Press Release
June 16, 2019

Transcript of DZBB's Interview with Senate Minority Leader Franklin M. Drilon

Q: On the Chinese abandonment of Philippine vessels

SFMD: Unang-una, sa lenggwahe ng kalsada, masyado naman tayong ginagago ng pamahalaan ng China. Unang-una liwanagin natin, sila po ay may responsibilidad dahil inabandona nila yung ating mga mangingisda na muntik nang malunod; 22 mangingisda ang muntik nang mamatay dahilan sa iniwanan nila matapos nilang mabangga.

Iyan po ay labag sa kanilang tungkulin sa international law, lalo na sa international convention on the safety of life at sea (SOLA) at sa UNCLOS. Ang sinasabi ng UNCLOS, bawat gobyerno ay may responsibilidad na i-require yung kanilang registered vessel to rescue whoever is in danger of being lost at the sea. Ibig sabihin kapag meron kang nakita sa dagat na in distress ay dapat bigyan mo ng saklolo.

Ngayon, we should hold China responsible for this incident. May United Nations diyan, may international forum kung saan pwede natin itong dalhin.

Yung sinasabi nila na ito'y accident, sa aming mga abogado mayroong sinasabing rule sa ebidensya na flight is evidence of guilt - kapag ikaw ay tumakbo, iyan ay evidence na ikaw ay may sala. Yung hit and run situation sa ating mga kababayan, simple lang ito, kapag nabangga mo at tumakbo ka, iyan ay pwedeng sabihing evidence of guilt. Ngayon sinasabi nila na kukuyugin sila ng 7 o 8 fishing boats na nadoon, kung totoo na nandoon yung mga bangka ng Pinoy, bakit mahigit isang oras bago sila ma-rescue ng Vietnamese vessel.

Q: Ibig sabihin hindi po katanggap tanggap yung kanilang sinasabi, parang palusot na lang?

SFMD: Tama po, kasinungalinan. Naghahanap ng palusot. Uulitin ko lang, paano nila sasabihing natakot sila na lusubin sila ng 7 o 8 fishing boats, bakit hindi nangyari na itong 7 o 8 fishing boats, hindi sila na-rescue at mahigit 1 oras silang palutang-lutang doon bago sila ma-rescue ng Vietnamese vessel. Ibig sabihin, ito'y ebidensya na nagsinungaling sila at sinasabi nilang itoy aksidente at hindi nila ni-rescue dahil natakot sila sa 7 o 8 vessels na nandoon.

Q: May sinabi kayo na we should hold China accountable, paano poi yon?

SFMD: Alam mo, we should continue exerting international pressure. Ibigi sabihin, dalhin natin ito sa UN assembly, ihayag natin. Ito' hindi lang isang banggaan. Sa akin, ito'y nagpapakita ng mindset ng China na apihin ang Pilipinas dahil sa ating claims sa West Philippine Sea (WPS). Sinasabi nila na amin ito, hindi kayo pwedeng mangisda dahil teritoryo naming ito. It should be taken in that context. Hindi lang isolated incidence, sa akin ito'y nagiging pattern ng pang-aapi at pambu-bully nitong China.

Q: Ibig sabihin po ba, willing victim tayo kasi napaka-welcoming ng Duterte administration. Sa WPS hindi tayo masyadong nag-iingay; sa panaho ng Aquino admin nagpupunta tayo sa UN to internationalize the issue.

SFMD: Tama po iyan. Sinabi nila hindi dapat i-politicize ito ngunit hindi maiwasan na isipin na ito'y bahagi ng kanilang polisiya na angkinin ang buong WPS. Sinasabi nila na amin it, babanggain namin kayo para ipakita na bawal kayo rito.

Q: Ang foreign policy po kasi ng Duterte administration ay gusto ay bilateral. Sa tingin po ninyo hindi effective iyon?

SFMD: Dito ipinapakita na hindi effective. Babalewalain tayo ng China. Malakas ang kanilang ekonomiya. Malakas ang kanilang sandatahang lakas. Kaya yung ating sinusulong ay multi-lateral ang usapan dito. Hindi lang naman Pilipinas ang nagke-claim dito. Maraming involved dito. Para sa stability and peace ng WPS, dapat maraming bansa ang nag-uusap. Hindi ubra ng China at Pilipinas ang nag-uusap; dapat lahat ng involved sa disputes ay maupo at pag-usapan ito.

Q: Sinasabi nila na Chinese fishing vessel daw po iyon, pero sinasabi si Justice Carpio na possible na militia vessel iyon, magkaiba po ba ang bigay kung iyong ay militia vessel of fishing vessel?

SFMD: Certainly, dahilan sa ibig sabihin kung militia vessel, ibig sabihin non ay the government is directly involved. Ibang usapan na iyan. Kaya sa akin kasama sa remedy ay dapat i-release ng China ang pangalan ng boat captain. Kasama sa pagpapaliwanag nila yung i-release ang pangalan at tripulante para malaman nating kung commercial o militia.

Q: Whether civilian or miltia, ano po ang gusto nating gawin sa kanila? I-extradite para litisin?

SFMD: At the very least, dapat humingi tayo ng apology sa kanila. Militia man o hindi, kamuntik ng mamatay ang 22 sa ating kababayan. An apology is in order. Nagkasala sila. Whether deliberate or by accident, ang China ay nagkamali rito dahil binangga nila ang Philippine vessel na muntik ng ikamatay ng 22 Pilipino. We should demand an apology from them.

Q: Kung apology, kung titingnan yung statement nila hindi ganoon ang direction.

SFMD: Tama po iyan. Hanggang ngayon sinasabi nila they'll investigate. Part of the investigation, pwede ba naming malaman kung sino ang kapitan. Kung accident ito, dapat naman ay mag-apologize sila sa nangyari. An apology will be well taken.

Q: Sa pag-internationalize ng usapin may tweet si SFA na nabibili yung international community.

SFMD: Siguro naman maraming hindi sang-ayon sa ganong klaseng assessment na nabibili yung UN. Ang UN at international body na respetado ng maraming bansa.

Q: Since nangyari ang incident, tahimik po ang president, should he speak up?

SFMD: Yes, dahilan sa ito'y involving the sovereignty of the country, nangyari sa disputed area; hindi pwedeng sabihin na maritime accident o maritime law lamang. Dito ay involved ang ating national sovereignty at national pride.

Q: Paano ito makakaapekto sa buid, build, build program (BBB)?

SFMD: Dapat hindi, dahilan sa ibig naman nating makita na halimbawa itong BBB, utang naman ito, hindi ito grant. Pangalawa, ito naman ay involve ang ating national pride at sovereignty. Sa palagay ko naman ang interest sa mga iyon ay magkaiba naman.

Q: Kasi Sir mayroon nagsasabi na i-calibrate yung pagiging best friend sa China kasi hindi ganon ang trato sa atin?

SFMD: Opo, kaya sa akin po,yung i-calibrate walang kwestiyon diyan. But to assert our sovereignty and point out the indignity they committee against our people is something that we must sustain.

Q: Next Congress gaano po dapat maging ka-engaged ang senado sa issue na ito kasi itong 17thCongress walang naging stand ang senate?

SFMD: Nakakalungkot po na hindi ito pinansin ng committee on foreign relations noong nakaraang kongreso. Ang sabi mo nga, wala ka masyadong narining. The next Congress should do better than that.

Q: Kailangan bumawi.

SFMD: Kailangan bumawi, opo. Hindi ko lang alam kung sino ang susunod ang chair.

Q: Si Koko Pimentel daw po.

SFMD: Tingnan natin ha, kung si Koko man, ang orientation niyan ay abogado, itong mga nangyayari ang kailangan nito ay rule of law. Bilang abogado, si Sen. Pimentel ay dapat ipakita niya na dapat ang batas ang susundin sa mga bagay na ito.

News Latest News Feed