Press Release
August 12, 2019

MESSAGE ON EID'L ADHA

We are one with our brothers and sisters in Islam in commemorating Eid'l Adha or the "Feast of Sacrifice".

The solemnity of this holy occasion reminds us of the significance of strong faith, respect, and compassion with fellow Filipinos in the pursuit of our collective goals. That in spite of the struggles and challenges which many of us face, we continue to believe and strive through the guidance of the Almighty.

Time and again, we have seen this courage and unrelenting spirit from our fellow countrymen in conflict-ridden areas, where, in the midst of decades-long violence and lack of opportunities, they continue to hope and persevere towards achieving lasting peace and a just society.

Nananatili po ang mabibigat na hamon sa marami nating kababayan sa Mindanao, kabilang ang mga napilitang lumikas dahil sa kaguluhan at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakababalik sa kanilang tahanan--mga nakatatanda, may sakit o kapansanan, mga batang hirap makapasok o tumigil sa pag-aaral. Silang sa mga pagkakataon na hindi man nakaririnig ng putukan, ay patuloy ang pagkalam ng sikmura, ang takot at agam-agam para sa kanilang kaligtasan at kinabukasan.

Ipagdasal po natin ang epektibong pagkilos ng gobyerno sa mabilis na rehabilitasyon ng mga komunidad na winasak ng kaguluhan. Matagal na pong pinaguho ng karahasan ang kanilang mga pangarap, manaig naman po sana ngayon ang malasakit sa kapwa at matibay na pananampalataya upang muling mabuo ang kanilang pag-asa at makabangon tungo sa normal at marangal na pamumuhay.

Isang mapayapa at makabuluhang pagdiriwang po sa lahat.

Eid Mubarak!

LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

12 August 2019

News Latest News Feed