Press Release
August 7, 2019

Transcript of Interview of Sen. Francis "Kiko" Pangilinan
on Magna Carta for Dignified Commuting

Dobol A sa Dobol B with Ali Sotto and Arnold Clavio
7 August 2019, 10:30 a.m.

SOTTO: Bakit po kailangan isabatas, kailangan ng pambansang batas itong, para lamang--yun nga ang essence is to give dignity sa mga commuter?

CLAVIO: Wala na bang dignidad?

S: Alam mo kahapon sa 'carmageddon' feeling ko wala talaga.

SFNP: 'Yun nga eh. Kailangan isabatas dahil mukhang hindi nabibigyan ng kahulugan at kahalagahan ang ating mga kababayan mismo na pinakamarami na gumagamit ng ating mga kalye, ng ating public transportation pero sila pa ang pinaka-nagdurusa.

Ang average daw at ito'y napakaliit na nga siguro dahil the study is two or three years ago. Mahigit isang oras ang dinadaan ng ating mga commuters lalo na sa Metro Manila sa pagbyahe mula bahay hanggang trabaho at pabalik. Araw-araw ito. At ang JICA may study, and this is I think almost a 10-year-old study, so mas mahal na ngayon, ang nagagastos na oras in terms of pesos o halaga ay 3.5 billion pesos a day ang nalulustay o nagagamit dahil lamang naiipit sa traffic at nagkakaroon ng buhol-buhol na traffic at yung oras natin ay nasasayang.

Kawawa rin ang quality of life ng ating mga kababayan. Pagdating sa bahay, tulog na ang mga bata. Bago magising ang bata sa umaga, ang mga anak natin ay umaalis na, hindi na nakikita. Wala nang quality family time. Pagod. Pagdating ng weekends naman, sasabihin ng mga magulang sa mga anak nila, "Anak, kayo na lang gumawa niyan. Pagod kami. Kailangan magpahinga."

These all affect the quality of life ng ating mga kababayan. At hindi lamang sa Metro Manila. I've been around during the campaign at kapag may trabaho o speaking engagements outside Metro Manila, pati ang mga urban centers sa Visayas at Mindanao ang tindi na rin ng traffic lalo na sa mga lungsod.

S: Alam ko po yung thrust ng panukalang batas na ito ay those who take other than private vehicles, so 'yung pasahero ng pampublikong sasakyan. Tapos meron pa ngang active transport like walking and biking. 'Yun po ang thrust nitong panukalang batas?

SFNP: 'Yun din ang pinaka nakararami. Base sa mga datos na nalikom po natin, 70% ng ating populasyon, 20% lang ng kalye at ng imprastraktura ang ginagamit. Ibig sabihin, mas maraming sasakyan na kakaunti lamang ang gumagamit at mas marami namang tao na 'yung mga pampublikong transportation ang ginagamit. So ibig sabihin, we have to focus on the 70% na talagang sila ang nagdurusa dahil naka-focus masyado sa mga car owners ang mga patakaran. At 'yung mass transport system napapabayaan. Ang mga sidewalk napapabayaan. Ang walkways napapabayaan dahil hindi naman ginagamit ng mga may sasakyan 'yan eh. Pero ginagamit 'yan ng ating mga pedestrians, ng mas marami nating mga commuter na 70% ang napapabayaan habang 'yung 30% lamang ang nabibigyan ng oras at tutok.

S: So ano po ang magiging salient points ng panukalang batas na ito?

SFNP: Una, kikilalanin natin na may karapatan ang ating mga commuter. Kung baga, kung mayroong karapatan ang mga mahihirap o Magna Carta for the Poor, kung may karapatan ang ating mga OFWs o Magna Carta for Overseas Filipino Workers, kailangan mayroon ding pagkilala na ang mga commuters natin ay mayroong karapatan din dahil araw-araw sila bumabyahe, umaga, hapon, gabi at hindi nabibigyan ng importansya ang kanilang mga karapatan at ilan sa mga karapatang iyan syempre 'yung karapatan para ligtas sila sa polusyon dahil nga napakadumi ng hangin sa lungsod. 'Yung karapatan nilang magkaroon ng access dito sa public transportation at infrastructure. Kinakailangan ding kilalanin ang kanilang sakripisyo at oras. Nalaman din natin na kapag pala nasira itong MRT halimbawa at ikaw ay biglang kinakailangang lumabas doon sa linya at maglakad, ang MRT wala ho 'yang refund. Eh 'di ba karapatan natin 'yan 'pag hindi ka--

S: Soli pera

C: Alam ko kasama sa pasahe may insurance yata 'yan, mga bus may insurance ata 'yan, Senador. 'Di alam ng pasahero 'yun eh.

SFNP: Exactly, kaya nga itong mga karapatan na ito, in fact ang public transport, kinikilala 'yan ng ating batas, ng civil code, ng iba pang mga transport code, na napakahalagang public service 'yan na dapat talagang binabantayan at hindi basta-basta nagkakaroon ng kapabayaan. Kapag public utility 'yan, dapat nirerespeto, kinikilala at binibigyan ng kahalagahan ang ating publiko at mga sumasakay dito sa mga bus na ito.

Kaya naman nais natin isabatas ito para maliwanag, kwentas klaras ika nga, na ito ang mga karapatan at mahalagang dapat respetuhin ng ating mga -- whether private sector or government sa ating mga commuter.

S: Kapag hindi po binigay sa mga commuter 'yang safe, reliable, adequate needs of transportation na 'yan, meron silang legal remedy, 'no, to go after?

SFNP: Yes, mayroon--

S: May karapatan din to demand it and hold people accountable 'pag hindi--

C: Hindi ho sapat yung mga existing laws? Baka kulang lang sa kaalaman ng mga umiiral na batas 'yung mga motorista.

SFNP: Tama. Maaaring ganun nga ang isang dahilan kaya nga para mas magkaroon ng mataas na kaalaman at dagdag na kaalaman at interes, palagay ko kinakailangan nating punuin at ilagay sa isang magna carta itong iba't ibang--[INAUDIBLE]

---

SFNP: Ilan sa mga karapatan, 'yung right to information for efficient and convenient travel. Alam niyo sa ibang bansa, kahit na ikaw ay dayuhan, maliwanag ang mga signs, maliwanag ang mga instruction. Hindi ka maliligaw.

S: Eh tayo nga local na minsan paikot-ikot ka na. Talagang 'yung signage hindi mo masasandalan.

SFNP: So, sayang ang oras, ang panahon. Naliligaw ang tao, hindi madali, napapahirapan pa ang tao. So 'yung karapatan na magkaroon ng tamang information, tamang mga signages dapat karapatan ng bawat commuter 'yan.

'Yung karapatan para sa compensation for public transportation breakdown. Kinakailangan isauli, hindi 'yung pwedeng bahala na si Batman, magtiis kayo. Hindi pupwedeng ganoon.

The right to road safety. Karapatan nating maging ligtas sa mga kalyeng ito. At kinakailangan maimplementa ang safeguards para tiyak na ligtas ang ating mga commuter. Magbibisikleta ka, kinakailangan nakakatipid ka na sa gasulina, etc., nakaka-exercise ka pa. Pero kung hindi ka naman ligtas, eh baka ikaw ay maya-maya maaksidente dahil nga walang ganitong klaseng safety requirements. Eh 'di dapat karapatan din ito ng ating mga kababayan.

Nais nating baguhin. Sabi nga lahat ng mga batas, aspirational 'yan eh. Gusto nating mapagtapos ang ating mga anak, eh 'di dapat may free education, free tuition sa college, 'di po ba? Ganito rin dito. Gusto natin mas maging maginhawa ang ating mga commuters sa kanilang pagbabyahe to and from home and work. Kaya ito ay aspirational. Kinakailangan itulak itong mga ganitong klaseng magna carta.

S: Kaugnay na rin ng isinusulong ninyo na mass transport over itong mga private vehicles na ito, so ano pong stand ninyo sa move na i-ban ang provincial buses sa EDSA na a lot of people see as anti-poor?

SFNP: Well, 'yun nga ang debate eh. In fact hindi nga debate. Mas marami ang problemang dulot ng private cars at vehicles sa paggamit sa ating mga kalye dahil nga 80% ng mga gumagamit ng public transportation eh yung masa. 20% lang ang ginagamit na kalye. 'Yung 80% ng kalye ang gumagamit 'yung private.

S: Na one is to one ang ratio ng drayber at saka ng sasakyan.

SFNP: So ang tinututukan natin 'yung public transport na 20% lang talaga ang nagagamit nila sa kalye dahil 80% nung kalye ay gamit ng private vehicles. So ano'ng magiging solusyon nun? Babawasan mo ang bente porsyento, magiging sabihin mo 15% o 10% pero 'yung 80% na ginagamit ng private sector, nandoon pa rin.

'Yun ba ay solusyon o stop-gap lang, parang band aid? Mababawasan nang konti pero hindi pa rin matutugunan ang kabuuan. Kaya mahalaga din dito, itong panukalang batas na ito, makipag-ugnayan tayo sa mga NGO ng mga commuters mismo na araw-araw dinadanas ang mga problema, 'yung AltMobility group. Sila ang kasama sa pagbabalangkas nitong batas na ito. Ang pinakamahalaga dito, kung sino ang pinakamarami, 'yan 'yung mga commuter, sila ang dapat bigyan ng mas malakas na boses dahil sila rin ang susuporta dito sa mga batas na ito. Sila rin ang susuporta sa pagpapatupad nito dahil pinakamarami sila. The chances of it becoming successful, and other stakeholders will participate, will be greater.

S: Actually, ang tanong po diyan, kung ako kunwari ay private car owner. Ako'y pumapasok sa trabaho ko. Kung ikaw ba, willing kang iwan 'yung sasakyan mo sa bahay if there's an efficient mass transport system o magkokotse ka pa rin dahil may kotse ka?

SFNP: Well, alam mo, at saka kapag mas efficient 'yan, mas mura.

S: Mas mura at saka mas konbinyente actually. Hindi mo na kailangan mag-park.

C: Sa Singapore 'di ba? Dini-discourage nila 'yung private ownership.

S: They make it expensive kasi bibili ka ng sticker para makapasok sa business district.

C: Okay naman 'yung mass transport system nila doon.

SFNP: Nakita natin ang imposible. Mga 10 years ago, 15 years ago, noong unang lumabas 'yung MRT, aba panay ang sakay ko noon eh dahil syempre, maluwag, mabilis. Syempre hindi lang natin na-follow through ika nga. Kung sunod-sunod na sana 'yung pagdevelop ng mga linya, sunod-sunod na rin ang tamang pagmentena nitong mga tren, ang ganda sana. I remember the first time na sumakay ako diyan, turn of the century 'yan, mga 2001 ata, "naku, pwede pala." Eh 'di ibig sabihin kinakailangan lang natin tutukan pa nang husto dahil sa totoo lang pwede naman talaga. Singapore, Thailand, lahat 'yan naisagawa nila 'yung mga mass transport system. Walang dahilan na hindi natin magagawa basta tutukan lang natin at kinakailangan ng suporta.

S: At hopeful naman tayo na patungo na rin tayo sa nakikita natin ngayon, Senator.

SFNP: 'Yun na nga, pwede. We just have to push the right buttons, ika nga, and kalampagin ang dapat kalampagin, at in the end, dapat 'yung commuters mismo dahil sila naman ang talagang makikinabang dito kapag sumama at sumuporta sa ganitong pagtutulak at pagsusulong ng mga panukalang batas.

News Latest News Feed