Press Release
August 20, 2019

GRACE POE's AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
FPJ's 80th Birth Anniversary at Manila North Cemetery
August 20, 2019

Question: Ma'am given po 'yung mga problema po sa ating bansa ngayon, how will a leadership of an FPJ make a difference?

Sen. Grace Poe: Siyempre ito'y mga pangarap na lang dahil sumakabilang buhay na nga siya, pero siguro kung siya ay nandito, alam ko uunahin niya talaga 'yung pinakanangangailangan kasi 'yun naman siya. Simple ang kanyang pagkatao pero kung may nangangailangan ng tulong sa pagpapagamot, sa pagpapaaral, sa pagkain hindi niya 'yan matatanggihan kaya kahit naman sa anong ginagawa namin, sa trabaho namin o sa pribadong pagsisikap, ay tinutuloy namin kung ano ang makakaya namin.

Q: Ma'am sa mga adbokasiya po ng iyong yumaong ama, ano po do'n 'yung gusto niyo talagang ipagpatuloy at pagpursigihan para sa bayan?

Poe: Para sakin 'yung pagiging matulungin. Katulad nga ng isang bagay na naipasa na rin natin, unahin natin 'yung mga pinakanangangailangan. 'Yung mga bata, mga naipaglaban natin, salamat sa Diyos naipasa na nga ang libreng pananghalian sa public schools. 'Yung mga bagong nag-aapply ng trabaho para matulungan sila, dapat libre na 'yung government clerances nila; sa awa ng Diyos napirmahan naman ng Pangulo at naipasa na rin. 'Yung mga bagay na talagang mararamdaman ang gusto nating ipagpatuloy.

Q: Kung siya po ay nabubuhay ngayon, ano po kaya 'yung kanyang mensahe niya sa mga Pilipino especially po na panahon ng kahirapan?

Poe: Kung nabubuhay ngayon si FPJ, sa tingin ko ang sasabihin pa din niya ay huwag nating kalimutan ang pagmamahal sa bayan; pagmamahal sa kapwa at pagiging isang mabuting haligi ng tahanan at pagiging isang ehemplo na maganda lalung-lalo na kung ikaw ay isang popular na indibidwal, kasi malaking responsibilidad 'yun. Hindi maganda na popular ka lang pero popular ka sa mga bagay na hindi dapat sundin ng ating mga kababayan dahil hindi makakabuti sa kanila.

Q: Any plans Ma'am on 2022?

Poe: Alam mo anim na taon-salamat sa ating mga kababayan sa kanilang tiwala-kasi anim na taon pa tayo sa senado at nagpupursigi naman tayo na 'yung anim na taon na 'yun ay maging produktibo at hindi naman masayang ang boto ng ating mga kababayan.

Q: Right now wala talaga kayong plano to have a repeat of the presidential

Poe: Wala talaga, unang-una hindi madali ang karanasan na 'yun at napakaraming puwede nating pagpilian pero kailangan isipin nating mabuti kung sila ba talaga ay makakabuti at totoo sa bayan.

Q: Reaction po Ma'am sa pagkamatay ni Sec. Gina Lopez?

Poe: Alam mo si Secretary Gina ay isang mandirigma at sinasabi ko itong mandirigma dahil ipinaglaban niya 'yung mga bagay na makakabuti talaga sa ating kalikasan, sa ating kababayan na nangangailangan. Ang nakakalungkot nga ay nalalaman lang natin ang kabuuan ng kabutihan na ginawa ng isang tao kapag siya ay pumanaw na. At ganoon din kay Secretary Gina, nakakalungkot na hindi siya nakumpirma na Secretary ng DENR pero sa maikling pagkakataon na siya'y naroon ay naramdaman naman talaga ang kanyang pakikibaka para 'yung kalikasan natin ay maprotektahan. Wala pa siya sa gobyerno ay tinangka na niyang linisin ang Pasig River. Marami siyang natulungan sa Bantay Bata na pareho ring adbokasiya ko, ang mga batang nangangailangan, kaya saludo ako sa kanya at kung saan man siya, maraming salamat. Sabi nga nila 'pag ikaw ay mabuting tao mas maaga kang kinukuha; namatay rin ang aking ama noong siya ay 65 years old. Thank you.

News Latest News Feed