Press Release
August 1, 2019

MENSAHE NI SEN. LEILA M. DE LIMA SA PAGGUNITA NG IKA-10 NA ANIBERSARYO NG PAGKAMATAY NI DATING PANGULONG CORAZON C. AQUINO

A decade has passed since the death of an icon of Philippine democracy, the passing of a truly great leader, the late President Corazon Aquino. Her legacy continues and remains not only in the hearts of Filipinos, but also in the millions of people around the world whose lives were touched by her fortitude, humility, dignity and heroism.

Courage, as we often say, is contagious. With President Cory's courage to stand up in the face of overwhelming odds of injustice, violence and impunity, she inspired and united our people to overcome their fear, to fight tyranny and restore our democracy.

Sa atin pong paggunita sa alaala ng isang huwarang Ina at pinuno ng bansa, lagi sana nating balikan at isabuhay ang kanyang natatanging tapang at paninindigan. Sa kabila ng pananakot at panggigipit ng mapaniil na rehimen, tinanggap niya ang hamon na mamuno para makabangon ang bansa mula sa diktadurya.

Malinaw naman po: Lahat tayo ay nagnanais na mawakasan na ang katiwaliang nagpapahirap sa bayan. Lahat tayo, gusto ng kaayusan sa lipunan. Lahat tayo, hinahangad na igalang ang ating karapatan hindi lang ng ating mga kababayan, kundi pati ng mga dayuhan. Nakita naman natin noon, at sa mga nangyayari ngayon, na hindi nasosolusyunan ng dahas at kamay na bakal ang ating mga problema, sa halip ay kumikitil lamang ng libo-libong buhay at pangarap.

Gaya ni Pangulong Cory, mangibabaw sana ang totoong malasakit at respeto sa buhay, dignidad at karapatan ng ating kapwa, na pundasyon ng isang tunay na malaya at makatarungang bansa.

LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame
1 Agosto 2019

News Latest News Feed