Press Release
July 29, 2019

Win transcript ambush interview on the suspension of PCSO gaming activities
AMBUSH INTERVIEW | SUSPENSION OF PCSO GAMING ACTIVITIES | SENATE OF THE PHILIPPINES

Q: Is there a need to look into the President's decision to shut down lotto and other gaming outlets?

SEN WIN: I think there is massive corruption happening and since matagal na rin yung corruption na nangyari both operationally, in procurement and even in 2017, may Christmas party sila na sobrang mahal. This has been happening in the past. Shutting down PCSO is already needed, it sends the message to the people inside that the administration and the government is serious about fighting corruption. I agree that we have to stop corruption and this is one way of doing it.

Q: Hindi po ba masyadong drastic considering na yung mga lotto operators for example, hindi sila nasabihan ano ba ang naging problema?

SEN WIN: Pwede namang gawan ng contingency measures. Ang importante ngayon is mahinto ang corruption eh. Nangyayari na yan many many years at iilang tao na rin ang nalagay diyan at hindi nagbabago bagkus ay tuloy-tuloy pa rin ang corruption. Dapat mahinto na ito kung hindi ay hindi magiging seryoso ang tingin ng taong-bayan at ng iba pang government agencies sa laban against corruption. I do agree na kailangan ng palitan ang model ng PCSO. Ang aking proposal nga is very simple -i-simplify natin ang operations ng PCSO, i-privatize ang operations ng PCSO. Yung iba't ibang palaro roon like lotto, STL, at perya ng bayan at iba pa. Collecting agent na lang ang DOF ng kung anong babayaran nitong private companies at lahat ng nakolekta ay ibigay sa DSWD. Nasa DSWD na kasi ang database ng mahihirap nating mga kababayan so kanila na dapat ang tumulong sa mahihirap nating kababayan.

PRIVATIZATION

Q: Hindi ba dangerous kapag prinivatize yung nagpapasugal?

SEN WIN: Hindi, it's easier to regulate because the government will now concentrate on supervision, monitoring, regulation. Kung takot kang malaki siya, i-break up mo per region, per island, per province, break it up to smaller areas. Ang mahirap ngayon kaya may corruption, ang daming nakikielam, ang dami sa PCSO na nakikielam, ang daming tao doon na gusto gumawa ng pera, ang hirap kasi ang laki ng operations nila so we have to simplify in cases like this you have to simplify.

Q: How can you ensure na yung mag bibid hindi mga gambling lords?

SEN WIN: Ang dapat mag bid diyan is hindi criminal, we have to make sure, we have to investigate thoroughly. Itong mga gambling lords kailangan mo sila kasuhan para maging gambling lord siya, dapat may evidence but ang point dito is we have to simplify the operations kasi kung dating gawi walang mangyayari, 10 years, 20 years from now ganun pa rin. So anong modelo ang gagawin natin para simplified? Akin collection lang ng gobyerno, bigay mo sa DSWD, DSWD na ang gumastos. Ang ambulansya na binibili ng PCSO, tingin niyo walang patong yan?

COA

Q: Auditing ng PCSO di ba dapat COA yun?

SEN WIN: Yes, COA is auditing that, so auditing ng PCSO ginagawa naman ng COA.

Q: Nagtatatali yung nahuhuli ng COA?

SEN WIN: Hindi, from the COA report in 2019, merong underpayment ang PCSO sa national government so makikita natin na yung pera para sa national government hindi nila nareremit so meron rin mga nakita ang COA doon na hindi tama.

Q: Away lang to ng mga heneral?

SEN WIN: Ako, ang tingin ko dapat ayusin na ang PCSO permanently. Hindi lang personality ang palitan kung hindi yung model and operations ng PCSO ay dapat palitan at ibahin, dahil palitan mo yung tao diyan, pareho lang, ganun din. Change personality walang mangyayari, you have to change the model.

Q: Should the President identify these corrupt officials? And provide more details?

SEN WIN: Notwithstanding na babaguhin yung operations ng PCSO, dapat habulin pa rin yung mga nangurakot para parusahan--

Q: Sa pagtukoy sir hindi ba kayo natatagalan?

SEN WIN: I think they are now investigating and after the investigation hingiin natin kung sino ang mga ito at parusahan. The fight against corruption hindi lang dapat palitan yung sistema kung hindi parusahan din kung hindi uulit at uulitin lang yan.

SENATE

Q: Should the Senate step in?

SEN WIN: I think the Senate can step in when we will now change the system and the model of PCSO and my proposal is to simplify. Let the private sector operate, the government will just collect from the private sector andwill audit kung tama ba ng kanilang binabayad at pangalawa, lahat ng nakukuha bigay sa DSWD agad, wala nang bibili ng ambulansya, wala nang pila-pila, lahat DSWD na.

News Latest News Feed