Press Release
August 18, 2019

Transcript of Interview with Senate Minority Leader Franklin Drilon
DZBB hosted by Ms. Nimfa Ravelo

Ravelo: Congratulations, Sir, sa award n'yo diyan sa Iloilo.

Drilon. Salamat, Nimfa.

Ravelo: You pointed out po na bilyon bilyon yung nawawala sa pondo ng Philhealth. Ano po ang dapat nating ikabahala?

Drilon: Ang ikakabahala natin ay dahil sa malaki ang subsidy ng national government sa Philhealth, that's number one. Pangalawa, yung actuarial life ng Philhealth, kung gaano kahaba ang panahon na pwedeng sagutin ng Philhealth yung pangangailangang medical ng ating mga kababayan. Pangatlo, noong nakalipas na limang taon umaabot na sa P26 billion ang net operating loss ng Philhealth, hindi pa kasama rito ang unpaid claims of P48 billion. Kaya siguro ang unang hihingin natin ay pwede bang magkaroon ng special audit ang COA sa Philhealth, hindi lang annual audit, para makita natin kung magkano ba talaga ang lugi sa Philhealth at magkano ang pondo na kailangan. Kasi nagkaroon tayo ng Universal Health Care Act at lalaki ang pangangailangan ng Philhealth. Next year, ang estimate P257-B at taaas pa ito taun-taon hanggang P319-B in 2024.

Importante ito para sa atin. Kaya dapat unang-una, matigil ang corruption sa Philhealth. Hindi dapat mangyari iyan. Overypayment na nga, may corruption pa. Kaya hindi nababayaran yung claims ng hospital. Itong mga regional public hospitals natin, kung sila po ang nilalapitan ng taumbayan, mayroon silang operating expenses at humihingi sila ng reimbursement sa Philhealth, kung hindi nababayaran ang hospitals, baka hindi na sila tumanggap ng pasyente.

Dapat tingnan din natin yung collection efficiency ng Philhealth. May mga nagsasabi na 50% lamang ang collection efficiency ng Philhealth. I-examine natin ang sistema. Hindi yung dagdagan natin ng daan-daang tao. Let us look at the system, with the computerization, IT, hindi ko makita kung bakit hindi natin malagyan ng sistema na makatutulong dito sa malaking problema sa Philhealth.

Ravelo: Sa special audit, pwede bang kumuha ng external auditor from the private sector?

Drilon: Dapat ang controlling yung COA. Pwede siguro kumuha ng technical people pero ang final say ang COA. Hindi pwedeng hindi COA ang mag-audit sang-ayon sa ating Constitution.

Ravelo: Pwede bang weekly yung pag-audit sa Philhealth?

Drilon: Pwedeng magkaroon ng mas masusing audit procedure. Sa loob po, internally, pwede silang mag-hire ng system o technical persons who can look at this on the daily basis.

Nakakalungkot po dahil yung collection efficient is only 50% or less. Kung P100 ang collection, P50 lang nakokolekta and, yet, yung claims ay overwhelming. Iyan ay malaking problema.

Ravelo: P3 billion a week daw ang benefit claim ng Philhealth?

Drilon: Ang benefit payments ng Philhealth, let's say in 2017, ang kanilang benefit claim expenses ay umabot ng P106 billion. Iyan ang ibinayad na benefit. Ibig sabihin, mahigit P3.5 billion ang benefit claim.

Ravelo: Sa pagtatanong ninyo lumabas mayroong mafia raw sa Philhealth, pwede po bang i-relate ito sa corruption?

Drilon: Unang-una, dine-dispute yung itinuturong mafia. Hindi maliwanag. Yung mga isinampang kaso sa kanila ay malabo. Halimbawa, medyo mahirap i-connect sa anomalies kung yung kaso na isinampa lamang yung alleged timecard violation happening 10 years ago. Hindi maliwanag sa akin. Dahil ang principal charges ay ayaw sumunod sa reshuffle. They must come out with some more credible evidence than that.

Isa pa sa nakikita nating problema sa Philhealth ay ang madalas pagpalit ng liderato. Apat na Philhealth President in three years. medyo may diperensya. Makikita natin na unusual na apat ang pangulo sa loob ng tatlong taon. Paano mo naman mapatakbo ang isang organisasyon na bawat taon ay nagpapalit ng pangulo. Something is wrong with the system. Alam mo, sa ating GCG Law na aking isinulat, dapat may screening kung sino ang magiging pangulo ng GOCCs, including itong Philhealth, in terms of competence and qualification. Hindi ko lang alam kung napatutupad ang proseso.

Ravelo: How do we move forward?

Drilon: Hindi po madali ito. I'm sure the Blue Ribbon will conduct more hearings. Ang nakikita ko iyong COA regular and special audit; palakasin yung auditing department ng Philhealth; naniniwala ako na yung sistema dapat rebyuhin para hindi mangyari ito.

Nakakatakot ito dahil nakasalalay rito yung benefits ng mga Pilipino. Malaking pera ang nakasalalay rito. We should not stop hangga't hindi natin nakikita ang puno't dulo nito.

Ravelo: Si Sec. Duque, bilang ex-officio member ng Philhealth Board, may pananagutan po ba?

Drilon: Hindi ko alam. Yung pananagutan dapat makita mo. Hindi ko alam yung sistema nila sa loob. It's difficult to say.

News Latest News Feed