Press Release
August 21, 2019

MESSAGE ON THE 36TH DEATH ANNIVERSARY OF BENIGNO "NINOY" AQUINO, JR.

"How shall freedom be defended? By arms when it is attacked by arms; by truth when it is attacked by lies; by democratic faith when it is attacked by authoritarian dogma. Always and in the final act, by determination and faith."

This is the prominent quote from American poet, Archibald Macleish, which the late Senator Benigno "Ninoy" Aquino, Jr. wanted to share with the Filipino people on that fateful day of August 21, 36 years ago. But he never had the chance to deliver this message because he was, as the whole world witnessed, assassinated even before setting foot on his motherland.

Ninoy knew that a death sentence was waiting for him in the Philippines but still opted to return to fight for democracy and end the violence brought by Martial Law and Marcos' authoritarian rule. He could have stayed in the United States or sought political asylum, but chose to be with his countrymen during this dark chapter of our history.

Isinakdal si Ninoy ng korte militar batay sa mga imbentong paratang, kabilang ang kasong subersiyon. Malinaw ang layunin nito: Ikulong, gipitin at patahimikin ang mga tulad niyang lider ng oposisyon. Sa kabila ng dinanas niyang matinding hirap at pangungulila sa piitan, pinili pa rin niyang lumaban. Pinili niyang manindigan kaysa magbulag-bulagan sa tunay na estado ng bansa: ang pagbagsak ng ekonomiya, mga brutal na paglabag sa karapatang-pantao at lalong pagkabaon sa hirap ng mga Pilipino habang nagpapayaman ang mga nasa gobyerno at crony ni Marcos.

Ang prinsipyong ito ni Ninoy ang nagsisilbing lakas at inspirasyon natin ngayon, sa panahong nauulit na naman ang yugto ng karahasan at pang-aabuso sa kapangyarihan. Ngayon, kung kailan sinampahan ng kasong sedisyon ang mga miyembro ng oposisyon, mga pari, abogado at mga naghahangad ng katotohanan sa mga nangyayari sa bansa--mula sa laganap na patayan, pagbebenta ng ating soberanya, hanggang sa malubha pa ring kahirapan dulot ng katiwalian.

Ang araw pong ito ay hindi lamang araw ng pagpaslang kay Ninoy, kundi araw din ng pagsupil sa demokrasya at hustisya sa ilalim ng diktadurya. Gaya ng nais ibahagi noon ni Ninoy sa kanyang pag-uwi, lagi sana nating ipagtanggol ang ating kalayaan nang may masidhing determinasyon at pananampalataya.

LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame

21 August 2019

News Latest News Feed