Press Release
June 4, 2019

Transcript of Interview of Senate President Vicente C. Sotto III with Ted Failon of DZMM

Q: Last day na po ng session sa Senado, ano po ang pag-asang maipasa ng mga certified bills ng Pangulo?

SP Sotto: Pipilitin namin pigain nitong araw na ito yung ROTC bill at saka yung Public Service Act, and yung Foreign Investments Act. All the rest puro third reading ng mga local bills, at saka third reading ng mga bills namin katulad ng mga additional hospital beds, maraming local bills, kahapon 71 yung pinasa namin.

Q: Yung binabanggit ninyo na Public Service Act, yung counterpart po niyan in the House, okay na po?

SP Sotto: Oo, meron. Ang pag-asa diyan, dahil alam mo naman hindi na pwedeng magkaroon ng bicam, unless paper bicam at mamayang gabi din, iratify nila kahit tapusin kami ng alas-dose ng gabi, kung hindi rin lang ganun, ang pag-asa is iadopt nila yung version namin. Or, sa debate namin, iadopt namin yung version nila. Yun ang pinakamabilis na pwedeng mangyari.

Q: For example po, binanggit po ninyo, pipigain itong ROTC bill kung kakayanin, ang akin pong concern po dito Tito Sen ay baka ho yung kalidad ng batas hindi po talaga masidhi ang pag-aaral?

SP Sotto: Correct. Yan ang isa nga sa babantayan natin kaya nga sabi ko, kung hindi rin lang naman magkakaroon ng kasunduan na magkakaroon ng paper bicam, sapagkat hindi maaaring hindi kami magkaroon ng mga amendments, mapipilitan tayong magrefile na lang sa July.

Q: Yung sin tax po, kamusta naman po iyon so far? Maiba-bicam po ba ito o kung baga ang mangyayari po ay iaadopt na lang po ng Lower House yung version po ninyo para mamaya po sa ratification mabilis?

SP Sotto: Ang pagkakaalam ko, kagabi, as we passed it on third reading, dahil certified urgent naman yan, ang pagkakaalam ko, naghihintay ang House kagabi at iaadopt nila. So, nakauwi na ako, hindi ko alam kung nagawa nila yun, kung naadopt nila yun. Kung hindi, may pag-asa pa rin itong araw na ito na magratify sila, kung kailangan kaming may baguhin o kaya iaadopt na nila yung amin. Maya-maya lang malalaman ko kung inadopt nila o hindi, but definitely within today, siguradong pasado yun.

Q: Ito pong sin tax na ito, ito po ay sigarilyo po lamang?

SP Sotto: Sigarilyo pa lang, oo. Yung dating hatian ng mga iba't-ibang koleksiyon sa excise tax, di ba dati meron sa mga probinsiya, ay nilinaw mabuti kasi kailangang linawin yun, na papunta ng PhilHealth yan, papunta yan ng health insurance at hindi baka may mga singit-singit na sa iba napupunta.

Q: Kasi po ang ating worry, kung lahat po ay magmamadali, kasi po baka sa bicam naman, mag-iba ang version, kung hindi po ninyo (unclear) kung wala kayong tao na uupo.

SP Sotto: Hindi tayo papayag. Lalong malilikot yun na ganun. Basta ganun nakaconfine na sa sigarilyo yun at sa mga e-cigarettes, at saka sa heated tobacco, yung vape. Kasi sa kasalukuyang, walang tax yan. At yung mga manufacturer, puro yung pinapasok dito mga smuggled o kaya nagpapabili sa abroad. So, sinama na ito rito pero inumpisahan muna ito sa 10 percent. Yung sa sigarilyo, from P35, magiging P45 as of January 1, 2020 ang effectivity to give time to the tobacco industry to prepare and then P5 every year for the next four years.

Q: Ang session po talaga ng 17th Congress ay hanggang today na lang po?

SP Sotto: Technically hanggang Wednesday, sana pero nadeclare na Eidl Fitr.

Q: Kung sakasakali po, because technically din your term, itong term ng 17th Congress, is until noontime of June 30, right? Kung sakali po bam, pwede pang magpatawag ng special session ang Pangulo?

SP Sotto: This is adjourned sine die, mukhang hindi. It will be violative of the Constitution, kaya ang Congress ay mandatong huminto ng June 7, kasi July 22 yung opening ng next Congress, merong certain 60 days, mga ganun, may specific time frame from the next Congress to the next Congress ang Constitution. The exact number sketchy din ako pero merong ganun, so hindi kami talagang pwedeng mag extend more than June 7. The maximum is June 7. It is a constitutional provision, so hindi basta-basta makakatawag ang Presidente ng special session during the adjournment sine die. That will be a very questionable issue, debateng mahaba yan kung pwede yan, pwedeng itanong sa Supreme Court yan.

Q: Inaprubahan po ng Senado yun pong pagpapahintulot na yun pong bahagi po ng property ng UP ay maidispose? Can you tell us about this?

SP Sotto: Yung Krus na Ligas, nung araw pa yun, panahon pa yata ng mga Kastila, meron talagang area doon sa Krus na Ligas, na pag-aari ng UP kung tutuusin, sapagkat yun yung nakasama sa (unclear) nila, property, ika nga ay naka link sa kanila mismo. Ngayon, matagal ng panahon na yan, yung mga nakatira doon, ilang taon na, gusto nilang kanila na yun. Nakatira sila doon eh. So ang ginawa ngayon ng Quezon City government, nirequest sa Kongreso, na payagan silang bilhin at pumayag naman ang UP, meron na silang (unclear) bibilhin nila yun, ng city government ng Quezon City, pagkatapos, ibebenta nila doon sa mga nakatira pero hulugan. At meron ding mga (unclear) yun na hindi nila pwedeng ibenta. Pag ibebenta nila dahil mamaya, syempre sa tamang presyo lang ibibigay sa kanila yan ng gobyerno, pagkatapos ay maya-maya ibebenta, pag ibebenta, nakalagay doon sa batas na ang city government dapat muna ang kanilang pag-alukan. First refusal muna sa city government.

Q: Pero hindi po Maaari itong idispose commercially ng city government?

SP Sotto: Hindi. Talagang para sa mga residents yan na matagal ng nag-aalsa sa Krus na Ligas.

Q: Ito po ba ay nangangailangan pa ng implementing rules?

SP Sotto: Hindi na, sa tingin ko hindi na. Maliwanag yung batas. At saka yun nga sana lately, yung mga sinasabi ko na iwasan, yung hangga't maaari, ilaagay natin lahat sa batas yung dapat laman doon, sapagkat kung minsan yung inasa mo sa IRR, sa pagmamadali iaasa mo sa IRR, nababago yung batas sa IRR.

Q: Kasi po yung concern dito ng iba sa naturang property, prime property po ito sa ngayon, na baka po kalikutin ng mga malikot, at mapunta na naman sa pribado.

SP Sotto: Biglang naging wall. Hindi mangyayari. Babalik sa city government ang pagbebenta pag ibebenta nila.

Q: Ano po ang balita ni Vice-Mayor Gian? Meron po silang pondo sa city hall?

SP Sotto: Ang kwento parang nangangapa pa sila. Hindi ko pa alam ang tunay na kwento.

News Latest News Feed