push comes to shove, he usually sides with the Senate. Kaya huwag sila magalala na walang opposition, (unclear) fi naman frnachise kung sino ang mag-oppose. As a matter of fact marami sa amin na talaga namang kung ano yung tama. Kasi hindi naman maganda yung mag-ooppose ka dahil (unclear) ayaw mo.

Q: Kahit maganda kokontrahin mo.

SP Sotto: Correct. (Unclear) May explanation na maganda, titirahin mo pa rin. Kaya siguro ang mga kababayan natin, mas ginusto itong mga gitna. Karamihan sa kanila neutral, tingnan mo. Hindi talaga pro-administration. Except of course yung mga inendorse ng Presidente, talagang pro-administration sila. (Unclear) merong administration candidate pero level headed pag dating sa neutrality, si Koko Pimentel.

Q: Parang kwidaw kayo dahil may Grace Poe, may Ping Lacson, may Nancy Binay. Hindi rin oo ng oo yun.

SP Sotto: Nandun pa naman sina Frank. Si Risa nanduon din. Magiging anim ang babae ngayon sa Senate, ayos yun. Ito ang pinakamarami yata. Mukhang lima yung mananalo plus dati ng nandoon si Risa. Si loren, mawawala, kaisaisang mawawala, ang kapalit ay tatlo.

Q: Pero Tito Sen, itong mga bagong papasok na sabi nga nila, maganda rin yan (unclear) continuity ng mga tamang ginagawa ng administrasyon, walang hadlang, kasi sa iba, tigil yan.

SP Sotto: Ayaw natin ng ganoon.

Q: Pag tama, tama, pag mali, mali.

SP Sotto: Oo. Pag mali, hindi pwede, Pagka tama, suportahan natin. Kasi para sa bayan yan. Paulit-ulit kong binabanggit kanina, sa Bible group namin, sabi ko nga, it's a public trust. Public office is a public trust, so publiko ang bida, hindi ang Pangulo. Pag tama yung Pangulo, (unclear) dahil gusto ng publiko yun. Suportahan mo, ika nga. Huwag yung tama ang Pangulo, kokontrahin mo dahil hindi mo gusto.

Q: With a new set-up ng Senado ngayon, malaki ang aasahan sa inyo ng taumbayan. Ano ang magiging prayoridad ng Senado in terms of kapakanan ng bayan?

SP Sotto: Yung 18th Congress na bale na question mo, ikakasa pa namin yan kung tutuusin, kung ano yung hindi naming maipasa dito sa 17th Congress. Pero itong 17th Congress, may mga ihahabol pa kami eh na pagdating ng 18thCongress hindi na kailangan dahil naipasa na namin. For example yung Anti-Terrorism Act nakapending sa amin. Kailangang kailangan yun dahil yung Human Security Act natin parang kakampi sa terrorists eh. Sobrang maluwag eh, di ba? Tapos yung Public Service Act. Eh ilan ang naging problema natin ditong mga nakaraan, yung tubig, kuryente, sa telepono, sa airline. Eh pag in-update natin yung Public Service Act na nasa amin eh nasa second reading na, kaya ito in the next 3 weeks eh, kaya talagang priority sa atin ito eh, palagay ko naman kahit maa upgrade natin, mare resolve natin yung mga issues nay an tungkol sa tubig , sa kuryente. Lahat pasok sa Public Service Act lahat yan eh lalo na yung mga telcos. Yun yung pangalawa. Tapos yung Foreign Investments Act. Yung committee ni Sen. Gatchalian yung economic affairs, eh medyo talagang mainit dyan and then si Joel Villanueva talagang mainit naman at kailangang-kailangang ipasa namin yung endo o yung Security of Tenure Act. Naka pending yan saka ano yan period of amendments na lang. Kaya kaya yan in the next three weeks, hopefully.

Q: May national ID pa.

SP Sotto: Ay batas na yun. Napirmahan na ng Presidente yun. Napasa na namin yun, as a matter of fact, August ang implementation.

Q: With all these, hindi kayo mahihirapang palusutin yung mga importante, papasahin?

SP Sotto: Hindi siguro kasi ang maganda lang dito sa Minority Leader naming, si Sen. Drilon, nag Senate president sya dati eh. Alam nya yung pakiramdam ko eh. Saka yung tagal naming magkasama, mula nung pumasok sya nung '95 eh, ako nandudun nung '92 eh, magkasama na kami hanggang ngayon, nagkakaintindihan na kami kahit sya ay Minority at ako'y nasa Majority eh so kung minsan nga nagkakatawanan kami, nagtitinginan kami eh.

Q: Kahit ganung singkit si Sen. Drilon pag tiningnan ka nya alam mo na ang gusto nya at alam na nya ang gusto mo.

SP Sotto: Oo saka yung pakikisama nandudun naman eh. He fiscalizes but he also cooperates. Yun ang gusto ko sa minority eh. Nung minority leader ako ganun ako eh. Hindi ko naman sila pinahirapan eh. So siguro, kumbaga sa ano goldern rule, do unto others hindi ba?

Q: Kumbaga, I don't know if you will agree with me, pag sa taumbayan, ay ilalaban ko ng pitpitan yan.

SP Sotto: Oo. Whether gusto o hindi ng administration basta maganda sa taumbayan ilaban mo.

Q: Yung tubig please, yung problema dun isa yun.

SP Sotto: Kaya nga eh. Eto yung Public Service Act, kailangan ma define naming mabuti yan. Ma define nating mabuti yan - hanggang saan ang gobyerno dyan, hanggang saan sila. Hanggang saan ang pananagutan nila. Yun ang mga yun eh.

Q: Yun sasabihin mo talaga taumbayan ang sapul, tubig yun eh.

SP Sotto: Oo grabe eh. Bukod dun meron pang, may mga 2-3 pa yung nawawala sa isip ko eh.

Q: Ok lang yun, tapusin muna itong bilangan, SONA, then magtrabaho na kayo.

SP Sotto: Oo definitely kasi nga Monday ng tanghali, yung first day naming, May 20, humingi na muna agad ako ng lunch-meeting with the members of the majority eh, saka ko kakausapin sila Sen. Drilon thereafter pagkatapos namin itong pag-usapan, kung ano-ano pa itong mga ipa-prioritize namin in the next three weeks. Ito nga, itong mga binanggit ko, alam naman nila yan. Pero just in case, mabuti na yung ang nagsasabi ng tapat ay nagsasama ng maluwag.

Q: Mabuti na lang hindi ginulo utak nyo ni Bikoy. Akala ko maiimbestigahan pa, sayang lang oras nyo eh.

SP Sotto: Oo sayang oras, oo. Wala naku! Grabe! Nung unang araw na marinig ko, nag ring name na kagad sa utak ko yun. Aba! Ano ba ito? Parang pamilyar ito eh. Eh magaling yung bata ko, yung political officer ko. Akalain mo maitabi nya lahat pati yung visitor's pass at saka nakuha nya yung mga pangalan ng mga guwardya. Kaya nung isang araw nagsisinungaling na naman si loko, ako daw ang mali hindi ba? Naku! Supalpal sya kay Hutch. Baka iharap sa kanya yung mga guwardya kung sino nagsama sa kanya di ba? Yun lang visitor's pass eh pati date, pati oras eh ubos na sya dun eh. Nakalagay yung pangalan nya eh.

Q: May mga naririnig ako na, of course may mga dynasty issue before. Now na napakaraming Sotto. How do you address na hindi ganun ang maging impression sa pamilya Sotto?

SP Sotto: Well yung dynasty kasi, yung political dynasty, 2 perspective ko dyan talaga. Dito muna tayo sa nangyayari sa atin ngayon, pamangkin ko yung mayor sa Pasig tapos eh yung anak ko vice mayor nung Quezon City, hindi pwesto ko eh. Hindi ba? Hindi ako mayor na vice mayor ko yung anak ko eh hindi ba? Yun yung mga medyo tumataas ang kilay ng mga kababayan natin eh.

Q: Pero naging vice mayor ka huh.

SP Sotto: Naging vice mayor ako dati pero ibig sabihin hindi yun sagasa dun sa issue ng anti-politicay dynasty eh. Nagkataon nga lang na kung saan, saang lugar sila nakatira eh nakakapag serbisyo sila at binoboto naman sila eh. Yun yung isang issue dun. Ngayon doon sa main issue talaga ng anti-political dynasty, noong araw, tandang tanda ko ito, nung 10th Congress, si Orly Mercado nag i-sponsor nyan sa Senado. Meron sa amin yan nung araw eh. Nalikot-likot ko lang tanungin during the interpellation, kasi nag-iisip ako sa sinasabi nya, sabi nya second degree of consanguinity - ibig sabihin anak, kapatid, asawa - di ba? Yan yung mga kasama sa second degree. Sabi ko pano yung mistress? So tumayo ako, tinanong ko sya. Your honor, sabi ko papano yung mistress, kasama ba yun? Sabi ni Orly sa akin, teka muna eh di ilagay natin sa batas. Nung sinabi nyang ilagay natin sa batas, si Neptali na presiding officer nun, Neptali Gonzales, bumaba, nagparticipate sa amin. Ang sabi ni Neptali, you cannot legalize the illegal. Eh kabit nga eh tapos sasabihin mo ilalagay natin dyan bawal din ang kabit. Eh di nire recognize natin yung mistress. Sabi nya. Words nya yan huh inuulit ko lang yung sinasabi nya. Sabi ko, teka i-resolve muna natin yan. Nabaon na yun. Hindi na napag-usapan namin dahil hanggang ngayon hindi nare resolve yung issue na yun kung papano. Isipin mo nga, legitimate na asawa mo, nanalo ka mayor ng Manila tapos dun sa Anti-Political Dynasty Law natapos yung term mo, same na taon, hindi pwedeng tumakbo yung asawa mo. Hindi pwede. Pero yung mistress mo pwede. Dini disenfranchised mo yung legal na pamilya. Di ba? O kaya yung anak nung mistress mo na hindi mo anak, pwedeng tumakbo? Yung anak mo hindi? Yun ang issue namin. Sabi ko, until we resolve that issue, sabi ko, susuporta ako pagka na solve na natin yung issue na yan.

News Latest News Feed