Press Release
September 2, 2019

Press statement of Senator Joel Villanueva re: hearing of the Blue Ribbon Committee on the scuttled release of former Mayor Antonio Sanchez

In today's Blue Ribbon committee hearing on the scuttled release of convicted rapist Antonio Sanchez, we all saw how the inquiry uncovered the incompetence of the Bureau of Corrections, particularly its director, Undersecretary Nicanor Faeldon.

Malinaw pa po sa sikat ng araw na kahit sa loob ng piitan, mayroon pa ring naghaharing-uri. Kapag may salapi at kapangyarihan, kaya ng preso na maka-angat sa iba. Ang kanilang pamilya, nabibigyan ng oras at panahon ng pamunuan ng Bureau of Corrections (BuCor). Tila Very Important Prisoners ata ang ibig sabihin ng katagang VIP para sa mga kasalukuyang pamunuan ng BuCor. Nakakasulasok ang kapalpakan sa ahensya ng gobyerno na ito.

Damang-dama natin ang pait ng tadhana sa mga magulang nina Eileen Sarmenta at Allan Gomez sa pagdinig kanina. Kinailangan po nilang muling sariwain ang sakit na sinapit ng kanilang mga anak sa kamay nina dating Mayor Sanchez at kanyang mga tauhan. Hindi po natin titigilan ang BuCor at iba pang ahensya ng pamahalaan para tuluyang makamtan ang tunay na katarungan ng ating mga kababayan.

News Latest News Feed