Press Release
August 20, 2019

GRACE POE's AMBUSH INTERVIEW TRANSCRIPT
FPJ's 80th Birth Anniversary at Manila North Cemetery
August 20, 2019

Q. Ma'am na-mi-miss niyo siya?

Poe: I miss him pero siyempre sa pagtagal ng panahon dahil patuloy naman nating ginagawa 'yung mga bagay na sa tingin natin ay mabubuhay ang kanyang alaala, hindi naman ako gano'n kalungkot na pero siyempre paminsan-minsan naalala ko pa rin. Pero actually madalas pa din, lalung-lalo na 'pag nagluluto ako ng ibang recipes na itinuro niya sa akin, 'yun.

Q. Ma'am, ngayon po, what can you say Ma'm na outpouring pa rin ang support sa family mo, sa family ninyo?

Poe: Kakaiba talaga ito kasi labinlimang taon na, umulan o umaraw, halos hindi pa rin natitinag 'yung mga nagmamahal kay FPJ. At 'yung maganda nga, siyempre marami nang mukhang antique dito, matatanda na, akay-akay na sila ng kanilang mga pamangkin; ng kanilang mga apo; ng kanilang mga anak na doon sa kanilang pamilya, buhay ang alaala ni FPJ. Lalung-lalo na ngayon 'pag napapanood mo pa rin 'yung ibang palabas niya sa cable o sa TV at bagong remaster ang kanyang mga pelikula, parang bagong-bago pa rin ang dating sa atin.

Q. 'Yung father ninyo ay gusto talagang mag-serve sa Filipino people. Noong nakaraang eleksyon, continuous pa rin ang outpour ng support na natatanggap ninyo from the Filipino people. Sa darating na panahon, sa susunod na eleksyon, may plano ba kayo?

Poe: Hindi, nakita naman natin na ako ay talagang nagpapasalamat sa magandang reputasyon at legasiya ng aking tatay at ng aking nanay. 'Yon naman talaga ay puhunan ko pero siyempre katulad ng isang puhunan, 'yan ay iniingatan mo at pinalalago. May mga bagay na talagang hindi ako kasing-galing ng aking mga magulang, so hindi ko puwedeng isipin na dapat nakasandal lang ako doon kaya pinagsisikapan ko rin na gawing produktibo ang pagtitiwala ng ating mga kababayan kaya 'yung mag batas na itinutulak ko, kahit sabihin nilang simple, at least may pagkain 'yung mga bata sa public school, so 'yung mga gano'n.

Q. Ma'am na-mention ninyo kanina na darating si Isko Moreno who happens to be a godson of your father.

Poe: Inaanak ni Papa, ewan ko kung makakarating siya. Alam mo naman ang mayor napakabusy. Ako ay nagpapasalamat dahil naalaala niya, nagbigay nga siya ng (wreath), ang ganda nga, dalawa e, 'yung current mayor at 'yung former mayor dahil nandito tayo sa lungsod ng Maynila.

Q: Ma'm hindi kayo naiipit sa gitna because the former and the current mayor na meron mga friction in terms of politics, both close sa family ninyo?

Poe: Pero parang okay na sila.

Q: Hindi.

Poe: Ako ganito ha, si Erap ay kaibigan ni FPJ, ninong ko; pero si Isko nakasama ko sa aking senate slate noong 2016. Naniniwala ako sa kanyang integridad, naniniwala ako sa kanyang pagiging masipag kaya 'yon.

....

Q: Ano 'yung wish mo for both of them?

Poe: Hindi ako, my wish is for the people of Manila. Ako ay masaya ngayon na mayroong isang tinitingalang alkalde na talagang alam naman natin ay nagsisipag. Nakita naman natin na puwede pala yon. 'Pag nakaroon ng determinasyon ang isang lider, hindi pala kailangan ng emergency powers para alisin lahat ng sagabal. Ipairal lang ang batas, siguro hindi lamang siya, marami ring mga bagong alkalde ngayon ang nabibigyan ng pagkakataong ipakita na may paraan para ayusin ang ating lipunan, so sana sa ating mga kababayan imbes na anuhin natin, suportahan natin sila dahil hindi madali. At 'yung sinasabi na 'hindi naman ma-memaintain,' alam ninyo, tulungan natin para ma-maintain nila, ipaalala natin sa kanila.

News Latest News Feed