Press Release
September 12, 2019

SEN. IMEE IGINIIT ANG PROTEKSYON SA MGA MEDIA SA GITNA NG PAG-ATAKE SA ABANTE

UMAPELA si Sen. Imee Marcos sa kaukulang ahensya ng pamahalaan na bigyan ng proteksyon ang mga media na tumatanggap ng pagbabanta sa mga taong nasasagsaan ng kanilang trabaho.

Ginawa ni Sen. Marcos ang pahayag matapos atakehin at sunugin ng apat na armadong kalalakihan ang planta ng Abante sa Paranaque city kamakalawa.

Giit ng Senadora dapat matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga kagawad ng media dahil sila ang itinuturing na tagapaghatid ng katotohanan sa publiko.

Hinikayat din ng Senadora ang NBI at PNP na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagsunog sa Abante upang malaman kung sino ang mastermind at mga responsable sa marahas na pag-atake at pagsunog sa pasilidad ng nasabing dyaryo.

"Nitong nakalipas na eleksyon, madalas akong birahin ng ilang media entity, pero tanggap ko ito bilang public servant dahil bahagi ng demokrasya at kalayaan sa pamamahayag. Ang pagsalakay at pagsira sa pasilidad ng Abante ay walang puwang sa sibilisadong lipunan. Hindi makatwiran at makatarungan na pilayin ang trabaho ng media," ayon sa Lady solon.

Ito ang kauna unahang pag atake sa Abante news group sa nakalipas na 32 taon simula. noong 1987.

News Latest News Feed