Press Release
June 8, 2019

Excerpts from DWIZ's Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Q: On the issue on Philhealth

SFMD: Ako'y nanawagan sa COA na magkaroon ng special audit tungkol dito,dahilan sa ang laking pera ang pinag-uusapan dito. Ang universal healthcare (UHC) ay para sa lahat lalo na sa mahihirap na magkaroon ng sapat na gamot at serbisyong pangkalusugan. Kung totoo itong nangyayari na maraming raket diyan sa Philhealth, ako'y nananawagan sa COA na magkaroon ng special audit, because we cannot tolerate this. We must send people to jail for this. Pagbalik ng Kongreso sa Hulyo, kami ay magpa-file ng resolution asking the Committee on Health at Blue Ribbon committee to look into this in much detailed.

Q: Kasi mabigat na kasalanan ito dahil ito'y para sa health services ng ating mga kababayan...

SFMD: Tama po iyan, malaking kasalanan at dapat ay may managot. Matagal na nating naririnig ito at mukhang hindi natitigil.

Q: Bakit ganito parang walang nangyayari at paulit-ulit lang?

SFMD: Kaya nga siguro kasi, alam mo Cely, ang importante sa sambayan ay yung enforcement ng ating batas; yung example; doon matatakot yung gagawa ng masama; diyan natin mapapatino yung bureaucracy sa ika nga ay certainty of punishment na kapag nahuli ay mayroong parusa. Kung walang nangyayari ay magpapatuloy ang ganitong klaseng gawain kung totoo man. Kailangan ay makasuhan ang mga ito para hindi na maulit.

Q: Sa pagpasok ng 18thCongress kaagad magpapasa ng resolution ang minority?

SFMD: Tama po iyan. Pagdating ng bagong kongreso kaagad naming ihahain ito. Sana ito ay bigyan ng unang priority dahilan malapit na naman ang budget hearings at tatalakayin na naman ang appropriation para sa UHC. Hindi po makakaya kung sa budget lang. kailangan na may hiwalay na hearing. Ngayon pa lang ay hihingin ko na kay COA chairman Michael Aguinaldo na magkaroon ng special audit dito.

Q: Yung naging direktiba ni Pangulog Duterte na imbestigahan yung mga taong sangkot dito, ano po ang pananaw n'yo rito?

SFMD: Sang-ayon po ako diyan. Dahilan sa mga balitang may mga fraudulent claims. Importante ito dail daang bilyon ang pera sa Philhealth at itong bagong batas na tinaasan ang excise tax sa tobacco at ang lahat ng ito ay pupunta sa UHC kaya lalong madadagdagan ang pondo nila. Ito ay para sa mga mahihirap nating kababayan kaya dapat lamang ay mailagan sa tama.

Q: Maari po bang gamitin sa pilgrimage ang Marawi rehabilitation fund?

SFMD: Kahit po si Sec. Panelo, sinabi niya na dapat magpaliwanag ang mga ahensya kung ano ito dahilan sa sinabi niya na ito'y technical malversation. Ang COA naman ay independent constitutional body kaya aking hinihiling sa kanila na ipagpatuloy nila ang kanilang pag-iimbestiga dito sa paggamit ng pondo sa Marawi rehabilitation diyan sa pilgrimage. May proseso po sa ating Saligang Batas kung paano itong audit dito. Independent ang COA at hindi siya pwedeng utusan ng executive.

Kung ano man po ang nasa budget, iyan po ang dapat paggagamitan ng pera. Ngayon may mga pamamaraan para magkaroon ng realignment at ang Pangulo naman ay may karapatan na mag-realign ng pondo. Hindi ko lang alam kung ano ang sitwasyon dito. Kung walang realignment, baka may problema itong HUDCC.

Q: Kung hindi dumaan sa ganitong proseso, technical malversation po ito?

SFMD: Iyan ang sa aking tingin, iyan din ang tingin ni Senator Lacson at Sec Panelo.

News Latest News Feed