Press Release
July 29, 2019

Win transcript DZBB Interview on the suspension of PCSO gaming activities

DZBB INTERVIEW WITH MIKE ENRIQUEZ | SUSPENSION OF PCSO GAMING ACTIVITIES

PROPOSED PRIVATIZATION OF PCSO

Q: I-private ang PCSO?

SEN WIN: Unang-una suportado tayo sa ginawa ng Pangulo na isara ang PCSO para matigil ang korupsyon dahil matagal na natin naririning ang korupsyon na ito at hindi lang korupsyon kung hindi mismanagement. Tatandaan natin noong 2017, gumastos ng napakalaking halaga itong PCSO sa isang Christmas party na ang trabaho nila magbigay ng tulong sa mahihirap natin na kababayan pero gumastos sila ng 6 bilyon pesos para sa Christmas party. Ang pananaw ko dito ay dapat simplehan ang proseso dahil ang PCSO malaki rin ang kinkita, almost 60 billion pesos a year ang kinikita nito at almost 15 billion para sa pagtulong sa ating kababayan kaya malaki din ang ambag na naibibigay nito sa mga mahihirap natin mga kababyan. Ang pananaw ko dito ay simple lang, ang gobyerno ay dapat mangolekta lang, so ibig sabihin, itong mga operasyon ng mga lotto, STL at perya ng bayan ay dapat ibigay na sa private sector, monitoring supervision at collection ang government, at yung perang nakukuha ay ibigay na direkta sa DSWD dahil ang DSWD, ang mandato ay tumulong sa mahirap at nasa kanyang listahan ang bawat mahirap natin kababayan. So simple lang, collect and let DSWD ang mamahala na tumulong sa kababayan natin.

PROPOSED COLLECTION

Q: Ang mangogolekta PCSO?

SEN WIN: Pwedeng DOF na, Department of Finance, ang trabaho ng DOF any mangolekta so isama na sa DOF yung responsibilidad ng pangkoleta--

Q: Ang DOF ay gobyerno pa rin ano itong balita na ang mungkahi ninyo ay isapribado? Anong ibig sabihin nun Senador?

SEN WIN: I-privatize ang operations nito tulad ng sa Lotto, STL, tulad ng iba pang games nito dahil sa loob nito maraming netong mga games so ibig sabihin, for example, gusto natin magkaroon ng isang game, yung private sector na ang mag operate at i-guarantee na lang magkano kikitain ng gobyerno, kunyari sa isang taon, 10 billion, pag kita ng gobyerno diyan, yung kitang 10 billion ibigay na directly sa DSWD.

Q: Pano natin malalaman na kung may korupsyon, sabi nga ng Presidente talamak na ang korupsyon sa PCSO na isang ahensya ng gobyerno, pano natin malalaman kung maisapribado po yung sinasabi niyong yan eh mawawal ang korupsyon? Eh kahit sa pribado meron din mga corrupt Senador eh, pwedeng mag kuntsaba yan?

SEN WIN: Para sa akin mas madaling i-audit at i-monitor dahil sa ngayon ang dami sa gobyerno pinagtatakapan at ginagamit yung mga tiga loob ng PCSO. So for example, sa collection, ina-under value nila and collection at hindi binibigay sa gobyerno. So kung tatanggalin mo yung participation ng gobyerno at limitado na lang ito sa audit at collection, mas simple ang sistema, kung ang gobyerno, siya ang mag-ooperate, siya pa ang mag au-audit ng sarili niya edi talagang korupsyon ang mangyayari pero para sa akin ang simpleng proseso mas madaling ma-monitor at mas madaling mangolekta.

FUNDS SHOULD GO STRAIGHT TO DSWD

Q: Ang tinitignan ng mga negosyante ang tinatawag nilang bottomline o yung tubo nila, papano natin masisiguro na hindi mababawasan, bagkus, madadagdagan pa, sana nga yung pera na ginagamit ng PCSO para tulungan yung mga mahihirap, para sa kanilang pangpapagamot ang iba pang kailangan?

SEN WIN: Ang pribado mag efficient kaysa sa gobyerno, ang pribado, ako dumadaan ako sa EDSA at expressway every day, at nakita ko ho no na yung gobyerno pa itong itong highway versus private, ang private mas episyente, mas sanay sila sa mga ganitong operasyon, ako ay naniniwala kapag naisapribado itong operasyon ng PCSO at ang gobyerno at limitado lang sa koleksyon at audit, mas sisimple ang gagaan ang trabaho ng gobyerno at deretso na ito sa DSWD, dahil ang PCSO ngayon bumibili pa ito ng ambulansya, ng gamot eh ang ginagawa ng DSWD eh ginagawa din nila. Eh yung pagbili nga lang ho ng ambulansya, korupsyon na kaagad yun--

Q: Tapos may pulitika pa po yun kung malakas lakas kayo merong ambulansya kayo, kung ang Gobernador hindi malakas sa PCSO--

SEN WIN: May favoritism pa, kung bibigay na lang natin ito sa DSWD dahil ginagawa na rin yan. Sa ngayon may opisina ang DSWD nationwide mandato niya ay talagang tumulong sa ating mga kababayan. So ang aking konsepto ay simplehan ang proseso, ang gobyerno dapat limitahan lang ang responsiblidad sa pag audit at sa pagbenta at deretso na dapat ang pondo sa DSWD.

PROPOSED LEGISLATIVE / EXECUTIVE AGENDA FOR PCSO

Q: Paano ba ng proseso para masakatuparan ang mungkahi ninyong yan? Kailangan ba ng batas diyan? Kailangan ba baguhin and PCSO Charter kung ano mang meron niyan? Kailangan ba ng bagong batas?

SEN WIN: Dalawa nakikita natin no, unang-una dahil may Charter ang PCSO, dapat amendyahan ang Charter, palitan ang kanilang Charter, o i-abolish, ang PCSO at ilagay na lang ang responsibilidad ng collection sa DOF. Yung isang proseso po, yung Presidente pwedeng kaagad ayusin a limitahan ang responsibilidad ng PCSO sa auditing nad collection.

Q: kaya yun gawin ng Presidente kahit wala pang batas ganun ba yun?

SEN WIN: Kahit wala pang batas, kaya, dahil siya ang pinaka administrative officer ng EO.

Q: Maraming nangangamba na ospital, doon sa mga PCSO lang nakakahingi ng tulong pangtustos sa gastusin nila?

SEN WIN: May naririnig akong mga ganyang balita pero ang DSWD ay tuloy-tuloy ang kanyang pagtulong, malaki rin ang tulong ng DSWD, billions ang pondo ng DSWD kaya dapat DSWD alisto na pumasok sa responsibilidad ng PCSO para hindi maputol ang tulong.

Q: Maraming pera sa gobyerno, kailangang lang alam mo lang kung paano gagamitin ng tama, napakarami daw ng pera natin Senador?

SEN WIN: tama yan kaya ako ay naniniwala na tayo ay dapat episyente dahil isang napaka laking ahensya ang PCSO na siya na nga yung nag ooperate, siya rin yun nag ko-collect, siya rin ang nagbibigay ng tulong eh. Simplehan na lang natin ang pangolekta sa DOF at ang DSWD ang magbigay ng tulong dahil ang mga ahensya na ito, exisiting na ito, hindi na kailangan kumuha ng mga tao--

AMENDING THE PCSO CHARTER AND INVESTIGATION

Q: Yang mungkahi na yan kailangan mag file ng resolution o bill?

SEN WIN: Sa ngayon, ginagawa na ho namin yung pagamyenda ng Charter ng PCSO para masimplehan. Ang ating direksyon naman ay simple-- dapat madaling intindihin ng mga taong bayan ang proseso para mas madali. At yan po ay ginagawa na ho namin at isu-submit na ho natin yan sa Senado.

Q: Kasama na ba ho diyan ang pang imbestiga sa PCSO?

SEN WIN: Kasama na ho yan sa pag amyenda at pagayos po ng charter, kasama na rin kung bakit natin ginagawa ito tapos yung mga issues sa korupsyon lalo na sa collection at pagbili ng gamit.

News Latest News Feed