Press Release August 15, 2019 Statement of Senator Manuel "Lito" Lapid on the looming hike in ATM fees Wag na sana nating dagdagan pa ang pasanin ng ating mga kababayan, lalo na ng mga manggagawa na kakarampot na nga ang kinikita ay mababawasan pa. Paano pa natin mahihikayat ang mas maraming Pilipino na maglagak ng kanilang pera sa bangko kung patuloy nating tataasan ang bayad sa simpleng pagwi-withdraw ng kanilang pera sa bangko? Hiling ko po sa Bangko Sentral ng Pilipinas na pag-aralang mabuti ang usaping ito at nawa'y isaalang-alang nila ang kapakanan ng ating mga mamamayan na pinakaapektado ng dagdag bayarin na ito. |
Wednesday, March 27
Tuesday, March 26
|